"Are you hungry? Malayo layo pa yung pupuntahan natin... Gusto bang kumain muna tayo?" Tanong ni Drake habang deretso paring nakatingin sa daan...
Umiling ako bilang sagot. Sa totoo lang, gutom na gutom ako kanina, pero sa nangyare ay nawalan ako ng gana.
Nagulat ako ng tinigil ni Drake ang pagmamaneho at nagpark sa isang gilid.
Agad siyang tumingin sakin at hinarap ako sakanya.
"C'mon tell me, anong problema?" Nag-aalala niyang tanong.
Ganon ba ito ka obvious?
"Walang problema.... Magmaneho ka na..."
Umiling siya sakin at hinawakan ang mukha ko.
"Tell me." He demanded.
"Wala, promise."
Ayaw kong malaman niya ang pinag-usapan namin ng mama niya.... Ayaw ko nang dagdagan pa ang problema niya.
"I know you, alam kong may mali.... Now please tell me." Hindi parin siya tumitigil.
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa mukha ko.
"Wala akong problema. Magmaneho ka na."
Tumango lang siya at sinimulan na muli ang sasakyan.
"Ill buy food. Anong gusto mo?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"Im not hungry." Sagot ko naman.
"No. You need to eat."
Di ko nalang siya pinansin at hinayaan nalang kung anong gusto niyang gawin. Literal na nawalan ako ng gana.
Gaya nga ng sabi niya ay nag drive thru kame.
Ang rami niyang inorder, dalawa lang naman kame. Hinintay muna namin ang order namin sa gilid since matatagalan pa daw ng onti. Nakatingin lang ako sa bintana at nag-iisip.
"Now tell me, whats bothering you?" Tanong ulit ni Drake. Hindi niya ba yan titigilan?
"Wala nga." Naiirita kong sagot. Pabalik balik amp.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sakanya.
"Your problem is also my problem. If you dont want to tell me, then its fine... Hindi na kita pipilitin. If you want someone to talk to, then Im just here." Seryosong sabi niya, "Okay?"
Tumango ako bilang sagot. Sakto rin na dumating na yung order namin.
"Do you want to eat na or mamaya nalang kung nakadating na tayo?" Tanong niya habang inaayos ang mga pagkain.
"Mamaya nalang, ikaw if gusto mong mauna go lang." Sagot ko naman. Baka kase gutom na siya.
Umiling siya, "Nope, let's eat together."
Sinimulan niya nang magmaneho. Mukhang malayo pa yung pupuntahan namin ah, mag-iisang oras na kameng nasa daan eh. Saan ba kame pupunta? Buti nga at walang pasok bukas dumidilim na rin kase eh.
"You can sleep if you want, matatagalan pa bago tayo makarating sa pupuntahan natin." Sabi niya at sinara ang radio.
Tumango ako at gaya ng sabi niya ay natulog nalang.
"Tulong... Tulong.... Pa, tulungan mo ako.... Wala akong makita, natatakot ako.... Hindi ako makahinga...." Iyak na iyak ang bata, nakatakip ang kanyang mga mata kaya wala siyang nakikita.
"Manahimik ka! Wag mo akong iniinis! Walang makakarinig sayo dito!" Mas lalong lumakas ang iyak ng bata nung sinigawan siya ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/144386677-288-k291826.jpg)
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...