Chapter 49

3.5K 76 1
                                        

CHAPTER 49


He stayed in our mansion for tonight. Pansin ko na panay lang ang gala nito ng tingin sa kabuohan ng kwarto ko.

"Your children looks cute." Puri niya sa mga anak namin, right. "They both look like you." Aniya pa.

Hindi ko siya pinansin. I will let him stay for tonight but doesn't mean I will talk to him like nothing's happened.

Natulog na ako sa tabi nila habang siya'y natulog lang sa sofa. Tahimik lang ang buong kwarto, walang nagsasalita.

Hanggang sa makatulog na kaming lahat, nagising lang ako sa sunod sunod na katok sa labas ng kwarto ko, nilingon ko ang sofa at wala na d'on si Diordè.

Kinusot ko ang mata sa pagkasilaw dahil sa sinag ng araw na tumatama mula sa bintana bago dahan dahang bumangon sa pagkakahiga ko.

Kinumutan ko muna sina Psalm at Cleo bago naglakad patungo sa pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Mommy at Daddy, maging si Lola ay naroon at nakangisi, nandito rin si Cassi, si Grant na asawa nito maging si Eury na anak nila, Claise, Axel, Leimarie, Kuya Reigh and Coreen is also here.

Nga pala, nauna nang umuwi ang mga kaibigan ko sa New York. May mga kailangan din kasi silang asikasuhin.

Biglang sumabog ang confetti sa harapan ko, napatakip ako ng bibig sa gulat dahil d'on, mabilis akong lumabas ng kwarto at hinarap sila.

"Belated happy birthday, sweety!" Saad ni Daddy, napangiti ako bago yumakap sa kan'ya, "Sorry if we're late." Dugtong niya pa bago hinaplos ang pisngi ko.

I smiled to all of them, my heart just melt. They put an effort to greet me even if it's late.

"Aww, thank you everyone!" Mangiyak ngiyak kong saad, "What's your plan?" I asked to them.

"Your public appearance." Si Lola ang sumagot sa tanong ko, "You will announce to Casa about your twin." Dugtong pa niya.

"For real?" Mas lalo akong naging emosyonal, "Finally!" Masigla kong saad.

Walang may alam tungkol sa kambal ko. Hindi ko 'yon pinaalam, at iilan lang sa kakilala ko ang may alam tungkol d'on, hindi ko nilabas dahil ayaw din nila Lola.

Pinasok na nila ang kambal sa loob, naiwan kaming dalawa ni Coreen sa labas. Mabilis itong lumapit at nakangiti akong niyakap.

"Maybe it's time for you to be happy." Bulong nito, hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, "Do what makes you happy, anger is just a sign of pain, and being in pain will taught us to be stronger." She said.

Mabilis akong tumango dito, "Thank you so much, Coreen." I uttered then tears fall on my eyes.

"No more tears this time, alright?" Pinunansan ko ang mga luha ko at tumango, there's no tears left right now.

Nalinawan na ako. I will do what makes me happy, nabasag naman na ang puso ko ngunit hindi ba dapat ko itong buuin muli para sa mga anak ko? I want to give it a try with Diordè again.

-

Mas bongga ang naging party ngayon. Everyone's in Casa are invited to attend, it's not as exclusive as before na puro mga relatives lang ang imbitado.

Ang iba ay nagulat nang makita ako. Malamang, they didn't see me even I'm staying here, ang iba naman ay tila mangha na makita ako sa harapan nila ngayon.

Binati ko ang mga lumalapit sa akin. Hindi ko alam ngunit mas magaan ang loob ko habang kausap sila. Hindi naman kasi ako nakadress kundi nakaformal clothes lang ang suot.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa nang mapansing marami rami na ang dumalo. Mula sa kinatatayuan ko dito sa gitna ang lahat ay tumayo at nagpalakpakan, I can see the smile on their faces while looking at me, somehow it gives me a chill.

