Chapter 38

2.8K 65 0
                                        

I think wala na akong mahihiling pa, I got Diordè's heart, it belongs me now.

I want to cry... and this time because of so much happiness. After years of chasing.

He finally love me back.

Ngayon, nasa loob lang kami ng bahay. We're planning to watch a movie together dahil wala naman kaming ginagawa.

"I will cook our snacks." Paalam niya sa akin, masuyo niyang hinalikan ang ulo ko.

Tumango lang ako at nakafocus ang mata sa panonood, napangiwi ako nang maistorbo ako dahil sa bigla na lang may nagdoorbell.

Tunog ng tunog ang doorbell, napangiwi akong muli. Dali dali akong tumayo sa kinauupuan upang tignan kung sino man ang kumakawawa sa doorbell namin.

Handa ko na sanang singhalan kung sino man ang doorbell nang doorbell kanina pa ngunit nang mabuksan ko ang gate ay bumungad sa akin ang nag-aapoy sa galit na mata ni Sullie.

Napaatras ako nang salubungin niya ako ng isang pabalyang sampal, napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya.

Siya na nga lang 'tong kabit, siya pa ang matapang! Walang hiya siya!

"What's your problem?" Medyo nakaramdam ako ng galit sa loob ko dahil sa biglang niyang pagsampal sa akin. "Why are you here?"

"How dare you! You fucking witch!" Sigaw nito sa mismong mukha ko at binalak niya akong sampalin muli, mabilis akong umilag.

She's not contented on slapping me once, dahil nang hindi niya ako nasampal ay sinugod niya ang buhok ko. Sinabutan niya ako!

Napa-aray ako at napatili dahil sa higpit ng pagkakasabunot niya, halos matanggal ang anit ng buhok ko, ramdam ko ang pagkalmot niya sa pisngi ko, napangiwi ako dahil sa sakit n'on! Hindi pa siya nakontento dahil binalya niya 'ko sa pader, that causes me to feel dizzy.

"Malandi ka talaga!" Malakas niyang saad sa pagitan ng pagsabunot nito sa akin, "Mang-aagaw! Ano, masaya kana? Hinding hindi ka magiging masaya, sinasabi ko sayo Triofea!"

Ako pa ang nang-agaw?

Diordè is my husband! Akin siya, at siya ang kabit! Mas lalo akong nagalit. I don't get mad easily but the way she spoke on me... hindi ko maiwasang hindi maghinanakit at magalit.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naiinis kong tanong dito, mas humigpit ang pagkakahila niya sa buhok ko. "Sa ating dalawa, ikaw ang kabit at mang-aagaw! Kasal kami ni Diordè, sa harap ng Diyos at sa batas!" Sigaw ko.

At sapat na 'yon upang lalo siyang manggigil. Galit na galit siya na parang kaya niya akong patayin anumang oras. Nakaramdam ako ng takot lalo na nang muli niyang pinuntirya ang mukha ko. Puno na ako ng kalmot at pulang pula na ang magkabilang pisngi ko sa walang habas niyang pagsampal at kalmot dito.

Kinubabawan niya na ako. Ramdam kong magmanhid na ang pisngi ko dahil sa sakit ngunit hindi ko na 'yon alintana pa. I was really hurting mentally and physically.

I almost lost my consciousness.

Diordè, what takes you so long?

"Ang kapal ng mukha mo! Aagawan mo pa ng karapatan ang anak kong malandi ka!"

Nang hindi ko na makaya ang pinaggagawa niya ay inipon ko na ang buong lakas ko para maitulak siya palayo sa akin. If not, I will die from suffocation and pain in my belly.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon