17

578 27 0
                                    

Teka...

Fiancé?

Tama.... Siya yung pinapakasal ng tatay ni Drake sakanya. Yun narinig ko sa juice bar. Omg.

'Narinig mo yon? Layuan mo fiancee ko ah? at sa oras na makikita kong lumalapit ka sakanya malilintikan ka saken, slut.' Pagtataray niya saken tapos umalis na siya ng room.

Di ako makapagsalita dahil syempre nasaktan ako sa sinabi niya. Grabe niya kong tawagin ng slut di niya ba alam na si Drake ang lumalapit sakin?

Aish ako nalang palagi yung masama. Kahit di pa nila alam ang whole story sakin agad magagalit.

Tapos walang ginawa si Drake kung iisipin mo naman siya yung punot dulo ng gulong to. May pa fake girlfriend fake girlfriend pa siya para matigil yung kasal nila tapos di naman pala effective. Sa huli ay ikakasal parin sila. Aish nakakainis. Kung nalaman ko lang sana na yung lalake pala na nakita ko sa juice bar ay magiging schoolmate ko tas mas malala tatay niya pala nagpapaaral sakin edi sana di nalang ako nagapply.

tama nga yung sabi nilang....

Everything happens for a reason.

Ano pa nga ba magagawa ko? nandito na ko eh wala ng atrasan to.

Dumeretso nalang ako sa upuan ko at naglagay ng earphones.

naiinis parin talaga ako eh. sobra parin akong naiinis. naiinis ako kay Drake, kay Kamri, at sakin. sana di nalang ako pumayag na makipagpanggap.

Sobrang gulo na ng buhay ko.

'Sabi sayo eh. Parte ka na ng gulong to.' Sabi ng lalake na umupo sa tabi ko.

tinanggal ko earphones ko sabay taas ng ulo.

Si Zeke nanaman. Isa pa to siya eh. Magulo na nga buhay ko mas ginugulo niya pa. parehong pareho sila ni Drake.

Di ko siya pinansin at nakinig nalang ulit ako ng songs.

'You cant ignore it, Yumi. Drake and Kamri are getting married soon, ano nang plano mo?' tanong naman ni Zeke.

Di naman ako affected ah. Unang una palang eto na yung reason kung bat naging kame ni Drake. Naging kame lang naman para di matuloy kasal nila. I mean never naman naging kame dahil pagpapanggap lang lahat ng ito.

'Wala. Pwede bang wag mo na akong guluhin? Patahimikin mo naman ako oh. Pabayaan niyo nalang ako!' Inis na sabi ko at iniwan ko siya dun.

Nakakainis na talaga si Zeke, asin sobrang nakakainis.

Lumabas na ako ng classroom. Magpapahangin muna ako, stress na stress na talaga ako sa lahat ng bagay eh. Sana nung una palang naniwala na ako kay Gael, sana di na ko nag-aral pa dito. Well, nangyare na ang nangyare. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Umupo muna ako sa bench ng garden namin.

'Hays buhay....' sabi ko at pinatong ang ulo ko sa bag ko.

'Cheer up!' Biglang may nagsalita kaya agad agad akong bumangon.

As expected siya nanaman. Inabutan niya ako ng coffee kaya tinanggap ko naman ito. Umusog ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko. Ewan ko pero ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Ibang iba kase siya sa dalawa, kung sina Drake at Zeke puro problema ang dala sakin eto namang si Kent ang nagapapagaan sa damdamin ko kapag may dumadating na problema.

'Anong problema mo?' Tanong naman niya saken.

'Marami lang akong iniisip. Hays wag mo nang alamin dahil ayaw kitang madamay okay? kaya wag ka nang maraming tanong.' sabi ko naman sakanya. ayaw ko nang may madamay pa sa mga problema ko. 

'Okay sabi mo eh. Pero kung gusto mong magshare andito lang ako hah?' Sagot naman ni Kent. uhm mabait naman si Kent ah sa totoo nga minsan nakakalimutan kong bad boy talaga tong lalakeng to. Hay nako ang gulo gulo gulo!!

'Thanks.' sabi ko naman sakanya at ngumiti ng malapad.

'Youre always welcome.' Sabi naman niya at pinisil niya yung pisngi.

'Ouch!!' Naiinis na sabi ko sakanya. Aish ang sakit naman eh.

'Tara na nga malelate na tayo.' Sabi naman niya at tumayo na siya. Sumunod naman ako sakanya.

'Ay wait! Dadaan pa pala ako sa canteen, mauna ka nalang sa classroom.' Biglang sabi ni Kent habang naglalakad kame.

'Sasama ako sayo ayoko muna pumunta sa classroom masyadong toxic eh.' Sagot ko naman.

Ang raming gulo sa school na to. After ko tulungan si Drake wala lang man siyang ginawa? iiwan niya lang ako sa ere gaya kanina inaway ako ng fiancé niya di man niya lang ako ipinagtanggol? aish. Ano pa nga ba ang maaasahan ko sa taong yun? Hays buhay parang life.

'Sige tara na.' Sabi niya at hinawak niya kamay ko. Tatanggalin ko na sana kaso ang higpit ng pagkahawak niya dito kaya hinayaan ko nalang rin.

'Yumi!!!!' Rinig kong may tumawag saken kaya napahinto kame ni Kent sa paglalakad.

'Drake?' Nauutal kong sabi.

Pawis na pawis siya at mukhang hinahabol niya ang kanyang hininga. Hinanap niya ba ako kaya ganon ang itsura niya?

Pero bat pa siya andito?

Bago siya nagsalita tumingin muna siya sa kamay namin ni Kent na kanina pang magkahawak.

Lumapit siya saken at hinila niya ko.

'We need to talk.' Sabi niya.

Tinanggal ko yung kamay ko sa kamay niya.

'Wala na tayong dapat pang pagusapan. Pwede bang pabayaan mo na ko? May fiancé ka na kaya please lang tantanan mo na ko dahil ayaw ko na ng gulo.' sabi ko naman sakanya.

Wala siyang masabi kaya nagsalita ako ulit.

'Halika na Kent.' Sabi ko at tuluyan na namin siyang iniwan dun.

Iiwasan ko na si Drake simula ngayon. Gusto ko nang mapayapang buhay sa school na to at yan lang ang tanging paraan para matupad yan at yun ay ang iwasan siya, iwasan sila.

'Okay ka lang ba?' Nagaalang tanong ni Kent sakin. Buti pa to siya.

'Pag sabihin ko na okay lang ako then it means nagsisinungaling ako.' Sabi ko sabay tawa ng mahina.

Masyado nang negative ang atmosphere kailangan nang tumawa.

'Tama na nga yan. Cheer up na andito lang ako, wag ka nang malungkot baka papanget ka pa niyan. Pfft sayang beauty mo.' Sabi naman niya at kinindatan ako.

At some point ay nabawasan yung bigat ng pakiramdam ko.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now