52

397 17 0
                                    

Kakauwi ko lang sa bahay, ganon rin si Drake. Nag-insist pa nga siyang dito raw muna siya pero hindi ako pumayag, gusto kong magpahinga, wala akong tulog kagabi dahil masyado akong maraming iniisip.

Pero magkikita kame ni Drake mamayang gabi. At sa gabing yun ay tatapusin ko na ang lahat ng meron kame.

Pumasok ako sa kwarto ko dala dala ang maleta ko. Nilapag ko ito sa sulok at nagpalit muna ng damit bago ako humiga sa kama ko.

Nakatingin lang ako sa ceiling. Hindi parin nawawala sa isip ko ang mga mangyayare.

I covered my face with the both my hands and started crying again.

I feel so weak. Wala man lang akong magawa para maisalba pa ang relasyon namin. Imbes na ipaglaban ko to ay ako pa mismo ang maninira.

Kahit naman ayaw ko ay wala akong magagawa. His father will ruin his life, I dont want that to happen. Siguro naman kahit sino ay eto rin ang gagawin

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod.

Nagising nalang ako nung nag-alarm ang phone ko. Ayaw ko pa ngang magising dahil alam ko na ang mangyayare pero wala eh, kailangan talaga.

Bumangon na ako at dumeretso sa bathroom para maligo at makapaghanda na.

Paglabas ko ng bathroom ay timing rin na nagtext si Drake.

From: Drake

See you, love. Are you sure hindi ka na magpapasundo?

To: Drake

Hindi na, I can go there alone.

From: Drake

Take care, I love you so much.

To: Drake

I love you too.

This is the last time na magsesend ako ng ily message sakanya.

Umiling ako para pigilan ang sarili ko na umiyak.

Nasasaktan talaga ako. Wala na akong ibang choice eh. I dont have any other choice.

Save our relationship or save him. Those are the choices I have.

How could I save our relationship kapag masisira siya? Its no use. Mas importante si Drake kesa sa kung ano mang meron kame.

Kasalanan ko naman rin talaga kung bakit ito nangyayare. I shouldve known my place. Dapat sa una palang ay nakinig na ako sa mga tao nung sinabi nilang hindi kami pwede sa isa't isa dahil magkaibang magkaiba ang mundo namin.

Kung naniwala sana ako ay hindi kami hahantong sa puntong masasaktan kame.

Hindi ako nagsisisi na nakilala ko si Drake, well in fact, masaya pa nga ako na nagkakilala kame. He made my life more colorful and meaningful. Pinasaya niya ako.

Ang masaklap lang dun ay kailangan itong matapos.

Dumating na ako sa restuarant na pagkikitaan namin. Plano ko kase ay kumain muna kame.

Last dinner.

Nakita ko yung kotse ni Drake na nakaparada sa parkingan, at nandun rin si Drake na parang hinihintay ako.

Mabilis akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya.

"Drake..." Bati ko.

Agad siyang naglakad palapit sakin at hinalikan ako sa noo.

I'll miss this.

"Bakit hindi ka pa naunang pumasok?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kame patungo sa entrance.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now