Di ko alam kung ano ang e rereact sa situation kaya tumakbo ako palayo sa lugar na yon. Buti nga di ako napansin ni Drake eh. Ayaw ko na dito! Gusto ko nang lumayo sa kanilang lahat! I dont belong here.
Napatigil naman ako sa pagtatakbo ko nung may nagsalita galing sa likod ko.
'Are you happy now?' Lumingon ako sakanya at nakikita ko ang pagkainis niya sakin.
'Wala akong oras para makipagtalo sayo.' Tanging sagot ko sakanya. Ayaw ko na ng away, lalong lalo nat sa taong wala akong laban.
'Im asking you, are you happy now?' Seryosong tanong niya. Masaya saan? Sa mga nangyayare ngayon? Sinong magiging masaya sa mga gumaganap ngayon? Ano bang pwede kong gawin para matigil na lahat ng to?! Bat ako magiging masaya? Ugh!
'Why would I be happy?' Naiiyak kong sagot. Naiiyak nanaman ako, palagi nalang.
'The 2 most popular, handsome, actually perfect guys in this school is fighting because of you.' Nakangisi niyang sagot.
Masaya ba ako dahil diyan? Sana nga magising na ako sa bangungot na ko. I never wished for them to like me. Sana nga di nalang nila ako ginusto. Im ordinary and plain, and them? Theyre far from being ordinary. They are just to perfect and super duper beyond me.
Di ko siya kayang sagutin, tsaka kahit sasagutin ko siya di rin naman to matatapos eh. Ayaw ko nang makipagaway pa kay Lindsay. I want a peaceful school life. Mahirap ba yun?!
Tatakasan ko na sana siya kaso napatigil ako ng dumating sa harap ko si Kamri. Malas naman oh.
'Kung gusto mong matapos lahat ng kaguluhan na to, just leave this school. Alam naman nating lahat na ikaw ang punot dulo ng lahat ng to. What a shame.' Sabi naman niya at nilagpasan niya ako.
Di ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Oo, tama siya, pag aalis ako sa school na to tiyak matatapos na lahat ng gulo. Kaso, di ako makaalis.
'Yumi!' Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sa boses palang alam ko nang sino yun, sa boses palang alam ko na na si Drake yun.
'Tara na, we'll be late for class.' Nakangiti niyang sabi at hahawakan niya na sana ako nang iniwas ko yung sarili ko sakanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Tama tong ginagawa ko....diba?
'May problema ka ba?' Seryosong tanong niya sakin. Tinatanong pa ba yan? Gusto siyang hampasin sa lahat ng mga ginagawa niya eh. Di naman ako magkakaganito kundi dahil sakanya.
Ugh, this time di ko na napigilan yung mga luha ko. Umiiyak ako sa harap niya ngayon, buti na nga lang walang tao sa paligid. Lalapitan niya na sana ako para yakapin ako pero iniwas ko muli ang sarili ko sakanya. Kung di man ako makaalis sa paaralan na to, mas mabuti nang iwasan ko na sila.
'Problema?! Oo, kayo! Kayo yung problema ko!' Inis na inis na sigaw ko sakanya habang patuloy yung pag-agos ng mga luha ko.
And wow, now Im crying hard..... infront of this wicked guy.
Di siya makasagot, tinitignan niya lang ako ng seryoso.
'Kailangan niyo ba mag-away away dahil sakin?! Pwede ba? kung mag-away kayo, wag niyo na kong e damay! Ganon ba kahirap yan?! Pumasok ako dito para abutin mga pangarap ko, pero sisirain niyo lang? Sabagay mayayaman kayo kaya di niyo alam kung ano ang mga pinagdadaanan ko.' Sigaw ko sakanya habang umiiyak.
Now Im opening up. I need to stop this. This is the only way to stop this.
'Yumi....' Yan lang ang tanging lumabas sa bibig niya. Lalapit na sana siya ulit pero humakbang ako palayo.
'Wag kang lalapit, Drake.' Seryoso kong sabi habang naglalakad parin patalikod.
'But, Yumi.... lets sort things out.'
'No Drake, di na pwede. Ayoko nang makita yang pagmumukha mo sa harap ko, kaya please lumayo ka na kundi ako mismo ang lalayo sayo.' Seryosong sabi ko.
Nakita ko ang pagkagulat ni Drake sa sinabi ko.
Tama lang tong ginagawa ko, di ako dapat magpadala sakanya. I need to stop this mess and this is the only way, the only way I can think of.
