30

603 30 0
                                    

Kanina pa akong naghahanap na maganda at desenteng damit dahil may lakad kame ni Drake. Saan? Hindi ko alam dahil kahit anong tanong ang ibinabato ko sakanya ay ayaw niya parin nilang sabihin kaya wala na akong ginawa kundi ang hintayin kung saan niya kame dadalhin.

Halos dalawang linggo na rin simula naging kame and all I can say is that, he's the sweetest. Pero kahit puro masayang araw ang meron ako kasama siya ay di parin nawawala sa isip ko na, sa susunod na linggo ay e kakasal na sila. Masyado pa silang bata para dun nu? I think thats how rich people's business works. Sad.

Di ko maiwasan na kabahan at matakoy sa pwedeng mangyare dahil papalapit na pala ang araw na yan. Pero kahit ganon ay hindi parin nakakalimutang ipaalala sakin ni Drake na kahit anong mangyare ay akin lang siya. Sana nga. Dahil kahit sinasabi niya yan ay hindi parin siya ganon kasigurado kung mapipigilan niya nga ang lahat ng yon. Naisip ko naman rin yan eh, makapangyarihan ang pamilya nina Kamri.

Nakausap ko narin sina Kent at Zeki. Sobra raw silang nagulat sa biglaang pagkawala ko. Humingi rin ako ng tawad sakanila dahil sa biglaang pag-alis ko. Nagulat daw rin ang lahat nang biglang nawala sa landas nila si Drake kahit sina Lindsay ay nagulat. Si Lindsay naman ay acting bitch parin sa paaralan na yun at hindi raw sila okay ni Kamri dahil nga sa pagpapakasal nila ni Drake.

Ang buong studyante naman sa school namin ay nagulat samin ni Drake kahit si Aya. Yung ibang babae ay galit na galit dahil kame ni Drake, yung iba naman ay di makapaniwala. Lahat ng babae dun ay nahulog na ang loob sa boyfriend ko. I mean, sino ba namang hinde? Si Aya nga eh palaging sinasabi sakin na inggit na inggit siya sakin dahil boyfriend ko raw yung ultimate crush niya.

Si Gio naman ay hindi ko na kailan paman nakita. Kahit galit na galit ako sa ginawa niya sakin ay wala parin akong magawa dahil ang sabi ng kaibigan niya lumipad na raw ito paalis sa bansa. Hinayaan ko nalang ang diyos ang manghusga sa kanya.

Wala alam ang pamilya ko o ang pamilya ni Drake na ano ang meron saamin dalawa. Pero kahit ganon ay masaya parin kame. Yun naman ang importante diba?

Ako? Im happy now. Walang gulo, walang mabigat na pakiramdam, at higit sa lahat kasama ko yung taong nagpapasaya sakin.

'Saan ba ang punta mo anak?' Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas.

'Sa kaibigan ko lang po, ma.' Sagot ko naman at binaling muli ang pansin ko sa mga damit.

Finally nakahanap na ako ng perfect dress. Its color yellow na may black lace sa taas. Naala ko pang bigay ito sakin ni papa bago siya namatay. This is his last gift for me.

'Talaga bang kaibigan lang? O baka naman Ka-ibigan?' Patawa tawa na sabi saakin ni mama. Tinignan ko naman siya at tinignan ng masama. Nagawa pang mambiro eh.

'Sigi na, papasok na ako sa trabaho, ingat ka hah!' Sabi nito at lumapit sakin para yakapin ako. Niyakap ko naman siya pabalik.

Umalis na ito kaya sinimulan ko na rin ang pagbihis.

Hindi kaya'y masyado akong bihis na bihis para sa pupuntahan namin? Si Drake naman kase eh ayaw pang sabihin kung san pupunta namin. Naalala ko nalang tuloy yung sinabi niyang may pupuntahan kame tapos hindi niya sinabi kung saan kaya gumamit ako ng pantalon at hoodie pagkakita niya sakin ay tawang tawa siya dahil beach pala ang pupuntahan namin. Napahiya ako ng bongga don eh pano ba naman ang rami pang nalalamang surprise surprise. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero masyado na siyang nageeffort para sakin, para samin.

Pagkatapos kong suutin ang dress ay nagsuot na rin ako ng black sandals. Naglagay rin ako ng kaunting make up para naman hindi ako magmukhang nanay. Ang gwapo gwapo ng kasama ko tapos ako mukhang dugyot? Syempre ayaw ko ring mapahiya si Drake. Baka mamaya bigla akong iwanan nun eh. Charot lang. Hindi siya ganun. Ilang beses niyang pinaalala kung gaano ako kaganda para sakanya, ilang beses niyang pinaalala na hindi nagmamatter ang mga nasa paligid dahil ang importante lang naman ay mahal namin ang isa't isa. Kahit ganito ang estatwa ko sa buhay at never niya akong ikinahiya. Naalala ko nga yung pumunta kame ng Enchanted Kingdom tas pinagtitingan ako ng mga babae dahil may punut pala yunh side ng damit ko. Malaking punit. Napansin siguro ni Drake na napahiya ako kaya pumunta siya sa gitna at pinagsigawan na mahal na mahal niya ako at ayaw niya raw na pinaguusapan ang girlfriend niya. Gulat pa ang lahat nun eh. See? I told you, ang sweet niya. Wala sa itsura niya na ganon pala siya kasoft.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now