Nagising nalang ako dahil naramdaman kong wala na yung katabi ko.
We cuddled a little bit last night before sleeping.
I kinda felt bad dahil pinaramdam ko sakanya na di ako ganoon ka comfortable sakanya kahit hindi naman totoo.
Sana alam niyang siya yung comfort ko, sana aware siya na he makes everything so much better.
Bumangon na ako at dumeretso sa bathroom para maghilamos at magtoothbrush.
After that, lumabas na ako sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nagluluto sa kitchen.
Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya.
Marunog pala siyang magluto?
Hindi ko maiwasan na mapangiti. Who would have thought that may ganitong side yung kilala nilang bad boy hindi ba?
Napalingon siya sakin nung napansin niya ang presensya ko.
Agad niyang inoff ang stove at lumapit saakin para halikan ako sa noo.
"Gising ka na? Its still so early." Sabi naman niya.
"Eh ikaw, bakit gising ka na?"
"I wanted to cook breakfast for you." Sagot naman niya at hinalikan ako ulit sa noo.
Hindi ko ulit napigilan na mapangiti.
"You know how to cook?" Tanong ko sakanya at naglakad papunta sa niluluto niya.
Basic breakfast food lang naman ito. Kahit ganoon ay masyado perfect ang mga ito. Perfectly cooked.
"Uh... Yeh..." Nahihiya pa siya.
Humarap ako sakanya at nagthumbs up.
"Go back to sleep. I'll call you when the food's ready." Sabi pa niya.
Hindi ako nakinig sakanya, umupo ako sa countertop para mapanood ko siya habang nagluluto siya.
Kumuha siya ng tubig sa fridge at binigay ito saakin.
Tinanggap ko naman ito at ininum.
"I want to see you cook, chef." Asar ko sakanya.
Nasisiyahan kase ako kapag may nakikita akong nagluluto, gustong gusto ko kase talagang maging chef at magtayo ng sarili kong restaurant. Its one of my biggest dreams.
Tumawa siya at bumalik na sa kanyang ginagawa.
I am watching him peacefully. Minsan ay napapalingon siya sakin para tignan ang ginagawa ko.
Nung natapos na siyang magluto ay agad niyang inilapag ang mga niluto niya sa breakfast table at tinawagan ako.
Umupo ako sa harap niya. Nilagyan niya ng kanin yung plato ko bago niya nilagyan yung kanya.
Nagpasalamat ako at sinimulan ng kumain.
"Do you have plans today?" Tanong niya sakin pagkatapos niyang uminom ng tubig.
Napaisip ako. Hmm...
"Wala naman, bakit?"
Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko.
"Good. Were going somewhere." Sabi pa niya.
"Your clothes are there." Sabi niya sabay turo sa paper bag na nasa taas ng sofa.
Nababasa niya ba yung mga iniisip ko? Iniisip ko pa naman kanina kung ano ang susuutin ko.
"Mind reader ka ba?" Nagtataka kong tanong sakanya. Parang nahuhulaan niya kase yung mga iniisip ko eh.

YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Fiksi RemajaMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...