56

416 18 0
                                    

"Leina, pwede bang ikaw nalang yung pumunta?" Agad na sabi ko kay Leina pagkalabas ni Mrs. Ladesma sa kitchen.

"Hah?! Ano ka? Sumama ka na! For sure ikaw yung gustong makita nun! Sinadya niya talagang patawagin ka tas dinamay lang ako."

"Shhh! Wag kang maingay baka may makarinig. Sigi na! Ikaw na!" Pagpupumilit ko sakanya.

"Ayaw ko nga, bahala ka diyan!" Hindi parin siya pumayag.

"Please?" Pagmamakaawa ko sayo.

"Please..... Hindi pa akong handang makita siya, please." Dagdag ko pa.

Bumuntong hininga muna siya bago ako sinagot.

"Fine. But, ngayon lang to ah! Kaloka ka palasamat ka kaibigan kita eh." Sabi pa niya.

"Yes! Yun oh! Thank you! Babawi ako sayo!" Masaya kong sabi at niyakap siya ng mahigpit.

"Bigay mo nalang number ni Kent sakin. Hihi."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dont tell me crush niya?!

Ang raming nagkakagusto sa lalakeng yun. Unang una si Aya, tapos ngayon naman si Leina. Pero ang sabi ni Aya ay nakamove on na daw siya so whatever.

"Yun lang ba?"

"Pwede mo rin kame e set up pag gusto mo." Kinikilig niya pang sabi.

"Landi mo! Pumunta ka na nga baka hinihintay ka na nun." Natatawang sabi ko sakanya.

"Correction, ikaw yung hinihintay hindi ako." Sabi pa niya.

Hahampasin ko na sana siya pero mabilis siyang nakaiwas at lumabas ng kitchen.

Napabuntong hininga nalang ako at dumeretso sa locker upang kunin yung mga gamit namin ni Leina. E reaready ko lang dahil pagkatapos nito ay uuwi na rin kame, kailangan ko pang e hatid si Leina sakanila eh.

Pumasok ako ng girl's room upang makapagpalit ng damit, amoy ulam ako eh.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng kitchen at umupo nalang sa lobby.

Tinext ko na rin si Leina na dito lang kame magkikita.

Habang hinihintay ko yung kasama ko ay hindi ko naiwasan na e pasyal yung tingin ko sa paligid.

Ang laki ng building, ang yayamanin.

Im proud of him. Maayos na yung buhay niya, maayos na ulit yung buhay niya. For sure masaya na siya. Aba dapat lang, hindi ako nagsakripisyo para maging malungkot lang siya nu!

I made the right choice.

Naramdaman ko yung pag-init ng pisngi ko, naiiyak nanaman ako.

Is it because Im super proud of him, or what?

Napatayo ako sa gulat nung msy tumawag sa pangalan ko.

Si Leina.

Agad kong inayos yung itsura ko at saka siya hinarap.

"Tara?" Sabi ko at tinalikuran na siya agad.

Agad naman niya ako hinabol at hinawakan sa braso.

"Ang gwapo pala talaga ng ex mo." Bulong niya.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tanong ko.

"Ay curious, sumama ka nalang sana kanina nu?"

Tinignan ko siya ng masama, "oa ka girl?"

"Hindi naman, sinasabi ko lang. Bakit mo ba kase iniiwasan? Sana nakita mo yung disappointment sa mukha niya nung ako yung pumasok." Pagkwekwento niya.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now