41

433 19 0
                                    

"Sino ba yung babaeng yun?! Nakakainis ah! Kala mo naman kung sino! Ano sabi niya? Mali ang kinalaban mo?! Jusko nanggigigil ako baka masabunutan ko yun pag nakita ko bukas eh!" Inis na inis parin si Aya sa nangyare kanina.

"Kumalma ka nga diyan. Mas galit ka pa kesa sakin eh, parang ikaw yung inaway." Saway ko naman sakanya.

Kala mo naman siya yung inaway kanina.

Lumingon siya sakin at tinignan ng masama. Luh, ano nanaman ginawa ko. Nakakatakot talaga minsan si Aya.

"Isa ka pa!" Napatalon ako sa gulat ng bigla niya kong sinigawan, "Nakaupo ka lang dun! Di ka man lang nagsalita?! Hinayaan mo lang na maginarte yung gagang yun sa harap mo! Sumbong talaga kita kay Drake lagot ka!" Inis na sabi niya sakin.

Agad akong tumayo at lumapit sakanya.

"Hoy wag mo kong e sumbong kay Drake." Pagmamakaawa ko sakanya.

Kinausap ko kanina sina Aya na wag ipaalam kay Drake ang nangyare dahil ayaw ko siyang mag-alala, grabe pa naman yun pag nag-aalala.

"Heh! Tantanan mo ko diyan sa pagmamakaawa mo! Nakakainis naman kase tignan kanina eh! Kulang nalang hatakin ka nun tas sabunutan ka. Pasalamat siya nakatimpi ako kanina. Ano ba atraso mo sa demonyitang yon?"

"Wag mo na ipaalam kay Drake... Please? Ayaw ko siyang mag-alala." Sabi ko.

"Hindi na nga, hindi na. Pero sa oras na mangyari yun ulit susumbong na talaga kita dun sa jowa mo! Gusto ko na nga talagang sabihin sakanya kanina habang hinahatid niya tayo dito eh." Pinipigilan niya pa rin ang inis niya habang sinasabi ang mga yan.

Naglakad ako papunta sa kusina ng condo ni Aya upang kumuha ng tubig. Dito ako matutulog for the whole week kase walang tao sa bahay, may palibreng trip kase yung boss ng mama ko sa mga employees, ayaw niya pa nga sana sumama kase ayaw niya maiwan ako dito, pero pinilit ko parin siya para makachill siya kahit papaano. Kaya ko naman tumira sa bahay ng mag-isa pero niyaya ako ni Aya dito dahil magisa lang rin naman siyang nakatira dito.

Hinatid rin kame ni Drake dito galing sa school, gusto pa nga sana niyang tumambay dito kaso di pumayag si Aya. At eto yung rason, paguusapan namin ang mga nangyare kanina.

Bumalik ako sa sala at binigay ang tubig sakanya, mahirap na baka atakihin pa to sa harap ko.

"Ano ba atraso mo dun?" Tanong niya ulit nung hindi ko nasagot ang una niyang tanong.

Ano ba atraso ko dun? Bakit masyado siyang galit sakin? Hindi naman kame masyadong nagkikita date, hindi rin naman kame masyadong nagkasama date.....

"May gusto kase yun kay Drake." Sagot ko naman. Tama. "Iniisip niya kaseng inagaw ko si Drake sakanya....." Kaya siya galit sakin kase yan naman talaga ang iniisip niya. Iniisip niyang inagaw ko si Drake sakanya.

"Hah?! Napaka-immature naman! Kala mo kung sinong maganda, I mean ok maganda nga siya pero mas maganda ko no heller, mas matangkad nga lang yun sayo. Buti nga wala na sila ng Kent ko."

Alam ni Aya na ex ni Kent si Lindsay, sinabi ni Zekiya sakanya, pero hindi buong kwento.

"Hindi pa ba tayo matutulog? Maaga pa tayo susunduin ni Drake bukas diba?" Sinusubukan kong baguhin ang topic namin dahil ayaw ko nang pagusapan pa ang nangyare kanina.

"Hindi na ako sasama sainyo bukas, masyado akong thirdwheel."

"Wow, ngayon ka pa nahiya? Sumama ka na, okay lang naman yun kay Drake." Natatawa ko pang sabi.

Agad niyang hinampas yung braso ko at napasigaw naman ako sa sakit.

"Grabe ka magsalita ah. Nagmamagandang loob na nga ako dito oh, ayaw mo bang masolo si Drake? Thirdwheeler nalang ako palagi, ayaw ko nun no, nakakababa ng image." Sabi niya habanh tumitingin tingin sa salamin. Napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi niya.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now