'Walang lalayo, Yumi. Let's fix this.' Pagmamakaawa ni Drake sakin. Ugh fuck this, bakit niya ba ako pinapahirapan?
'We cant, and we will never. Starting today, wag ka nang lalapit sakin, just act na di mo ako kilala. Please Drake.' Sabi ko sakanya at mas lumakas ang pag-agos ng mga luha ko.
Bakit ako nahihirapang ipagtaboy siya?
Sumeryoso ulit ang itsura niya at....
'Are you sure about that?'
Tumango tango ako sakanya.
I am very sure.... diba?
I want to stop this right? I have to do everything kahit ang happiness ko ang masisira. Yes, Im starting to like Drake and pushing him away is hard as fuck. Eto na nga ba yung sinasabi ko eh, dapat sa una palang di ko nang hinayaan na mapalapit ako sakanya.
'Fine, Ill do what you want. Starting today were strangers. Im sorry for being your hell, Yumi. Your bag's in the classroom.' Sabi naman niya at tuluyan niya na akong iniwan sa kinakatayuan ko.
Ganon ba ako kadaling iwan? Teka, ginusto ko naman to ah. Ginusto ko naman na lumayo siya sakin ah, bakit ako pa tomg sobrang nahihirapan?
Mas lalong lumalakas ang bawt patak ng luha ko habang tinitignan siya na lumalayo sakin. Ang sakit sakit. Bakit di ko narealize na nahulog na pala ako sakanya? Bakit kailangan ko pa siyang ipagtaboy? Pero, there's no turning back. Kailangan kong panindigan yung kagustuhan ko, yung kagustuhan kong mawala siya sa buhay ko. Oo, tama, were strangers. Were strangers so I should learn to act like one. Nandyan naman si Lindsay eh, diba gusto niya yun? Dun nalang siya. Mas bagay pa sila. Im just an outcast. Kontrabida kumbaga. I should leave them alone and go to where I truly belong.
pinunas ko yung luha ko at dumeretso na sa classroom.
Pagkapasok ko palang ay nasa akin na agad ang kanilang atensyon. Eto yung pinakaayaw ko eh, yung lahat ng atensyon nila sakin napupunta.
Umupo na ako sa lugar ko at tama nga siya andito yung bag ko. Di ko nanaman napigilan ang mga luha ko. I should get myself together. Di ko na dapat siya iniisip.
Ginusto ko to, ginusto kong lumayo siya sakin, ginusto kong mawala na siya sa buhay ko kaya dapat tanggapin at panindigan ko to tutal ginusto ko naman eh.
Di na siya babalik pa, tinaboy ko na yung taong gusto ko.
Drake is gone. I should atleast let go and feel at ease. Were strangers, right?
-------
Dismissal na at nagsilabasan na yung mga studyante. Hanggang ngayon di ko parin nakikita si Drake, asan na kaya yun? Iniwan niya yung mga gamit niya sa classroom pero simula nung paguusap namin kanina ay di na siya bumalik pa. Di ko na siya dapat iniisip eh.Lumingon lingon ako at tinignan kung sino nalang ang natira sa classroom. Bigla naman akong nawkwardan sa kasama ko.
'Yumi, Ill take you home.' Dapat iwasan ko na sarili ko sakanila, di ko na dapat iniinvolve yung sarili ko sakanila. Ipinagtaboy ko na si Drake, kaya dapat siya rin.
'Di na kailangan, Kent.' Sagot ko at dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at iniwan siya sa classroom.
Im sorry Kent but this is the best for all of us.
Napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko kung sino yung naglalakad papunta sa direksyon ko.
Walk Yumi, walk!! Sigaw ko sa sarili kong isip.
Di ko na napigilan yung sarili kong umiyak nung nilagpasan niya lang ako, nilagpasan niya lang ako na parang di niya ako kilala, nilagpasan niya lang ako na parang walang nangyare. Di man lang niya ako tinignan. Ang seryoso ng itsura niya, di man lang niya ako pinansin, he didnt even blinked. Sa ginawa niya, parang di niya na ako kilala, ah. Ganon ba ito kadali? Ako ang may gusto pero bakit ako pa ang nahihirapan sa mga nangyayare ngayon? I should be happy diba? I should be celebrating kase finally tinantanan niya na ako, pero bakit ang hirap?
I guess were totally done.
Im just a stranger for Drake. I wanted this, right?
Goodbye, Drake.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...