"Hah?!"
Dahil sa sobrang gulat ay hindi ko na napigilang sumigaw.
"That's my wish. Why?" Sagot niya na parang wala lang ito sakanya.
Literal na gulat ako ngayon, hindi ko naman inakala na ganong klaseng tulong pala ang hinihingi niya.
"No way." Pagtatanggi ko.
"C'mon, I need to stop the engagement and this is the only way I could think of." He said almost begging.
"Ayaw ko parin, bahala ka nga diyan! Ibang tulong na lang kaya."
"Thats my wish." Seryosong sabi niya.
"Hanap ka nalang kaya ng ibang babae, for sure mas maraming willing to date you diyan." Suggestion lang naman.
"Its a secret, remember? Ikaw lang ang may alam ng sikretong yan, kapag hahanap ako ng iba edi madagdagan ang mga may alam."
"Pwes, ayaw ko." Pagmamatigas ko.
"Don't worry, were not going to date like for real." Seryosong sabi niya kaya napatingin ako sakanya.
"Its all fake." Dagdag pa niya.
"What do you mean fake?" Naguguluhan kong tanong.
"Its all for a show. Were not going to the typical sweet stuffs, were just going to show people that were dating."
"So, panong naging tulong ito sayo?" Nagtataka ko paring tanong sakanya.
"It can probably stop the engagement." Confident niyang sabi.
Stop the engagement?
"Pano?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Umakto pa siya na parang nag-iisip. Tignan mo, hindi niya nga rin pala alam.
"Ewan." He shrugged.
Agad ko siyang hinampas sa braso pero mukhang hindi naman siya nasaktan.
"Pinagtritripan mo ba ko?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Do I look like I am?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Oo!"
"Im not." Sabi naman niya.
"Anyway, di ako pumapayag."
"Di rin ako pumapayag na hindi ka pumapayag." He smirked at me.
"So? Sino ang masusunod?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ako."
Magsasalita pa sana ako kaso naunahan niya na ako.
"Trust me, it will help stop the engagement."
Hindi parin ako sumasagot.
I dont really think na makakatulong ito.
"Just say yes and your secret will be safe with me." Dagdag pa niya.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sakanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kapag hindi ka pumapayag, I might tell the other kids your true identity." Nakangisi niyang sagot.
"You dont want that to happen, right?"
Agad ko siyang sinamaan ng tingin habang siya naman ay nakangisi sakin ng nakakaloko.
"I'll take that as a yes." Natatawa niyang sabi.
Magproprotesta pa sana ako kaso naunahan niya na ako.

YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...