Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa nawala na sila sa paningin ko.
They look so happy.
Zeke and Linday.
Are they together now?
So sino yung girlfriend ni Drake?
Meron ba to start with?
"Huy!"
Halos mapatalon ako sa gulat nung kinilabit ako ni Leina.
"Gulat na gulat ah!" Dagdag niya pa habang tumingin tingin sa paligid.
"Bakit tulala ka?" Tanong niya sakin.
Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit bigla ka nalang sumusulpot?!"
"Sorry naman ah tinawagan kase ako ng nagaayos ng kotse ang tagal mo raw." Tinaasan naman niya ako ng kilay.
Mabilis kong kinuha yung cellphone ko para matawagan ko agad ang nag-aayos ng sasakyan ko.
Pagkatapos ko silang tawagan ay mabilis akong naglakad palabas.
Umiling iling ako upang matanggal ang dalawang yun sa isip ko.
They look so professional. Masyado nang nagbago ang itsura nila.
Lindsay's hair changed too, may highlights na pink ang buhok niya which makes her look more pretty. Zeke naman, he's very mascular, katulad ni Drake.
"Oh ma'am." Nakangiting bungad saakin ng dalawang mekaniko, mukhang inip na inip na sila kakahintay.
Mabilis ko silang nilapitan at inabot ang envelope na maylamang bayad.
"Pasensya na natagalan, may inayos pa kase ako sa loob." Magalang kong sabi.
Tinanguhan lang nila ako at nagpasalamat.
Pagkaalis nila ay pinuntahan ko muna ang kotse ko, tinesting ko ito upang malaman kung umaandar na ba. Napangiti ako nung maayos na.
Pagkatapos ay mabilis akong naglakad papasok ng building patungo sa kitchen upang matulungan na si Leina.
"May kailangan pa ba rito?" Tanong ko sakanya.
"Wala naman, bakit may lakad ka?"
"Balak ko sanang e check yung mga branches natin." Sagot ko naman.
"Ah, sigi lang, pumunta ka na. Bumalik ka nalang bago magdinner ah?"
Tumango ako sakanya bago kinuha yung bag ko sa locker.
Nagpaalam muna ako sakanya bago lumabas ulit at naglakad patungo sa sasakyan ko.
Inandar ko na yung sasakyan at nagmaneho patungo sa main branch namin.
Medyo traffic kaya siguro dito lang ang kaya kong puntahan dahil malalayo yung ibang branches.
Tinawagan ko muna si Zekiya, tatanungin ko lang sakanya kapag available siya mamayang gabi, birthday kase ni Kent, napagusapan namin ni Aya na e susurprise namin si Kent.
Hindi kase pinapaghandaan ni Kent ang mga birthdays niya, ewan ko ba dun. Kaya ayun, napagusapan namin ni Aya na susurprise namin siya, Kent has been a great friend sa aming lahat. He deserves it.
[Sup girl!] Bungad ni Zeki sa kabilang linya.
Mukhang wala naman siyang ginagawa..... As always. Ewan ko ba dito, parang walang ginagawa sa buhay, puro shopping at party nalang.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...