32

469 21 0
                                    

'Omg! Im happy for the both of youuuuuuu!!!' Masayang sabi sabi ni Aya.

Nandito kame ngayon sa cafeteria, kumakain.

Tatlong araw na rin ang lumipas pagkatapos ng kasal nina Kamri at Drake na hindi naman natuloy. Ang saya ko sobra dahil finally tapo na ang lahat. Sa tatlong araw na yun ay hindi naman ako ginulo ng pamilya ni Drake, tsaka wala namang sinabing bad news si Drake after ng lahat... Siguro ay natanggap na ng pamilya niya ang naging desisyon niya. Well, sana. Pero napapaisip lang ako what if pala hindi naman talaga okay ang lahat at pinagtatakpan niya lang ito? Wag naman sana...

'Thanks, Aya.' Sagot naman ni Drake bago sumubo ng pasta. Oh, nakalimutan ko tuloy sabihin na magkaibigan na rin sina Aya at Drake. Sabi pa nga ni Aya nagulat daw siya sa lahat ng nangyare. Happy naman daw siya na naging magkaibigan sila pero mas bet niya daw pag naging sila..... Di naman ako nagalit dahil alam kong nagbibiro lang siya.

Simula ng pagamin namin ni Drake sa isa't isa ay hindi na ako tinantanan ng mga babae rito, bakit ba masyadong matinik sa babae si Drake? Hindi naman ako physically na inaaway pero verbally oo, nagpaparinig ganun. Pero hanggang parinig lang sila. Nakakainsecure tuloy... Pero kahit ganon kampante parin ako dahil kahit anong mangyare alam kong sakin parin talaga ang bagsak ni Drake.

'Ang swerte mo talaga Yumi!' Natatawang sabi ni Aya. Ayan nanaman siya, palagi niya sinasabing swerte na swerte ako kay Drake. Well, I agree naman.

Tumingin ako kay Drake at nginitian siya bago tumingin kay Aya para tignan siya ng masama. Eh pano ba naman paulit ulit nalang.

'Im luckier because I have her.' Hinawakan ni Drake ang kamay ko habang binabanggit niya ang mga salitang yan. Yan! Ang sweet niya masyado.

'Ayieeeeeee! Ang haba talaga ng hair mo besh!' Asar sakin ni Aya. Tinignan ko lang siya ng masama at kumagat sa burger.

'Shhhh, Aya, stop making her feel uncomfortable. Kinikilig na yan oh!' Natatawa at pabirong sabi ni Drake. Tinignan ko naman ito ng masama.

Pati siya naman kinikilig tsk tsk. Di ki na sila pinansin at inubos nalang ang mga pagkaing nasa harapan ko.

Inubos na rin nila ang pagkain nung narinig namin na tumunog na ang bell at hudyat na ito na magsisimula na ang susunod naming klase.

Fortunately magkaklse kame ni Drake kaya ayun ang saya saya ng bestfriend ko. Patay na patay talaga kay Drake nakakatakot tuloy. Pero syempre may tiwala ako sa kanilang dalawa.

'Good Morning Class!' Tumayo kameng lahat upang batiin pabalik ang aming adviser. Hindi siya actually ang subject teacher namin ngayon ngunit may announcement daw ang school sa aming lahat.

'So today, paguusapan natin ang pag eexchange ng mga students sa ibang school also known as the annual sister school switch.' Paninimula niya. Tumango tango naman ang mga nasa loob at seryosong nakikinig.

'This time for 2 months ang mga mageexchange dun. Basically 3rd and half ng 4th quarter ay dun niyo e spespend.' Dagdag naman niya.

'Eh maam, sino sino po ang magswiswitch?' Tumayo ang isang studyante at nagtanong.

'So pinapagusapan pa namin kung sino sino, the lists will be posted outside. 5 each class ang kukunin namin from this level only.'

I never heard anything about mga ganito. If mapipili man ako syempre di na ako magrereklamo pero dapat kasama ko mga kaibigan ko.

'What school, maam?' Tanong naman ng isa pang estudyante.

'Seijin Academy.' Sa sinagot ng guro parang nagsimula na akong magdasal na sana hindi ako kabilang sa mga mapipili.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now