Chapter 20

3.3K 64 0
                                    

Nasa isang private plane na kami ngayon papunta na sa Palawan. Mabilis lang kaming naka-alis dahil may naka-book na palang ticket si Diordè.

Nagulat rin ako na naka-ayos na pala ang mga gamit namin, kaya dumeretso na lang kami dito sa may airport.

It is already 1 a.m, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ako kasi ang nasa dulo habang nasa tabi ko si Diordè na ngayon ay nakapikit ang mata.

I took a glanced on him. I think he's sleeping, ang bigat na kasi ng hininga niya na parang pagod na pagod siya.

I smiled. Ang gwapo parin at walang kupas talaga. Hindi ko alam kung maiinis ako sa kan'ya or sa sarili ko sa nalaman. Ano pa nga ba?

Mula kanina ay inaasar niya na ako dahil sa mga sinabi ko. He's pissing me off but it seems like natutuwa pa ako sa bagay na 'yon imbis na mainis sa kan'ya. Kinikilig ako, sobra sobra.

Tinitigan ko siya habang natutulog sa tabi ko. Bakit ba napaka-amo ng mukha niya na parang walang bahid ng kasalanan? Itong mukha niyang 'to lang ata ang hinding hindi ko pagsasawaang titigan.

How can I keep him forever in my arms? Kung gayong sa bawat lumilipas ay natatakot ako na baka bumalik sa dati ang lahat?

Nagising ako nang maramdaman kong tumatama sa aking pisngi ang sinag ng araw, I yawned. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako!

But my eyes got widened as soon as I realized that I'm in the airplane when I fell alseep? Bakit narito na ako isang hindi pamilyar na kwarto?

Nagmamadali akong tumayo sa malambot na kama bago naglakad papunta sa palabas, I am in a modern british style penthouse. Is this in Palawan? Nasa palawan naba kami? Bakit ang ganda?

Napangiti ako habang ginagala ang tingin sa buong paligid. Mula kasi dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang buong lugar mula sa glass wall. Kita ko rin ang dalampasigan na hindi man lang nalalayo dito sa penthouse.

"Ang ganda.." Naibulalas ko habang mangha parin sa ganda nitong paligid.

But then I felt there's someone's eyeing me. Mabilis akong tumingin sa gilid at d'on ko nakita si Diordè na nakangiting papalapit sa akin.

Why my heart is pounding so fast because of this nice view? Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi mapangiti.

"Want something to eat?" Tanong niya.

Lumagpas ang tingin ko sa pinanggalingan niya. He's in a mini desk table na sa tingin ko ay mga lalagyanan ng mga importanteng papeles or something 

Ang gulo din ng table niya, tapos may swivel chair pa r'on at ang naghihiwalay lamang ang isang manipis na kurtinang satin bilang hati sa pagitan namin.

Napansin ko kaagad na ang kalat-kalat n'ong table niya, nilagpasan ko siya bago lumapit sa may table niya.

"Ikaw?" Tanong ko pabalik dito habang inaayos ko ang mga papeles na nakakalat. Ang gulo pa ng mga ballpen niya kaya inayos ko narin ang mga 'yon.

"Huh?" Naguguluhan niyang tanong, "You want to eat me?" Tanong niya pa.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya at nang mag sink-in sa utak ko 'yon ay bigla akong natawa ng malakas. Ano bang pumasok sa isipan niya at nasabi niya 'yon?!

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon