59

428 16 0
                                    

"Uhm... Wala bang magsasalita?" Lahat kame ay napatingin kay Leina na seryosong nakatingin saming lahat.

Hindi ko alam kung ano ang nangyare sakin at pinigilan kong umalis si Drake.

Sinasabi ko na ayaw ko siyang paalisin dahil nandito na siya pero parang may iba pang rason. Ano yung rason?

"Ehem." Napalingon kame sa pinto kung saang nakatayo si Aya.

"P-Papunta na si Kent." Dagdag pa niya.

She awkwardly sat beside me at uminom ng tubig.

Siniko niya ako dahilan kung bakita napaharap ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Ano?!" I mouthed.

Ngumuso siya papunta sa kung saan nakaupo si Drake, napatingin tuloy ako rito pero agad rin akong napaiwas dahil nakatingin rin pala ito sakin.

Agad kong sinamaan ng tingin si Aya. She just laughed at me at umusog sa tabi ni Zekiya leaving me alone sa couch. Walang hiya! Ano kayang binabalak neto?

Nagpanic ako nung nakita kong tumayo si Drake at naglakad papunta sa direksyon ko. This cant be! Bago pa siya makadating sa direksyon ko ay agad na akong tumayo at sumuksok sa gitna nina Zekiya at Aya. Ayan. Tinignan nila ako pareho ng masama.

Drake stopped walking at minasahe ang kanyang sentido. He glanced at me for awhile before going back to his seat.

Wala ni isa samin ang umiimik, meron man pero nagbubulungan lang. Awkward.

Nagvibrate ang telepono ko kaya agad ko itong kinuha sa loob ng maliit kong bag.

Text ito galing kay Shea.

From: Shea

Yums, sunduin mo nga ako sa entrance. Hindi ko kabisado tong lugar na to eh.

Agad akong tumayo at lumabas galing sa VIP room. Dito lang rin ako nakahinga ng maayos. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam sa mga kasama ko. Pano ba naman, masyadong awkward.

Glass ang pintuan ng VIP room kaya kita ang loob galing rito. Sumilip ako ng sandali, and there I saw Drake looking at me seriously. Gaya ng date, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Umiling naman ako upang matanggal siya sa isip ko.

Wake up, Yumi!

"Nagsisimula na ba? Hindi ba nakakahiya?"

Hindi ako agad nakasagot, masyadong preoccupied ang isip ko sa mga bagay bagay na hindi ko naman dapat na iniisip. For example si Drake.

Hindi ko na siya dapat iniisip. Hindi na dapat! Matagal na kaming tapos. I should think about the more important stuffs tulad nalang ng trabaho ko at mga ibang plano ko sa buhay.

Tama.

Yumi, stop it. Stop fooling yourself! Hindi mo na siya mahal.

Yan ang pinapaniwala ko sa sarili ko. Hindi ko na mahal si Drake. Dapat isipin ko na hindi ko na siya mahal. That's the only way na meron upang makalimutan ko siya. Sana, makakalimutan ko na siya.

"Huy!"

Bumalik lang ako sa sarili ko nung tinawag ako ni Shea.

"O-Oh?"

"Lutang? Raming iniisip? May problema?" Sunod sunod niyang tanong.

"Nandyan siya...." Mahina kong sabi.

"Sinong siya?" Clueless niyang tanong.

"Si Drake."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now