35

450 19 0
                                    

"What the heck?! Anong nangyare sakanya?" Gulat na gulat na tanong ni Zekiya nung nakita niya ang kalagayan ni Drake.

"Nasagasaan." Tipid kong sagot.

"Damn it! Anong nangyayare sakanya? He was never like that. I know him too well at maingat siya sa pagmamaneho." Di parin makapaniwala niyang sabi. Lumingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay, "Nagaway ba kayo?"

Tumango lang ako bilang sagot. Shit.

Napabuntong hininga siya at nag cross arms. Galit ba siya?

"Sorry na.... Hindi ko naman sinasadya eh...." Agad kong sabi.

"Huh? What are you saying? Wala kang kasalanan...." Nagtatakang sabi sakin ni Zeki.

"I was just asking kung nagaway ba kayo.... Thats all." Dagdag naman niya.

May pumasok na nurse kaya agad kameng napalingon dito.

"E checheck ko lang yung pasyente." Magalang na sabi ng nurse samin. Tumango lang kame bilang sagot.

Nang matapos niya nang tignan si Drake ay nilapitan niya na kame.

"Okay naman yung pasyente. Walang nabaliang buto, masyado lang maraming sugat. Overall, he's fine. Dont worry." Nakangiting sabi ng nurse at saka umalis.

"Thank you Lord." Bumuntong hininga si Zekiya at saka umupo sa tabi ni Aya na tahimik lang. Agad rin akong sumunod sakanya at umupo sa tabi niya.

"Drake's mom is coming.... His dad, u-uh.... He's not." Malungkot na sabi ni Zeki.

"Hindi ba talaga sila okay ng papa niya?" Tanong ko.

Is it because of the wedding? Is it because of me?

"After the wedding ay hindi na sila okay. Galit na galit ang papa ni Drake sakanya..... Narinig ko nalang kay Kent na lumayas na pala ang lalakeng yan! I was so worried. Parang kapatid ko na rin si Drake... Buti nga ay nasa Pilipinas na si Akhi." Kwento ni Zeki.

"Akhi?"

"Ah, Drake's cousin. Dun siya nagstastay ngayon." Sagot ni Zeki.

Tumango tango nalang ako bilang sagot.

"Anyway, kumain na ba kayo?" Tanong ni Zeki samin.

Umiling ako bilang sagot.

"Gusto niyo bang kumain? Di rin ako nakakain because nagmadali akong pumunta dito.... I'll buy."

"Nako wag na, nakakahiya...." Sabi ko.

Nakakahiya naman. Masyado nang maraming ginawa si Zeki ngayon.

"Ano ba? It's okay. Sigi na, I'll be back."

Hindi niya na hinintay ang magiging sagot namin at agad na umalis.

Lumapit agad si Aya sakin.

"Ang bait pala ni Zeki? Kala ko talaga brat siya...." Pabulong na sabi ni Aya, kala mo naman may makakarinig.

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Haha, mabait yon...." Sabi ko naman.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko sakanya. Kanina pa kase siyang walang sinasabi eh.

"Well, alangan namang makiki join ako sa usapan niyo eh hindi naman kame close ng kaibigan mo. Pakilala mo nga ako."

Napangiti ako sa sinabi niya. For sure magugustuhan siya ni Zeki, parehas silang madaldal eh. Perfect match.

"Oh sigi." Sagot ko.

Di nagtagal ay dumating na rin si Zekiya na may dala dalang plastic ng mga pagkain. Tumayo kame agad ni Aya at kinuha ang dala ni Zekiya at inayos sa lamesa.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now