"For everyone who attend this gathering,  I would like to say thank you." Pauna kong saad.

"Kailan kapa nakarating Triofea?" Tanong ng isa, I think she's my schoolmate in college, "Grabe, ang ganda mo na lalo!" Puri nito.

Nahiya ako sa compliment nito, ngumiti lang ako at hindi na muling nagsalita, binaling ko ang tingin sa lahat.

"Kaya namin kayo ininvite para ipaalam ang tungkol sa anak ko." Straight to point kong sambit.

Nagbulungan sila dahil sa sinabi ko, I keep my smile shining, halatang nagulat sila sa biglaan kong sinabi. Kahit sino naman ay nagugulat at nagtataka na may anak na ako, siguro nakakagulat talaga dahil ang bata ko pa nang magkaanak ako.

"They are twin." Saad ko pa habang nakangisi ng malapad. Bumaling ako sa dalawa kong anak na papalapit sa kinalulugaran ko bago ginala ang tingin sa paligid.

Then I saw Diordè, so he really came? Ang saya ko ay hindi mapawi hanggang sa makarating ang dalawa kong anak sa harapan.

"Hindi ko sila dinedeny, ngunit hindi pinagsisigawan. I'm just loving them unconditionally." Sambit ko, "I studied while carrying them in my tomb." Hindi ko mapigilang magtunog proud, hinawakan ko ang dalawa kong anak at hinarap sila.

"This is Psalm Gideon, my baby boy." Pakilala ko kay Psalm na nakatingin lang sa paligid, ni wala man lang itong pakialam sa atensyon na nakatuon sa kan'ya, bumaling ako kay Cleo na malapad ang ngiti sa lahat, "And this is Mary Escleofaith, my baby girl."

Hindi sila makapaniwala, malapit ang pamilya ko sa tao sa Casa dahil minsan ding nanilbihan ang Lolo ko sa Casa nang kapanahunan nito at naitigil lamang 'yon nang pinili ng mga Fortugues na ipokus sa business ang lahat ng oras at atensyon.

"Sino ang tatay?" Tanong ng iba na hindi parin makapaniwala, nilingon ko ang mga magulang ko na nakangiti sa akin ngayon, they're nodding their heads on mine while smiling, maging si Lola ay nakangiti sa gilid nito, nakathumbs up naman si Cassi maging si Coreen.

Bumaling ako sa lahat at ginala ang tingin, huminto 'yon sa iisang tao. Sa iisang tao na siyang kayang magpahinto ng mundo ko mula sa simula, ang taong una at huli kong mamahalin kagaya ng pangako ko, ang taong minahal ko ng higit pa sa sarili ko, siya 'yong nagparamdam sa akin ng saya, sakit, pait, hagupit ng tadhana, sampal sa realidad, pagmamahal but above all he taught me a lot lesson that sealed in my soul.

Nakatitig lang din ito sa akin, mula sa kinatatayuan ko ay nababasa ko ang pagtataka sa mga mata niya, nababasa ko rin ang halo halong emosyon sa mga mata nito na nakatitig pabalik sa akin.

Hindi ko pinuputol ang tinginan naming dalawa, bagkus ay ngumiti ako ng matamis dito and this time, it's for real.

"For all the things you've done to me, the happiest memories with you remain in my heart." Saad ko ng buong puso, I'm willing to forgive and give him another chance to start a new for the sake of our chance and my love for him. "You fulfill the emptiness in my heart.." pumiyok ako dahil sa nagbabadyang luha.

Dahan dahan akong lumapit habang hawak ang mga anak ko. Nilingon sila at katulad ko ay umiiyak din ang mga ito, lalong lalo na si Psalm!

"Yes, everyone." Bumaling ako sa lahat, sa pagitan ng pagluha ay ngumiti ako nang malapad, bumaling ako kay Diordè na naguguluhan sa harapan ko ngayon.

"Engr. Jaxon Diordè Ellianor is the father of my twin babies." Saad ko.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon