34

423 20 0
                                    

Pagdating ko sa hospital ay tumakbo ako agad sa Emergency Room. Ang raming tao kaya hindi ko agad nahanap si Drake, mabuti nga at may malapit na nurse kaya agad akong lumapit rito at nagtanong.

"May dinala po ba ditong naaksidente?" Nanginginig kong tanong sa nurse. Takot na takot ako ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko lalong lalo na't kasalanan ko ito.

"Ah opo ma'am, andun po." Sagot neto sabay turo sa isang sulok kung san may curtain.... Nagpasalamat ako at agad na tumakbo papunta sa sinabi ng nurse. Pagpasok ko rito ay hindi ko na napigilan na maiyak.....

Halos hindi mo na siya makilala..... Masyado siyang bugbog serado para makilala pa.....

Fvck! What have I done? Anong ginawa ko kay Drake?

Naka hospital gown na ito at nagamot na ang kanyang mga sugat..... Nilapitan ko siya agad at niyakap.... Hindi ko na napigilan na maiyak.... Hindi ko na napigilan na humagulgol.... This is all my fault.... Kasalanan ko ang lahat ng eto.

"Drake, sorry..... Im so sorry..... Kung alam ko lang sana na mangyayare ito sayo ay hindi ko na sana yon ginawa..... Drake, gumising ka na please....." Patuloy parin ako sa pag-iyak.....

He doesnt deserve any of this. Sa totoo lang, kasalanan ko ang lahat ng ito. I'll take all the blame dahil alam kong ako ang may kasalanan..... I did this to him.....

"Bakit ka naman nagkaganyan, Drake? Sorry. Hindi ko sinasadya... Sana pagkatapos neto ay mapapatawad mo ako.... Drake, gumising ka na, please?" Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito.

Agad kong pinahid ang luha ko nang may biglang nagsalita.

"E trantransfer na po namin siya sa room niya pagkatapos makuha ang mga test results. Pwede ko bang malaman kung kaano ano niyo ang pasyente?" tanong ng nurse na may hawak hawak na papel. Siguro ay record ito ni Drake sa hospital.

"Ah.... Im his girlfriend." Mahina kong sagot.

wala akong karapatan dito.

"Maari niyo po bang e paalam ito sa pamilya ng pasyente? Babalikan nalang po namin kayo. Kunin niyo nalang rin po ang telepono ng pasyente sa lobby. Sigi po." Sabi nito at saka umalis. Muli akong napaupo sa upuan na nakaposisyon sa tabi ng kama ni Drake.

Pano ko ito ipapaalam sa pamilya niya? Pano ko sila e cocontact? Ah alam ko na! Cellphone ni Drake. Agad akong pumunta sa lobby para kunin ang telepono ni Drake. This is the only way.

"Yumi!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.... Si Aya...

Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya.

"Kasalanan ko ang lahat ng to.... Kasalanan ko kung bakit nagkaganto si Drake. Aya, hindi ko naman sinasadya eh." Di ko na napigilan na umiyak.

"Shhhh. Tama na, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan to. Ang may kasalanan ay ang nakabangga sakanya. Wag mo nang isipin yan. Tara na puntahan na natin si Drake." Mahinahong sabi nito.

Kumalas ako sa pagkakayap sakanya ay pinahid ang luha ko. Kahit anong sabihin niya ay alam kong kasalanan ko ang nangyare kay Drake.

"Teka lang, may kukunin lang ako sa lobby. Mauna ka nalang kaya dahil walang nagbabantay sakanya." Sabi ko sakanya. Sinabi ko na rin kung saan niya mahahanap si Drake. Tumango ito at saka na naunang maglakad.

Lumapit na ako sa babae na nakaassign sa lobby.

"Magandang gabi. May gamit po ba dito na pinagmamay-ari ni Drake Travis?" tanong ko sa babae.

"Ah. Teka, kukunin ko lang ito." Sabi niya at tumayo na.

Anong sasabihin ko sa pamilya niya? At sinong tatawagan ko?
Yung nanay ni Drake, nakita niyang magkasama kame kanina... Aish..... Ano ba to?

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now