shookt.
andito na siya....
nakabalik na siya....
lumingon naman ako para siguraduhin na siya nga talaga yon at yes di nga ako nagakakamali.
'Drake?' biglang sabi ni Kent.
'Oh and youre here? wow.' sabi naman ni Drake at halatang may saloobin na sila lang ang nakakaalam.
'Nakabalik ka na pala...' tanging sabi ko.
'Di ba obvious?' pilosopong sabi niya tas tumingin nanaman siya kay Kent.
si Kent naman kalma lang siya. please sana naman di na dumating yung isang mokong.
sinong mokong? edi si Zeke. grrr gago yun eh.
'Nagtatanong lang naman ah!!' inis na sabi ko naman.
Si Kent naman nakikinig lang samen.
andito parin ako sa tabi ni Kent at si Drake naman nasa harap namin.
naglakad si Drake papalapit samin habang sinasabi to...
'Alam mo ba Yumi na namiss kita? tas pagbalik ko dito ibang lalake pa kasama mo? wala namang kaso saken cause i trust you.' tas ngumiti siya.
jusko ang gwapo!! pero di parin ako mafafall sakanya nu yaks.
'Chill bro. Magkaibigan lang kame, pero pwede ko naman siya agawin sayo eh. Sayo ba siya? di naman ah.' Sabi naman ni Kent sabay wink kay Drake. Ako naman tahimik lang sa tabi niya.
'HAHAHAHA' tawang tawa naman si Drake sa sinabi ni Kent. kahit ako nagulat like duuuh.
'If you can. Alam ko naman na di mo kaya eh. And isa pa....' Sabi naman niya habang naglalakad na mas palapit saamin.... 'Whats mine is mine.' tapos hinila niya naman ako at inakbayan. 'Right, babe?' Pagtatapos niya sa sinabi niya at nagwink pa siya saken at nagsmirk naman kay Kent.
WAAAAH di ko na kaya!!
SAKANYA DAW AKO? OVER MY DEAD GORGEOUS BODY!! CHAR!! aish basta kadiri rin tong si Drake eh. Tsaka ano?! Babe?! juskoooooo no way
'Lets see. Whats yours now wont be yours forever. Remember what happened 2 years ago? Shes not yours and I can and I will steal her from you anytime just like before, Drake.' sabi naman ni Kent tinignan niya muna ako at ngumiti at tuluyan na niya kame iniwan ni Drake.
agad ko naman nilayo ang sarili ko sakanya.
ano nangyare 2 years ago? luh ang gulo. kailangan ko bang malaman? di naman siguro nu? but I think may nangyare talaga sakanila na sobrang gulo. di ko lang alam. ano ba? sana naman di ako madamay pa kahit unti unti na akong nadadamay. gusto ko lang na makapagaral ng maayos and peacefully dito. wag naman sana nila guluhin.
'BAT MO GINAWA YON HAH?!' sigaw ko kay Drake. gigil eh!! ang oa niya!! bwiset
'Kinilig ka naman.' Patawa tawa niya pang sabi.
ughhhh
'Yaks! asa!' sabi ko naman.
asa siya nu! kahit ang gwapo gwapo niya di ako magkakagusto sakanya!!
N.E.V.E.R
'Pakipot ka lang. gusto mo naman.' sabi naman niya ulit at kinindatan ako.
wtf.
'ewan ko sayo!! dyan ka na nga!!' sabi ko at padabog dabog naglakad palayo sakanya.
nastress ako dun ah.
naririnig ko siyang sinisigaw ang pangalan ko pero di ako lumingon.
bigla ko naman inisip yung sinabi ni Kent na...
'Lets see. Whats yours now wont be yours forever. Remember what happened 2 years ago? Shes not yours and I can and I will steal her from you anytime just like before, Drake.'
nacucurious ako..
ano ba nangyare date? kailangan kong malaman.
hinanap ko naman agad si Kendra. baka siya alam niya.
pumunta ako ng classroom at andun nga siya nagaphone. wala si Gael kase nagbakasyon sila, dumating kase ate niya sa Seoul kaya patungo sila ngayon dun.
nilapitan ko siya agad.
'Hi Ken!!' bati ko sakanya at umupo sa tabi niya.
'Hey..' sabi naman niya at di parin inaalis ang attention sa phone.
'May tanong nga pala ako. Curious lang ako.' sabi ko naman
medyo nagiging close narin kame since nagtransfer ako dito. kahit pinsan ko boyfriend niya di parin yun ang dahilan para maging malapit kame sa isat isa kase sa totoo lang naiinggit to samin ni Gael eh di ko alam bakit jusko. safe parin naman secret ko sakanila which is good pero nakakakaba na everytime papasok ka dito na may tinatago hinding hindi ka mapakali kase baka one day mabubuking ka nila. pag nalaman ko lang sana na ganto pala dito edi sana di na ko nagapply ng scholarship at isa pa naguguluhan parin talaga ako kung pano ako nakuha ng ganon kabilis. thankful ako but something is wrong.
anyway ayun nga..
'ano? bilis malapit na magtime.' pagsusungit niya saken.
'Kanina kase.. Kasama ko si Kent tas biglang Dumating si Drake.' pagsisimula ko.
'Andito na si Drake?'
'Yes.' sagot ko naman.
'continue..' sabi niya
'tas bigla nagsalita si Kent about sa nangyare daw 2 years ago. ano ba ang nangyare?' tanong ko naman.
nagulat naman si Kendra sa tanong ko.
ano bang meron? base sa reaction niya mukhang ang gulo nga.
'Di mo na kailangang malaman.' sabi naman niya.
mas lalo naman ako naging curious.
'Pls? sabihin mo na. Ano ba kase nangyare? Bat parang tinatago nio at sobrang big deal neto sainyo?' pagpupumilit ko naman sakanya.
'Kase...' magsasalita na sana si Kendra pero bigla namang dumating si Drake sa classroom kaya di na natuloy ni Kendra.
'Kay Drake mo nalang tanungin.' Sabi ni Kedra at tumingin na ulit sa Phone niya.
kahit kailan paepal talaga tong si Drake.
humarap naman ako sakanya.
'Anong nangyare 2 years ago?' bigla kong tanong na ikinagulat niya rin.
ano ba kase? nakakainis kase evrytime na makita nila na magkasama kame or kahit sino sa kanilang namemention nila yung nangyari 2 years ago. Kaya nacucurious ako. baket ba hah?!
'You dont need to know.' Sagot naman niya with no emotions at all.
'Baket ba? Sabihin mo na kase.' Tanong ko at napataas na boses ko.
bat ba ayaw nila malaman ko?
'You heard him, right?' Biglang may nagsalita at si Kamri yun.
'K-kamri..' nauutal kong sabi.
eh pano ba naman? nung pagkasabi naman kase niya nun inilagay niya yung braso niya sa braso ni Drake na para bang sila.
di naman ako nagselos pero parang may something akong naramdaman pagkakita ko nun.
'Narinig mo naman siya diba? tsaka di mo na kailangang malaman kase newbie ka lang naman dito eh.' Sabi naman niya.
Tinignan ko si Drake at nakatingin lang siya sa sahig.
'Hey stop!' sinigawan siya ni Kendra.
Bigla naman ring tinanggal ni Drake ang kamay ni Kamri sabay sabing.
'Lets go..'
Nakalabas na sila pero binalikan ako ni Kamri at sabay sabing...
'Layuan mo fiance ko you loser!'
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...