Chapter 44

3K 62 0
                                        

CHAPTER 44

I was truly amazed on how this place remain the same, wala man lang pinagbago ang mansion ni Lola, it's still british architecture design style, ngunit halata na talaga ang kalumaan nito gayong umabot na ito sa ikatlong henerasyon.

Maging ang Casa ay walang pinagbago bagkus mas lumago na ito kumpara nang huling punta ko, may iba't ibang mga taniman na naitanim sa may hindi kalayuan, napapalibutan na kami ng mga pananim, it's refreshing.

Maging ang mga bulaklak na tanim ni Lola ay nandito parin, mabuti naman at walang pinagbago ang Casa, I feel so relieved, maybe Governor Ma. Esmeralda A. Triastro worked hard for this.

Naglalakad kami ngayon ni Coreen sa may kahabaang daan ng Casa, papalubog na ang araw kaya hindi na gan'on kainit. Hindi rin naman gan'on kainit ang dampi ng sikat ng papalubog na araw sa balat ko.

"May tatanong lang ako." She said while we're walking around. Nilingon ko siya, "Minsan ba sa buhay mo, nagsisi ka sa naging desisyon mo?" Tanong niya.

Napaisip agad ako sa klase at uri ng tanong niya, ano nga bang desisyon ang pinagsisihan ko sa buong buhay ko?

"Oo naman." Sagot ko kalaunan, "I regret not telling him right away what I truly feels. If I'm just strong enough that time, things like this won't happened." Kibit balikat kong saad.

Tumango tango siya, "Alam mo? Ang daya daya ko sayo." Sabi niya habang malayo ang tingin, huminto ito sa paglalakad, "Wala ka man lang alam sa nangyayari sa buhay ko, ayoko kasing maging pabigat, alam kong marami ka ng iniisip."

Napairap ako dahil sa sinabi niya, pabiro ko siyang hinampas.

"Ano ba!" Ani ko, "Umayos ka nga, Coreen Bridgette V. Ponce!" Pagtawag ko sa buong pangalan niya.

"Dzuh, it's Chef. Coreen." Paglilinaw niya, "I owned a restaurant now, who would have thought that I will graduate? No one but here I am, sucessful too!" Umirap pa siyang muli.

Who knows she will be this sucessful than mine? Back then, I remember how she used to be a playgirl, having fun is her main priority, but now look how matured she is.

"Pero kung tatanungin kita," bigla siyang sumeryoso, "Mahal mo pa rin ba si Jaxon? 'Yong totoo?"

Hindi ako nakasagot agad, he's still have the same effect on me. Walang pinagbago katulad noon, ngunit ngayon ay hindi na kasing dali nang noon.

"Yes, ofcourse." Walang pag-aalinlangan kong saad, "Mahal ko lang siya but I know my place. Hanggang dito lang 'yon Coreen."

-

Now, we're in the park. Kanina pa kasi yaya ng yaya sina Cleo at Psalm na gumala, I'm with Jace today.

"About what happened last month." Mahina niyang bulong sa akin, he looked uneasy, "I'm sorry, hindi ko intensyon na gawin 'yon." He said.

Mabilis akong umiling, nakasandal kami ngayon sa railing ng background malapit sa park habang nanunuod sa masigla kong anak na naglalaro.

"No need to say that, actually I'm the only one who should apologize, pakiramdam ko pinaasa kita." Nakaramdam ako ng sakit at hiya, sakit dahil ayokong mawala si Jace, but as my friend. "Alam mo nang una pa lang na hindi talaga, I should tell it to you as soon as I felt it."

Naramdaman ko ang luhang tumulo mula sa mata ko, nasasaktan ako para kay Jace. I'm so unfair to him, mahalin siya ay hindi ko magawa, all this time, he's the one who's always here for me.

"Shh," bulong niya bago ako niyakap, "Tanggap ko na, thank you for trying. Alam kong nahihirapan ka, but you can't force your emotions and feelings, pero lagi mong tatandaan na nandito ako para sayo, alright? Please, don't cry."

Tumango ako, lagi na lang bang sorry ang kaya kong sabihin sa kan'ya? Pero hindi ko talaga masuklian ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.

Habang lumuluha ay halos matumba ako sa kinatatayuan nang may makita akong pamilyar na larawan, hindi ako maaring magkamali, si Diordè 'yon!

Kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Mabilis akong humiwalay sa yakap ni Jace na halatang nagulat sa ginawa ko, nginitian ko siya. Pinunasan ko kaagad ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

Derekta ang tingin niya sa akin, mabilis akong bumaling muli kay Jace at ngumiti, dali dali naman akong lumapit kay Cleo at Psalm na masayang naglalaro, kinakabahan ako na baka mawala ang mga anak ko sa paningin.

"Babies." Tawag ko sa mga ito, binabalewala ang titig na nararamdaman ko.

"Yes, Mommy?" Malakas na sigaw ng dalawa bago tumakbo papunta sa akin at niyakap ako, ramdam ko kaagad na pawis na pawis ang dalawa.

"You're sweating!" Saad ko sa dalawa, "Don't play so much, alright? Take some rest too." Saad ko na mabilis at nakangiti nilang kinatango, napangiti din ako.

Maybe it's just an imagination. Imposiblemg makita ko siya dito! Napalingon ako sa kinalulugaran nito at wala namang tao d'on, napahinga ako ng maluwag.

Nabalik ako sa sarili nang iniabot ni Jace ang bimpong nasa bag niya pa mismo, he insisted. Pinunas ko 'yon sa likod ng dalawa na excited nang maglaro muli.

"Let's go home, we will go back tomorrow." Ani ko, nawala naman ang ngiti nilang dalawa at napalitan ng pagkanguso, kiniss ko agad 'yon at natawa, "Promise, I will bring Eury with us, is that okay?"

"Alright then!" Malungkot nilang saad, kumaway sila sa mga kalaro bago sumunod sa amin.

"Are you okay? Para kang nakakita ng multo." Saad ni Jace sa tabi ko.

"Yes, I'm fine. Napagod lang siguro?" Pagsisinungaling ko dito, tumango lang siya.

Imbis na maggala ay umuwi na kami, I feel uneasy. Mas lalo akong natatakot na mawala sa paningin ko ang mga anak ko. Bakit ba takot na takot ako? Wala namang alam si Diordè tungkol sa anak namin.

Malapit na kami sa mansion nang may nagtext, it's about the Art Gallery that I'm attending, mukhang dito na talaga ako magtatrabaho, mabilis ko itong inopen ang mensaheng pinadala nila.

Mrs. Tsuverg, Art Gallery.

Bring your form tomorrow 6:00 AM of the morning because the CEO wants to meet you as soon as possible, bring some of your documents and some information. You're accepted but he wants to see how capable you are, is that alright? Think about it once again.

Again, congratulations and thank you for accepting our offer.

Napakunot ang noo ko, why information? Ang akala ko noon ay form lang ang kailangan isubmit.

Napailing-iling ako, and that early? But then I still smiled and felt excited about it, actually tama sila e. I shouldn't be anxious facing reality, may karapatan naman ako sa mga anak ko kung 'yon man ang kinatatakot ko.

Because I'm the one who raised them, I bring them to my womb for nine months, I won't let them to be hurt just because of that.

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon