Chapter 19

2.9K 70 1
                                    

After the scene in our house with Diordè's parents. Diordè and I decided to forget about it na lang, ayaw na niya daw pag-usapan pa ang bagay na 'yon.

We're in a book store now and currently buying my art supplies. Siya rin daw ay bibili ng gagamitin niyang dynamic materials dahil may tatrabahuin siyang isang blueprint.

Siya ang taga-tulak ng cart na laman ang supplies na napili ko, nakasunod lang siya sa likuran ko habang pinipili at kinukuha ko ang mga kailangan ko lang gamitin. Gan'on din siya, hindi ko naman kasi alam ang mga kailangan niya.

"Dad said, we're going to Palawan today," bigla niyang saad.

Lumipat ako sa kabila sa may mga watercolor at paintbrush area. Nilingon ko siya, hindi na ako nagulat pa sa isang 'yon.

"Sabi niya nga sa akin." Sambit ko, sinuri ko pa ang pintura baka kasi mali ang makuha ko e.

"Just put that here." Natatawa niyang saad, ngunit mabilis akong umiling.

"Quality over quantity." Sambit ko bago pabirong umirap, natawa siya dahil d'on.

Totoo naman, pero bakit ang pogi ni Diordè sa suot niyang sweatshirt hoodie? Napangiti ako habang pasimple siyang tinitignan sa gilid ng mata ko.

Pumila na kami nang matapos na naming nabili ang mga kailangan. Siya ang nagbayad kaya hindi na ako nagreklamo pa, siya rin ang nagbuhat ng mga 'yon kaya hindi ko maiwasang hindi kiligin.

This is one of my dream! Ang makasama siyang mamili, it's just like my dream started to came true. Hindi parin ako makapaniwala, pero para akong lumulutang sa langit!

Dumeretso kami sa isang fast food chain na siyang nadaanan namin pabalik ng bahay. He said that I can wait here at siya na ang bahalang mag-order ng para sa amin. Alam naman niya ang gusto kong pagkain e.

Humanap na ako ng mauupuan namin, nang makita kong bakante 'yong malapit sa bintana ay agad na akong naupo r'on.

I saw Diordè still carrying the supplies we brought, bigla tuloy akong naguilty.

Lalapit na sana ako nang tumawag siya ng isang crew. May sinabi siya rito bago lumapit 'yong crew dala dala ang mga supplies na nabili namin, he put those beside me.

I smiled. "Thanks." Saad ko dito.

Pansin ko na pinagtitinginan agad si Diordè. Napairap ako dahil kinikilig ang mga babaeng nasa tabi niya. Grabe? Akin 'yan, ah?!

Sa inis ay hinablot ko na lang ang phone ko sa bag. May mga message pala sa akin si Coreen na hindi ko pa nababasa.

cbellèvillarueco: oy, di k talaga sasama?

cbellèvillarueco: just in case u change ur mind hehehe

iamtriofea: i can't

I took a picture then posted it on my IG story. Ang kinuhanan ko ay ang mahabang pila, nakafocus 'yon kay Diordè.

cbellèvillarueco: oy!! Date?!

cbellèvillarueco: wews kaya pala ayaw, bwisit ka. Sige, enjoy!!

In-off ko na ang phone ko nang makitang papalapit na si Diordè. May dala siyang number, and he looked pissed.

"Damn that fucking bastard!" Bulong nitong rinig ko naman, he looked at me then his face became more calm. "Let's wait here, parating na ang pagkain natin." Sambit nito bago nag-iwas ng tingin.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon