38

396 22 0
                                    

"You guys know each other?" Nagtatakang tanong ni Drake at palipat lipat ang tingin samin.

"Not exactly bro. She just looks familiar....." Sagot naman ni Akhi.

Hindi ko talaga maalis ang tingin ko kay Akhi. Sa tingin ko kase talaga ay nagkita na kami date.

"What are you looking at?" Agad akong umiwas ng tingin at umubo. Grabe, ang awkward naman nun.

"Let's go." Hinawakan ni Drake ang kamay ko at naglakad papunta sa nakareserve na table. Nakasunod naman sa likod sina Aya at Akhi na mukhang nag-uusap pa.

"You look beautiful!" Bulong sakin ni Drake. Nginitian ko lang ito.

Umupo na kame sa isang sofa. Wow sosyal hah! Umupo na rin sa tabi ko si Aya at sa tabi naman ni Drake si Akhi.

"Your bar is going to blow up." Masayang sabi ni Drake kay Akhi. Nakikinig lang kameng pareho ni Aya.

"I hope so, dude. Half of this bar ay si Yassi nagdesign." Patango tango na sagot ni Akhi. Yassi? Girlfriend niya ba?

Surprisingly ay tahimik lang si Aya pero alam kong titig na titig siya kay Akhi. Kapah plan B si Zeke, plan C ba si Akhi? Kaso taken eh. Gwapo naman si Akhi, kasingtangkad niya lang si Drake, at medyo magkahawig rin sila. Pero syempre mas gwapo jowa ko nu!

"Nice, kaya naman pala. Where's Yassi btw? Tagal na naming di nagkita? Umuwi na ba dito?" Tanong ni Drake at uminom ng wine galing sa wine glass.

"Ah, she's coming na hinihintay niya nalang yung kaibigan niya." Sagot naman ni Akhi at napatingin sakin.

"How's being Drake's girl." Tanong niya saken.

Nabulunan ako sa tanong niya. Anong klaseng tanong ba yan? Nakakaloka naman pala tong pinsan ni Drake.

"Shhh, youre making her feel uncomfortable." Saway ni Drake sa pinsan niya. Hindi na ito nagmatigas.

Tumayo ito at nagpaalam muna ng sandali, lumapit siya sa pinto at naggreet ng mga guest. Para sa edad niya ay nakikita kong marunong siyang magmanage ng business.

"Hay nako Drake, hindi mo naman sinabi na ang gwapo pala ng pinsan mo....." Sabi naman ni Aya habang titig na titig parin kay Akhi.

Napatawa ng mahina si Drake.

"Lahing Travis." Proud niyang sabi.

Nilipat ni Drake ang tingin niya saken.

"Do you know Akhi?" Tanong nito.

Umiling naman ako agad, "Hindi."

Tumango lang ito at tumabi sakin.

"Hoy Drake! Akala ko ba ay pupunta si Kent?!" Hinampas ni Aya si Drake sa braso at tinignan ng masama.

"Grabe naman to, wait lang, masyado pang maaga." Sabi ko sakanya. Mukhang atat na atat eh. Tinawagan ko si Kent kanina ang sabi naman niya ay pupunta siya.

"Pupunta ba talaga yon?" Tanong niya muli.

"Tinawagan ko siya kanina, pupunya daw siya, kaya wag ka nang atat diyan." Masyadong inlove si Aya nakakaloka.

"You called him?" Agad na tanong ni Drake. Tinignan ko siya at nginisian, hmmmm nangangamoy jealousy ah...

"Oo, bakit selos ka ba?" Pang-aasar ko sakanya.

"Im not." Pagdedeny niya agad. Ang obvious naman magselos, pumupula yunh tenga.

"Talaga ba?"

"Of course. Bakit ako magseselos sakanya? May kailangan ba kong pagselosan?" Ang haba naman ng sinasabi. Pikon agad!

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now