"Diordè!" Tawag ko nang halos mahabol ko na siya, mas binilisan ko ang takbo ko ng hindi niya man lang ako nilingon or hindi man lang siya natinag.
"Jaxon Diordè!" Muli kong tawag, malapit ko na siyang mahabol. Hingal na hingal na rin ako kakatakbo.
Binabagtas niya ang daan papunta sa dalampasigan. Hindi ko alam kung bakit, ngunit may pangamba akong nararamdaman.
But instead to stop, ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Acting like he doesn't hear anything kahit alam kong rinig naman niya ang pagtawag ko sa buong pangalan niya.
"I'm tired of chasing you!" Naisigaw ko, napaupo ako sa buhangin dahil hindi ko talaga siya mahabol, ang lalaki naman kasi ang bawat hakbang niya!
Kinakapos na ang hininga ko, hindi ko alam kung anong nangyayari dito, sa pagitan nila ng pinsan niya at kung bakit siya umalis. I'm clueless on what's happening at bakit siya nagkagan'yan.
Dahil sa sinabi ko ay napahinto siya, ngunit hindi naman siya humarap. Nanatiling nakatalikod ngunit alam kong nakikiramdam siya.
"Can you come here and pick me up?" Hingal kong tanong, napahawak ako sa dibdib ko, "Hindi na kita mahabol, pagod na ako." Dagdag ko pa.
Dahan dahan siyang humarap, seryoso lamang siyang nakatingin sa akin, nang makita niya ang kalagayan ko ay humugot siya ng hininga at nilagay ang mga palad sa loob ng kan'yang bulsa.
Ang gwapo niya, ang cool niya! lahat na ata ng magandang katangian ay nasa kan'ya na!
Marahan siyang naglakad patungo sa akin, napangiti kaagad ako dahil d'on. Nang nasa harapan ko na si ay umupo siya patalikod.
Napatanga ako sandali dahil hindi ko gets kung bakit siya umupo, ilang minuto akong napatitig sa likod niya.
Narinig ko ang daing nito bago pumihit paharap, bakas ang iritasyon sa mukha niya ngunit nawala din 'yon, dahan dahan niyang tinggal ang sapin pang paa kong suot.
"Hold that." Utos niya kasabay ng pag-abot n'on, mabilis naman akong sumunod at kinuha 'yon sa kamay niya. "Listen, I'm gonna carry you."
Halos mapatili ako sa gulat dahil bigla niya akong binuhat na parang pang kasal, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi niya, ang gwapo!
Parang umurong ata ang tapang ko dahil sa ginawa niya, pakiramdam ko rin ay may paro-paro sa tiyan ko na siyang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko.
"Tsk, bakit ka ba kasi sumunod?" Tanong niya habang deretso sa harapan ang tingin.
Hindi ako sumagot bagkus ay tumitig lang ako sa maamo niyang mukha, mas hinigpitan ko ang kapit ko sa leeg niya para mas mapalapit pa dito.
Dahil hindi ako sumagot ay nilingon niya ako, ngumiti ako sa kan'ya. Damn, if Diordè is just a drug, malamang ay matagal na akong high. Matagal na akong nasa kulangan dahil sa pag-aadik.
"I'm addicted to you." Bagkus ay sagot ko, halatang nagulat siya sa sinagot ko ngunit agad ding nakabawi, muli ay sumilay ang ngisi sa mga labi niya.
"Don't say that," Aniya, "I'm gonna think you're into me too, 'wag gan'on. Mahirap ang umasa, masakit Faye." Dugtong niya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/186302031-288-k91549.jpg)
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...