Chapter 17

3K 67 4
                                        

Pagmulat ng mata ko'y nasa pamilyar na kwarto na ako, kahit na hindi ko igala ang mata ko ay alam kong nasa kwarto namin ni Diordè ako ngayon.

Napatingin ako sa bintana, nanlaki ang mata ko nang mapansing dumidilim na pala ang langit. Dali dali akong tumayo sa pagkakahiga ko.

Atsaka, paano ako napunta sa kwarto namin? wala na akong oras para mag-isip kaya aalisin ko muna sa isipan ko 'yon.

Nagsuot ako ng sapin sa paa bago dere-deretsong lumabas. I forgot to cook a food, ni hindi pa nga kami kumakain ni Diordè mula kanina!

Pagbaba ko ay dumeretso na agad ako sa kusina, I will cook for our dinner. Ano bang masarap iluto? Maybe adobo or pork sisig which is favorite ni Diordè?

Nagulat nga lang ako nang pagdating ko sa kusina ay bumungad sa akin ang likod ni Diordè, he's cooking and halos mangiwi ako when I smell something na parang nasusunog?

At dahil nakatalikod siya, I can see how flexible his muscle is. It's because he just wearing a sando! He even wearing apron with toque in his head which makes him so cute! Napangiti ako dahil d'on, but don't mind the burning smell.

Bigla siyang humarap sa kinalulugaran ko, halatang nagulat pa siya na makita ako ngayon. Binitawan niya ang spatula sa may gilid, napangiwi ako nang malaglag 'yon sa sahig.

Ako naman ay parang tangang tinuhod na pinapanuod, hindi ako makagalaw habang nakatingin lang sa kan'ya. My dream guy is cooking our dinner!

Nakita ko kung paano siya mamula habang hinuhubad ang apron na lagi kong gamit, hindi ko mapigilang hindi matawa.

"You know how to cook?" Mapang-asar kong tanong, I stepped forward to see what he cooked for us.

He gasped. "Yeah." I know he's lying, natawa ako nang muli siyang nagmura. "Uh, actually no." He then said.

Tinignan ko ang niluluto niya, it's adobong manok talaga. Pero bakit amoy sunog ang isang 'to?

"Patapos naba 'to?" Tanong ko habang nakasilip d'on, bigla tuloy akong ginutom.

Nag-angat ako ng tingin nang hindi siya sumagot, at halos mapaatras ako sa gulat dahil sobrang lapit niya na pala sa akin.

Seryoso lang ang mukha niya kaya dahan dahan ang ginawa kong paglayo sa kalan. Kundi ako lalayo ay baka magtama pa ang mga labi naming dalawa sa sobrang lapit.

Tumalikod na ako at naglakad paalis ng kusina, bakit pakiramdam ko sobrang init? Napailing iling ako.

Umupo na lang ako sa dining area ng bahay namin, waiting for him to finish the food he cooked.

I looked around, nalinis ko na ito kanina at ang huli kong naalala ay nakatulog ako sa may sofa sa sobrang pagod at kakatawa dahil sa pag-amin niyang hindi siya marunong maglinis.

The man I thought perfect has a flaw too hmm? Akala ko talaga ay flawless ang isang 'yon! But I still love him tho.

Dumating siya dala ang pot na pinaglutuan niya. Akmang tatayo na ako dahil mukhang nahihirapan siya, pero hinawak niya ako sa dalawang balikat.

"Eat." Bagkus ay utos niya.

Mabilis ko naman 'yong sinunod. Tinignan ko siyang pagsandok ako ng pagkain sa plato ko, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon