'Yums!! Saan ka ba pupunta??' Kanina pa ako tinatawag ni Aya, kanina pa ako tumatakbo, tumatakbo palayo sa reyalidad.
Bakit feeling ko kasalanan ko ang lahat ng to? Bakit feeling ko masyado akong bad influence kay Drake? Bakit parang sinisira ko ang buhay ni Drake?
Bakit siya lumayas? Akala ko ba ay walang problema? Akala ko ba ay malaya na kame sa wakas........ Pero bakit niya yun ginawa? Ano? Para saakin? Bakit siya lumayas? Lumaya ba siya para matuloy ang relasyong meron kame?! Nagagalit ako sakanya, he went too far!!
Hinarap ko si Aya na kanina pa ako hinahabol. Pareho na kameng hingal na hingal dahil sa kakatakbo.
'Hindi mo ba narinig kung ano ang sinabi ng mama ni Drake hah Aya?!' Di ko na napigilan na sigawan siya. Alam ko na hindi dapat ginawa yun pero nagagalit na ako, nagagalit na ako sa lahat kahit hindi naman dapat.
Mabilis na naglakad si Aya palapit saakin. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Agad niya akong niyakap, niyakap ko rin siya pabalik at umiyak.... Di ko lubos na maisip na ginawa pala yun ni Drake. Di ko mapigilang mag-alala para sakanya.
'Karapat dapat pa ba ako kay Drake?' Mahina kong tanong sa kasama ko habang pinupusan ang mga luha ko.
Napabitaw siya sa yakap at tumingin sakin ng seryoso.
'Di mo dapat sakin yan tinatanong, tanungin mo sa sarili mo.... Yumi, karapat dapat ka pa ba kay Drake?'
Napaisip ako sa sinabi niya. Everything keeps on messing up. Kung kailan masaya na kame saka naman may dumadating na problema. Kailan ba magiging peaceful ang buhay namin? Pagod na ako.... Kailangan ko pa bang lumaban? Bakit kailangan kong lumayo palagi? Why do I have to leave him behind. Nangako kame sa isa't isa, pero mukhang hindi nanaman ito matutupad. Hindi pwedeng matupad.... Everything is againts us.
Magsasalita pa sana ako ngunit hindi natuloy dahil sa isang sigaw... Sigaw ng pangalan ko.
'Yumi!' Napalingon ako sa likod ko kung san naroon ang lalakeng iniwan ko, ang lalakeng ilang beses ko nang tinalikuran.
'Wag kang lumapit, hayaan mo muna ako..... Kailangan kong makapagisip....' Pasigaw kong sabi, hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Hingal na hingal si Drake at mukhang hinahabol niya ang kanyang hininga. Mukhang kanina niya pa rin ako hinahanap. Naiiyak ako dahil nagagalit and at the same time naaawa ako sakanya. Mahal ko si Drake pero...
'Anong pagisipan mo? Yumi, let's talk. Mag-usap tayo, I can explain.... I will explain....' Mahinahon niyang sabi habang naglalakad palapit saamin ni Aya.
Di ba siya makaintindi?! Ang sabi ko wag nya akong lapitan pero anong ginagawa niya?! Di ako makagalaw sa kinaroroonan ko dahil may parte sakin na gusto ko rin siyang makausap, may part sakin na gusto kong marinig ang explanation niya, gusto kong intindihin ang lahat.
'Let's talk.' Seryoso niyang sabi... Di ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Wala na akong magagawa, nandito na siya eh. Natatakot ako baka bibigay ako sa kanyang sasabihin.
Liningunan ko si Aya at sinenyasan na iwan muna kameng dalawa. Naintindihan niya naman agad ito at tumango bago umalis. Naiwan nalang kame ni Drake dalawa.... Nakatingin lang ito ng malalim sakin habang ako naman ay todo iwas sa kanyang mga tingin.
'Anong pagiisipan mo?' Agad niyang tanong sakin.
Tumingin ako sakanya bago sumagot.
'Kung karapat dapat pa ba ako sayo...' Sabi ko naman. Im trying so hard to stop my tears from falling.
Tama, karapat dapat pa ba ako kay Drake? Dahil saakin ay nangyayare ito sakanya. Lumayas siya dahil sakin, nagtransfer siya dahil sakin.....
Ano pa ba ang dapat niyang gawin para matauhan ko na di talaga kame pwede?!
YOU ARE READING
The Bad Boy's Lady
Teen FictionMayumi Lathrel is very sure of her dreams and that is to graduate from a prestigious school and to be successful one day, but everything fell out of place when she met Drake Travis, the boy that every girl wants and the successor of one of the bigge...