Finally, a day without Drake.
Tatlong araw lang to kaya dapat ko itong sulitin.
Medyo late ako nagising ngayon dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil na rin sa kakaisip kay Drake.
Boyfriend? Fake boyfriend ko si Drake?
Kahit anong isipin ko, hindi ko talaga mahanap kung paano mapipigilan yung engagement nila.
Umilinh iling ako habang sinusuot yung sapatos ko.
"Weird." Bulong ko sa sarili ko bago lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko ay may nakahanda nang pagkain sa lamesa. Nakaalis na siguro si mama.
Ang sakit ng ulo ko. Kulang talaga ako sa tulog ngayon. Masyado akong nagpuyat kakaisip sakanya, iniisip ko rin sina Kendra at Gael, for sure galit sakin ang mga yun.
Anyway, isa lang yung goal ko for the next three days, and that is to not think of Drake. Dahil for sure, pagkabalik nun guguluhin nanaman ako nun.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang pinggab bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
As expected nahirapan akong sumakay ng jeep dahil medyo late na ako ng gising.
Pagkadating ko ng school, nakatingin nanaman sakin ang halos lahat. Yung iba nagbubulungan pa, tsk. Di man lang ako maharap ng deretsuhan. For sure, alam na nilang nagdadate kame ni Drake. Kung alam lang sana nilang peke yun eh.
Slut? Nilandi? Malandi? Kulang sa pansin? Gayuma?
Yan ba yung tingin nila sakin? Naiinggit ba sila? Kung pwede lang sana makipagpalit ng sitwasyon sa isa sakanila matagal ko na yun ginawa.
Tsaka, kung makapagsalita kala mo alam ang buong storya, kahit siguro 1/4 ng story di nila alam.
Hindi ko na sila pinansin, dere-deretso lang ako sa paglalakad patungo sa classroom namin. Wala naman rin akong mapapala, mapapaaway pa ko sa walang oras.
Pagkapasok ko ng classroom ay timing rin na pumasok na yung teacher ng first class namin. Lapit na akong malate!
Balak ko pa sanang lapitan sina Gael at Kendra na hindi man lang ako pinansin kanina, kaso magsisimula na yung klasw kaya wala na akong ibang magawa kundi ang umupo sa upuan ko.
Hindi ko napigilan yung sarili ko na lumingon sa likod. Wala nga siya dito.
Buti naman.
Ang boring ng first class. History. Yan yung pinakaayaw kong subject, nakakaantok. Wala rin akong gana ngayon, bigla lang akong nawalan ng gana.
Nakakainis naman, gusto ko nang umuwi, ang boring, walang nangungulit sakin.
Hindi ko rin maiwasan na isipin siya. Nasaan kaya siya? Hindi niya naman sinabi sakin kung saan siya pupunta. Kumain na kaya siya? Gising na kaya siya?
Agad akong napailing nung narealize kong siya lang yung iniisip ko.
Ano ba? Bakit ko ba siya iniisip?
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko dahil kanina pa ako pailing iling dito.
Yung iba naman pinagtataasan pa ako ng kilay.
Natauhan nalang ako nung napansin kong nagsisilabasan na yung iba, yung iba naman ay kumakain na.
Recess na pala? Hindi ko man lang namalayan.
Nagmamadali akong ayusin yung mga gamit ko. Kinuha ko yung cellphone ko at inilagay ito sa bulsa ng palda ko.
Tumayo na ako at lumingon sa upuan nina Gael at Kendra kaso wala na sina. Nakalabas na siguro.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Novela JuvenilMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...