Pinunasan ko ang luha na nasa mata ko. Kasabay n'on ang mahina kong paghikbi. Nagbayad muna ako sa taxi bago bumaba.
Nakilala naman agad ako ng mga guard at mabilis nila akong pinapasok. I fixed myself before I smiled to them.
"Hello po." Bati ko.
"Nand'yan din po ang mga pinsan niyo." Nakangiting sambit ni Manong Dan. "Mabuti at naisipan niyong bisitahin si Madame."
Nagulat ako dahil hindi ko naman alam. Ngumiti na lang ako bago pumasok sa loob. Hindi ko inaasahan na si Lola agad ang sasalubong sa akin.
Mabilis itong dumalo, nakasunod sa kan'ya ang mga maid maging si Cassi na halatang nagulat pa sa akin.
"Sachleia, hija?" Lola asked full of concerned. "What brought you here?" She then asked.
I shook my head then hugged her. "I just missed you, am I not welcome here anymore?" Biro ko bago ngumuso.
"Who told you that?" Tanong nito. "Of course you are welcome here!" Sambit pa ni Lola bago hinaplos ang buhok ko.
Inabot sa akin ng maid ang isang basong tubig pagkahiwalay ko sa yakap ni Lola. Nagmano din muna ako bilang tanda ng aking paggalang.
Pumasok na kami sa loob. Their house didn't change a bit. We were always here when we were younger, hanging out and so on. Kaming magpipinsan.
"Ang putla mo hija, have you eaten?" Mabilis akong umiling. What lie for? Gutom na rin kasi ako dahil hindi pa ako kumakain.
I saw my phone ringing. I immediately went out to off it. I turned it off then pumasok na ako ulit. I don't want to talk right now.
D'on ko lang napansin ang mga pinsan ko na narito rin. Tama si Manong Dan dahil nandito nga rin sila. Halatang nagulat pa sila nang makita ako ngunit mabilis din nila akong dinaluan bago dinamba ng yakap.
"Nandito na pala ang misis e." Sambit ni Lei bago ngumisi. "Ba't wala si mister?"
Natigilan ako ngumiti mabilis lang din akong ngumiti. "May tinatapos na sketch ng blueprint." I lied.
"Can I stay here?" Nilingon ko si Lola.
She's smiling while looking at us with joyful bliss in her eyes. My heart melt so I smiled.
"Don't ask that Faye." Singit ni Cassi na galing sa kusina, "We are always welcome here, right Lola?"
"Of course!" Mabilis na sagot ni Lola. "Fix their rooms." Utos nito sa isang maid na mabilis namang sumunod
Umupo muna ako saglit sa sofa sa may sala, nakatingin lahat sa akin na para nila akong iinterviewin. Sumimsim ako sa juice na gawa ni Lei.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Akin 'yan e!" Sambit niya na mabilis ko lang nginisian. Medyo maldita talaga.
"Does Auntie and Uncle know that you are here, Ate Faye?" Claise asked.
"Yeah," I lied, I bit my lower lips as she nodded and smiled.
"Okay. That's so good of you." Natatawa niyang sabi. "Kami hindi alam." Tapos ay nagtawanan sila dahil d'on.
Napailing na lang ako. Alam ko namang walang nag-paalam sa aming lahat.
Nagkwentuhan lang muna kami. Grabe, na-miss ko talaga ang mga pinsan ko. They even teased me because I was the first one who got married.
"Inunahan mo pa si Kuya Joreigh!" Singhal ni Lei bago natawa. "At si Ate Cassi!" She added.
"Nadamay ako d'yan?!" Binato siya ng pillow ni Cassi. "Bakit ba? May jowa naman ako e. Ikaw ba?" Pagmamalaki naman nito.
"Weh? Break na kayo, tanga!" Pag-atake naman ni Lei. Natigilan si Cassi. "Ay opps, pasmado lang sis." She even gestured it using her hands.
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...