DRAKE'S POV
'So, how are you? I knew you'd come back.' She said happily. I was left with no choice kaya sumama na siya sakin sa kotse. Masyadong mapilit eh. Di ko siya sinagot kase kailangan kong ipakita sakanya na wala na akong interest sakanya.
'Drake? why arent you talking to me? did you miss me a lot?' Ugh she's so freaking annoying. Bat ko pa ba to pinasakay sa kotse ko? This girl is crazy.
'Isnt it obvious that Im not interested in you?' This time I faced her and stopped the car and went down para puntahan sya at buksan ang pinto niya lol mukhang clueless siya sa situation ngayon. 'And if you'll continue on talking nonsense then can you please get out from my car already? I texted your driver so he'll be here in a few minutes.' She was left with no choice kaya agad naman siyang bumaba lol madali naman pala to siyang kausap ah. Pagkababa niya agad akong pumasok sa kotse ko and pinaandar ko na ito at saka siya iniwan dun.
How did I know her driver's number?Lol, actually I really dont. Lahat ng yun ay for the show para di ko na siya makasama pa. She annoys the hell out of me.
Wondering who that girl is? She's Lindsay Grey. You'll know more about her soon.
-MAYUMI'S POV-
Halos patapos na ang klase ngunit di ko parin siya nakikita hanggang ngayon. Loko na bakit kaya ganon nalang yung reaction ko kanina? huhu ang gaga ko talaga like pinahiya ko sarili ko sa harapan ng lalakeng yon ulol baka isipin niyang gusto ko siya dahil sa inasta ko kanina.... Mukhang nahihibang na ko kakaisip sa mga nangyare kanina. Di naman sa defensive ako peroooo di ko siya gusto huhu sadyang nainis lang talaga ako kay Kamri kaya ganon naging reaction ko.
'Shhh, wag mo nang isipin yun.' Sabi ni Kent sakin nung nakaalis na yung teacher namin. Maglulunch time na ngunit kahit anino ni Drake wala akong makita. Asan na kaya yun?
Nginitian ko nalang siya at niligpit na mga gamit ko para makapaglunch na.
'Umayos ka please lang.' Sabi ko sa sarili ko.
Lumabas na ako ng classroom at sinusundan si Kent papuntang Cafeteria. Gutom na ko kaso parang wala akong ganang kumain.
'Kamri!!!!' Agad akong napatigil sa paglalakad nang may nakita akong babaeng papunta sa direksyon ni Kamri. Who si she? Lumingon ako sa likod at nakita silang nagyayakapan. Ngayon ko lang siya nakita sa school na to. Is she Kamri's bestfriend?
'What??' Lumingon ako sa harap ni Kent at nakita ko sa itsura niya na di siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
'And, she's also back.' Napunta atensyon namin kay Zeke. Kahit si Zeke kitang kita sa itsura niya na gulat na gulat siya. Ako? naguguluhan nanaman ako.
Agad naman kame naging alerto nang napansin namin papunta na sina Kamri at ang babae sa direksyon namin.
'Hey boys!' Bati nang babae nung nakaharap na siya samin. Tinignan ko si Kamri at nakita kong nagsmismirk siya sakin.
'Youre back.' Walang ganang sabi ni Zeke.
Tinignan ko yung babae at di hamak na mas maganda siya sa halos lahat nf babae sa paaralan na to. She looks like a princess.
'I am, just to take whats mine.' She said with a big smile on her face.
'So, did you two met already?' Tanong ni Kamri. Sinong minimean niya?
'Drake? Uhm yes, we already did.' She answered at napansin kong humina ang pagkasabi niya nun. Anong meron sila ni Drake? Is there something between them?
'You made the wrong choice before and now he's getting married with your so called bestfriend youre back? I really dont get you guys.' Agad namang nakisali si Kent sa usapan. Out of place na talaga ako dito kaya naisipan kong umalis nalang.

YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...