Masaya akong naglalakad papasok ng school. Medyo maaga pa kaya dumaan na muna ako sa cafeteria para bumili ng tubig, nakalimutan ko kase dalhin yung water jog ko eh.
"Move, bibili ako."
"Hindi mo ba ako naririnig? I said move!" Nagulat ako ng may humawak sa braso ko at hinarap sakanya.
Si Lindsay.
Mag-isa lang siya, mukhang kakarating lang din dahil dala dala niya pa yung bag niya.
Ang ganda talaga ni Lindsay, matangkad siya, mahaba yung wavy niyang buhok, brown eyes, maputi, matangos yung ilong..... Sayang nga lang dahil ang sama sama naman ng ugali.
Gaya ng sabi niya ay umusog ako para wala ng gulo. Hinintay ko sa gilid ang tubig ko na kinukuha pa ng tindera sa ref.
Nung nakuha ko na ay aalis na sana ako ngunit bigla akong hinatak ni Lindsay palapit sakanya.
Mahigpit ang pagkahawak niya sa braso ko kaya nasasaktan ako.
"Ano ba?! Nasasaktan ako!" Reklamo ko sakanya.
"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo lalayuan si Drake!" Inis na sabi niya sakin.
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Bakit ko lalayuan si Drake? Okay ka lang? May sakit ka ba?"
Nagulat siya sa sinabi ko, parang hindi niya nga inakala na masasabi ko yun eh, kaso naiinis na ako.
"Come here." Kinaladkad niya ako palabas sa cafeteria at dinala ako sa girl's room.
Wala pang masyadong tao dahil maaga pa kaya walang nakakakita samin.
Tinulak niya ako kaya natamaan yung likod ko sa pader. Ang sakit tuloy.
"Ano bang problema mo?!" Inis na tanong ko sakanya.
"Ikaw! Youre my problem! Masyado kang paepal!" Galit niyang sabi.
"Listen girl, I just found out something very shocking about you.... Sa tingin mo matatanggap ka pa ng mga tao dito? Do you think matatanggap ka pa ni Drake?" Nakangisi na siya sakin ngayon.
Hindi ko tuloy naiwasan na matakot.
"Ano ang alam mo?"
Hindi niya ako sinagot. Kinindatan niya lang ako at saka lumabas ng girl's room.
Naghilamos muna ako bago ako pumasok sa classroom.
Umupo ako sa upuan ko at nilabas ang mga gamit na kakailangin this day.
Ano kayang ibig sabihin ni Lindsay kanina? Hindi ko tuloy maiwasan na mag-overthink.....
"Hoy! Lutang ka diyan?" Halos mapatalon ako sa gulat nung kinilabit ako ni Aya.
"Ay wow, magulatin. Okay ka lang?"
Hindi ako okay! Biglang naoccupy ng sinabi ni Lindsay sakin kanina ang isip ko. Natatakot ako.
Tumango ako at binaba ang bag ko.
Mabilis na lumipas ang oras kaya recess na. Nauna nang lumabas si Drake dahil pinatawag siya sa office.
Naglalakad kame ni Aya papunta sa classroom ni Zekiya, ang sabi kase niya ay sabay na kameng maglunch.
Nadatnan namin sina Zeke at Lindsay na nag-uusap sa tabi ng locker, nung napansin nila ako ay agad na lumapit sakin si Zeke.
"Long time no see." Nakangiti niyang bati sakin. Ngayon lang ulit kame nag-usap. Naalala ko tuloy yung mga pinaggagawa niya sakim date. Tsk.
Hindi ko siya pinansin, lalampasan ko na sana siya pero hinawakan niya yung braso ko upang pigilan ako.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
JugendliteraturMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...