Gaya nga ng sabi niya, heto kami ngayon at naglalakad sa may shore. Halos mga ancestral house ang nakatayo rito, marami ding mga gazebo na sinadya pa para sa mga guest at mga tourist spot.
May mga stall ng food, souvenir, and may mga mini bar din. Napapikit ako dahil may naalala ako sa bar.
Hindi nagsasalita si Diordè sa tabi ko, ngunit maya maya pa ay naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa kamay ko't pinagsiklop ang mga 'yon. Ang isa naman ay ginamit niyang upang ipangtakip sa mga mata ko.
Nagdere-deretso lang ako ng lakad, I'm not worried na baka mabangga ako dahil hindi wala akong makita. Alam ko naman kasi na Diordè will guide me in a right path at hindi niya ako hahayaan mapahamak.
I trust him, bigtime.
Nang makalagpas ay dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakatakip sa mata ko, I lost my words when I saw his lovely eyes. Imbis na magpasalamat ay tumitig na lang ako sa kan'ya.
Naputol ang tinginan namin nang may dumaang sa pagitan naming dalawa. Dahil naghahabulan ang mga ito ay hindi nila kami namalayan, napabitaw ang hawak ko sa kamay ni Diordè dahil doon.
"Sorry po!" Saad agad ng babae bago yumuko, "Sorry po talaga mga Ate at Kuya!" Ani pa ng isa sa nga ito bago tumakbo na palayo.
Nagkatinginan kaming muli ni Diordè at sabay ding nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Napakuyom ang kamao ko upang itago ang pagkapahiya, nakalahad pala 'yon sa harapan ni Diordè at ngayon ko lang na-realized.
Nagkibit balikat lang ako.
Nagsimula na ulit kaming maglakad, hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa mga stall na nadadaanan namin. Ngunit muling naagaw ang atensyon ko ang bracelet na nakita ko rin nang nakaraan!
Mabilis akong lumapit sa stall na 'yon, nakita ko kaagad ang mukha ni Manang na siyang nagtitinda, napangisi agad ito pagkakita sa akin, looks like she remembered me talaga!
"Hija, ikaw ata ulit kako." Nakangiti niyang saad, tumingin siya sa likod ko, "Nobyo mo ba are?" Tanong nito.
Tumingin ako sa likod at nakita ko si Diordè, nakangiti akong bumaling muli sa kan'ya at akmang sasagot na ngunit si Diordè mismo ang sumagot sa tanong nito.
"Hindi po." Sagot niya, napawi agad ang ngiti ko dahil sa naging sagot niya.
Ano daw? Hindi? Edi hindi na kasi! Sabagay, hindi naman talaga kami mag-jowa ah? Tsk. Bakit ba nalungkot ako bigla dahil sa sinagot niya? Ang weird ko rin talaga minsan e, minsan masaya, minsan naman bigla biglang nalulungkot tuwing may nasasabi siyang hindi maganda.
Ang sensitive ko, super.
"She's my wife, asawa ko po siya at hindi girlfriend." Dagdag niya bago malapad na ngumiti sa matanda.
Handa na sana akong magtantrums ngunit nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, grabe! Hindi ko inaasahan ang isang 'yon ha?
"Gan'on ba?" natawa si Manang, "Anong gusto mo?" Muli niya pang tanong sa aming dalawa.
"Siya lang manang ang gusto ko talaga e." Biglang sagot ni Diordè.
Muling natawa ang matanda samantalang ako biglang nahiya lalo na nang may bahagyang naghagikhikan sa may gilid. Luh, grabe naman 'yon!
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...