Gabi na ngunit pansin kong halos lahat ay nasa labas parin ng kanilang kabahayan, happily talking and telling some stories on how's their day went really well.
And here we are, masayang nagsasalo ng pagkain sa labas mismo ng bahay ni Mang Lucer, na nakangiti lamang sa amin mula sa loob ng bahay niya.
"Let's drink!" Aya ni Ate Cheska na mabilis naman sinang-ayunan ni Lloyd. She eyed me then smirk, "Walang KJ!" dugtong niya pa.
Naghiyawan sila dahil sa sinabi nito, napatingin ako kay Diordè na nasa tapat ko, and I was surprised when I saw him looking at me too. He's just staring at me, with a small smile in his lips. Ang pogi!
Hindi siya nag-iwas, ngumiti siya at tumango-tango lang sa akin, napataas ang isang kilay ko dahil d'on.
Maya maya pa ay bahagya niyang dinampi-tampi ang katabi niyang puwesto, bakante 'yon dahil tumayo na si Theo at mukhang siya ang kukuha ng drinks namin.
Napangiti ako bago tumayo, napatingin silang lahat sa akin dahil sa biglaan kong pagtayo. Nakapalibot kami ngayon sa isang bonfire malapit sa dagat habang masaya nagkekwentuhan.
"Saan ang punta?" Tanong ni Ate Cheska na nakakunot ang noo, tinuro ko ang tabi ni Diordè kaya napatango tango siya habang may ngisi sa mga labi, nang-aasar.
Lumipat ako at umupo sa tabi ni Diordè, sakto naman ang pagdating ng kasamahan namin na may dalang case ng mga alak. Red horse, the bar gin was also there.
"Handang handa ha?" Aniya ni Jonas at ngumisi, "Let's drink, shall we?" Bumaling siya sa amin lahat at nang makita niya akong nakatingin sa kan'ya ay huminto ang tingin niya sa akin bago ngumiti, sinuklian ko naman agad 'yon.
Napagtanto ko lang na nakatingin din pala sa akin si Diordè, pansin ko ang pagsama ng itsura niya bago nag-iwas ng tingin sa akin. Galit agad?
Ang dilim ng mukha niya kung titignan, nagkibit balikat ako bago ko sinandal ang ulo ko sa balikat niya, ramdam ko na nanigas siya sa kinauupuan niya.
Medyo may kalamigan din ang simoy ng hangin, knowing na nasa may tabing dagat lang kami, gabi pa at napakapresko ng hangin na tumatama sa balat ko.
Inexplain ni Ate Cheska ang nais niyang mangyari, maglalaro muna daw at ang laro ay spin the battle kung saan, kapag tumapat sayo ang bote ay kailangan mong mamili sa dalawang choices which is the 'truth' or 'dare'.
Pumipikit na ang mata ko, medyo antok din kasi ako. Mabuti na lang ay hindi naman nagrereklamo si Diordè sa tabi habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. I felt his hand on the top of my head while caressing my hair.
"Are you sleepy?" Pabulong na tanong niya sa akin, umiling naman ako habang nakapikit.
Saktong tumapat sa akin ang bote nang umayos na ako ng upo, napatingin silang lahat sa akin bago natawa.
"Truth or dare?" Tanong ni Jonas na siyang nasa tapat ko naman ngayon habang nakangisi.
Takang tinuro ko ang sarili, sabay sabay naman silang tumango. Napatingin ako kay Diordè upang tignan ang reaksyon niya, wala na naman pinagbago ang ekspresyon niya, kaya sumagot na ako.
"Truth." Sagot ko.
Nagkatinginan silang lahat dahil sa sagot ko at ngumisi, bigla akong kinabahan sa uri ng mga ngisi nila.
BINABASA MO ANG
Shattered Heart
RomanceIn which Triofea Flaire Fortugues been liking a one certain man in her life. For her, saving Jaxon Diordè's company's downfall and just to be with him will be fine, as long as she will remain in her husband side, she will be fine, happy and be conte...