27

518 29 0
                                    

'Uuwi ka na ba?' Tanong sakin ng kasama ko habang naglalakad kame aa hallway. Napabuntong hininga naman ako dahil naisip ko nanaman ang nangyare 3 months ago.

'Iniisip mo nanaman ba ang nangyare?' Tanong niya ulit sakin. Tinignan ko siya at ngumiti.

tatlong buwan na ang nakalipas mula nung iniwan ko yung buhay ko sa paaralan na yun.

tatlong buwan na ang lumipas simula nang nagsimula ako ulit.

I can say na, its a good choice dahil simula nung umalis ako dun biglang peaceful na ang lahat, wala na nanggugulo.

kaso ngalang may isang bagay ang bumabalabak sakin.

Sina Zeki at Kent. I never had the chance to talk to them for the last time, I never had the chance to say goodbye. Pero sa tingin ko ay mas mabuti nalang ito para di nila ako matunton. Im sure maiintindihan nila ako.

'Iniisip mo nanaman ba si Drake?' Napatigil ako sa paglalakad nang banggitin ng kasama ko yung pangalan ng lalakeng yun.

Kahit anong pilit kong kalimutan si Drake ay walang nangyayare. Talagang tinamaan na ako sa lalakeng yun. Gusto ko na si Drake. In denial ako sa sarili ko pero this time aaminin ko nang gusto ko siya.

'Hindi.' Tipid na sagot ko sakanya.

'Hay nako girl. Simula ata ng pagtransfer mo dito di talaga nawawala sa isip mo yang Drake na yan.' Sabi naman niya habang pinapalo yung braso ko. Tama siya, simula nung lumipat ako dito di na nawala si Drake sa isip ko.

Sa totoo lang nasasayangan ako sa scholarship, like, that school is one of the greatest school dito. Pero at one side okay na rin, dahil dito I dont need to pretend.

Naisip ko nanaman ang nangyare sa araw na yun. Kumalat na may nangyare samin ni Drake kahit wala naman. Tumakbo ako palayo sa lugar na yun, Lindsay is right, I am ruining Drake's reputation. Kahit ilang beses ako tinawag ni Drake sa mga oras na yun ay hindi ako lumingon, di ko man lang siya tinignan. Para ano pa? This is better. Its better na magkalayo kame. Now we can all live peacefully.

'Ang rami mong sinasabi Aya.' Naiinis na sabi ko sakanya. Kaya rin siguro di ko nakakalimutan si Drake dahil simula nung naging kaibigan ko tong babaeng to ay si Drake nalang ang bukambibig neto. Nagulat pa nga sita dahil magkakilala kame ni Drake. Alam niyo na man, sikat yung lalakeng yun worldwide kaya nga siya kilala ng Aya na yun eh.

'Eh ikaw kase, ang lungkot lungkot ng itsura mo. Andyan naman si Gio eh.' Sabi naman niya na may halong pang-aasar.

Gio? Isa pa yun. Simula nung ipakilala ako ni Aya sa Campus crush na yun ay di na ako tinigilan ng lalaking yun. Playboy yun. Kalat na playboy yun dito.

'Gusto mo yun? Ang rami ngang pinaiyak na babae yun eh.' Sabi ko naman.

'Atleast gwapo. Pero mas gwapo parin talaga si Drake. Swerte mo naencounter mo siya. Anong feeling na may nanghahabol na Drake sayo? Masaya ba?' Nagulat at natahimik naman ako sa sinabi niya. Swerte ko ba dahil naecounter ko siya? Well, for me Im not.

'Sorry.... Di ko sinasadya...' Binawi niya naman agad ang sinabi niya. Hays wala talagang preno tong bibig ng babaeng to.

Nginitian ko lang siya at nauna nang maglakad palabas ng school. Kahit ilang beses kong sabihin sakanya na wag na banggiting pangalan ni Drake kaso ayaw tumigil eh naiintindihan ko naman siya dahil bago pa ko pumasok dito crush na crush niya ja yun.

Ganon ba kasikat si Drake na kahit san ako pupunta marami parin akong naririnig tungkol sakanya?

'Hey Yumi!'

'Ay yawa!' Halos mapatalon ako sa gulat. Eh pano ba naman bigla bigla lang sumusulpot.

'Chill ka lang, pati ako nagugulat sayo eh.' Patawa tawa niyang sabi. Eh sino pa nga ba, edi si Gio. Tinignan ko lang siya ng masama at naglakad palayo. Ewan ko hah naiinis lang talaga ako sakanya. Feeling gwapo. Oo nga gwapo siya pero gwapo lang.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now