44

381 18 0
                                    

"Papa, saan po tayo pupunta? Hindi na po ba kayo aalis ulit?" Tanong ng bata sa lalake na abala sa pag-aayos ng mga gamit.

Kakauwi lang ng papa niya galing trabaho, lahat ay ginagawa niya upang mabigyan ng maramyang buhay ang kanyang pinakaminamahal na anak.

Tumigil ang lalake sa kanyang ginagawa at nilapitan ang bata na may hawak na teddy bear.

"Hindi ba't sabi mo na gusto mong pumasyal sa park kasama ako?" Nakangiting tanong ng lalake.

Nagsimulang tumalon talon ang bata at pumapalakpak pa dahil sa sobrang saya at excitement. Matagal nang pinapangarap ng bata na pumasyal at maglaro kasama ang tatay niya.

"Pupunta tayo ngayon papa? Thank you!" Agad na niyakap ng bata ang kanyang tatay.

"Papa, doon tayo!" Nung nakadating na sila sa park ay agad na tinuro ng bata ang malaking playground.

Kinarga siya ng papa niya at dumeretso na nga sa playground.

Excited na umupo ang bata sa swing, tinulak tulak naman siya ng lalake.

"Papa, paglaki ko gusto kong maging chef tapos tatayo ako ng sariling restaurant!" Masayang sabi ng bata.

"Chef? Bakit naman Chef anak?" Nagtatakang tanong ng bata.

"Kase po gusto ko po kayong pakainin ng masasarap na pagkain na date pa nating gustong tikman."

Natouch ang lalake sa sinabi ng kanyang anak. Hindi sila ganon kayaman, pero hindi rin sila ganoon kahirap. Sakto lang kumabaga.

"Sigurado ka ba diyan anak?" Tinigil niya ang pagtulak sa anak at hinarap ito.

"Tuparin mo ang pangarap mo hah? Tuparin mo..... Kahit wala na si papa. Naintindihan mo ba?" Biglang lumungkot ang tatay ng bata.

Bago niya lang nalaman na malala na pala ang sakit niya sa puso, at anytime maari siyang mamatay lalong lalo na kapag nagpastress ito.

"Bakit, saan po ba kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ng bata.

Napabuntong hininga ang lalake at tumingala sa langit.

"Sa malayo...." Biglang nalungkot ang bata sa sinabi ng kanyang tatay.

Naiiyak na ang bata sa sinabi ng kanyang tatay. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay kapag nalalayo sakanya ang kanyang tatay.

"I love you, papa....." Niyakap ng bata ang kanyang papa.

May dumaan na ice cream truck kaya agad naman ito tinuro ng bata.

"Papa, gusto ko yan!" Tumatalon talon pa ang bata sa nakita niya.

Tumingin ang tatay sa tinuro ng bata.

"Gusto mo yan?" Tumango ang bata bilang sagot, "Sigi, diyan kalang ah? Babalik si papa. Wag kang aalis." bilin ng tatay.

Bumalik ang bata sa swing at doon hinintay ang lalake.

Di nagtagal ay may lumapit sa kanyang isang babae.

"Anak?" Nagtaka ang bata sa tinawag ng babae sakanya.

"Ano pong sinasabi niyo? Hindi niyo po ako anak." Naguguluhan parin ang bata sa inaasta ng babae sa harap niya.

Umiiyak ito at sobrang gulo ng itsura.

"Halika dito," Nakangiting sabi ng babae sa bata. Pabago bago ang emosyon niya, tila nababaliw na.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now