"Teka lang, hindi kita naiintindihan." Naguguluhan na sabi ni Aya sakin habang nagluluto ng breakfast.
Hindi ako sumagot kase pati ako hindi ko naiintindihan.
Natulog lang ako tas yun na yung panaginip ko.... Pero, hindi lang siya basta panaginip.... It feels real, pero hindi ko parin maconfirm.
"So are you telling me that, nakidnap ka date, tapos Akhi and Drake came to save you? Narinig ni Drake yung sigaw mo kaya ka nila nahanap?" Naguguluhan parin si Aya.
Exactly! Bakit nandun sina Drake at Akhi? For sure Travis cousins yun, itsura palang obvious na.
"Oo?"
"Wait......" Humarap siya sakin at mukhang nagulat pa sa naisip niya, "Kaya bang sinabi ni Akhi na you look familiar?"
Mas lalo akong napaisip sa sinabi ni Aya.
Kapag totoo talaga ang napanaginipan ko, then that only means na....
Date palang magkakilala na kame.
Diyan ko nakuha ang takot ko sa dilim.
At higit sa lahat, kasalanan ko kung bakit namatay si papa.
Nararamdaman ko yung takot at sakit na naramdaman ng bata sa panaginip ko, ako yon. Kamukhang kamukha ko ang batang yon.
"Hindi ko na talaga naiintindihan. Bakit ngayon lang bumalik ang alaalang yon?" Naguguluhan kong tanong kay Aya.
"Kase may nagtrigger sa memory mo? Pero hindi ko alam hah."
Sabi niya habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.Naguguluhan akong tumingin sakanya, "At ano naman yon?"
"Sina Drake at Akhi."
Wala namang binabanggit si mama tungkol diyan. Hindi kaya kaya wala akong masyadong maalala tungkol sa kabataan ko dahil sa nangyare?
"Alam mo, tatlo lang makakasagot sa mga tanong na namumuo sa isip mo." Nagsalita ulit si Aya.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sakanya.
"Sino?"
"Duh. Malamang sina Drake, Akhi, at yung mama ko. Tanungin mo sila."
Bakit kaya ako hindi nakilala nina Drake masyado? Hindi ba nagpakilala naman kame sa isa't isa.
Oo nga pala, ibang pangalan yung ginamit ko.
Mimi kase tawag sakin ng mga kalaro ko kaya yun ang ginamit kong pangalan para magpakilala sa dalawang bata.
Bukas pa makakauwi si mama kaya bukas ko pa siya tatanungin, magugulat kaya siya? Kausapin ko muna si mama bago ko kausapin sina Drake.
Kinabukasan ay inayos ko na mga gamit ko para makauwi na, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa rami ng iniisip. Susunduin pa sana ako ni Drake sa condo ni Aya pero ang sabi ko ay susunduin ako ng mama ko kahit hindi naman, ayaw ko munang makita niya ako sa ganitong kalagayan.
Nung nakauwi na ako ay dumeretso ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Wala pa si mama, kailangan ko pa siyang hintayin ng nga isang oras. Dumaan pa kase sila sa pinagtratrabauhan nila kaya ayun matatagalan pa daw.
Bumaba na ako para makapagluto ng dinner dahil gumagabi na rin.
Nagluto lang ako ng sinigang dahil ito lang nahanap ko sa bahay. Nagsaing na rin ako at inayos ang plato at mga kubyertos sa hapagkainan.
Biglang nagvibrate ang phone ko kaya chineck ko to agad. Si Drake, nagtext.
From: Drake
Im with Akhi, nasa bar lang kame. Are you home?

YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...