"Welcome back!" Masayang salubong saamin ni Zekiya.
Pangalawang araw na namin sa Seijin. Wala pa namang nangyayareng masama dahil siguro masyado nang busy ang mga students. Separate rin ang classrooms namin. Yung mga Louvier ay nasa ibang classroom, for short, nakaseparate kameng lahat sa Seijin which is a good thing.
Ngayon lang rin kame nagkita nina Zeki simula nung pagpasok namin dito, gaya nga ng sabi ko busy rin sila, tsaka kahapon kase tinour lang kame ng principal at kinausap. Kailangan lang namin e observe ang surroundings, students, and others, and to also experience student life sa ibang school. Eto na nga yon.
"Si Kent?" Nahihiyang tanong ni Aya. Ay wow nahiya pa.
Nagtaka si Zeki sa tanong ni Aya at tinaasan siya ng kilay. Abg obvious naman kase ni Aya nakakaloka.
"Kase diba palagi kayong magkasama kaya I wonder kung bakit ngayon hinde...." Pagdadahilan pa ni Aya. Tsk. Halatang halata.
"Oh.... Hindi pa ata tapos yung class nila." Sagot naman ni Zeki.
Tumango tango nalang si Aya sa sagot kunwari walanh pakealam lol.
"Where's Drake?" Tanong naman ni Zeki nung napansin niyang di namin kasama si Drake.
"Ah hindi pumasok kase tutulungan niya daw si Akhi sa final touches ng bar." Sagot ko naman.
Sa totoo lang, hindi naman kailangan si Drake doon. Kaso nga lang kahapon pagkatapak niya palang sa paaralan na to ay pinagkaguluhan siya kaagad kaya sabihin kailangan daw munang magpahinga ng charms niya. Kupal talaga yung lalakeng yun.
"Oh kaya pala... Sorry di ako nakago sa opening. Pinilit nga ako ni Kent pero family dinner kase di ako makatanggi."
Napatingin ako kay Aya at inasar siya gamit ang mga mata ko. Hahaha! Hindi parin kase siya nakakamove on sa kagagahan na ginawa niya, kaya hinahanap niya si Kent para humingi daw ng tawad.
"Wala namang ibang nangyare diba? I didnt miss anything, right?" Curious na tanong ni Zeki.
Lumingon ako muli kay Aya na sinasabi pa saken na wag ko siya e lalaglag. So since mabait akong kaibigan hindi ko talaga ginawa.
"Wala naman." Umiling pa ko para realistic.
Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi pero sa huli ay tumango nalang ito at nagpaalam na dahil may meeting pa daw ang dance club.
Tumungo na rin kame ni Aya papuntang library dahil may kailangan kameng hiramin na libro.
"Ang ganda pala dito nu?" Namamangha niyang sabi habang tumitingin sa paligid.
"Oo nga. Dream school ko nga to date eh." Sagot ko naman. Parang kailan lang pingarap kong mag-aral dito, pero ngayon parang ayaw ko nang makapasok dito.
"Date.... Dahil ba sa mga nangyare?"
Tumango ako bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad.
"Buti nga nasama ako. This way palagi kong makikita si Kent." Kinikilig niya pang sabi.
Harot talaga.
"Baka nakakalimutan mo na ying ginawa mo sa bar ni Akhi?" Pagpapaalala ko sakanya. Kung makaasta kase kala mo walang ginawa. Ayan!
"Ano ba? Pwede bang magmove on nalang tayo dun? Tsaka nandito na nga ako oh para magpaliwanag if ever kailangan niya ng paliwanag." Tinignan niya pa ako ng masama.
Tinaas ko ang kamay at parang nagmumukhang nagsusurrender sa harap ng mga pulis, "okay okay chill."
"Pero may napansin ako..." Biglang nagbago ang mood niya. From kinikilig to malungkot.
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Ficção AdolescenteMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...