50

430 18 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga rin daw ako susunduin ni Drake.

Dinodouble check ko nalang yung mga dadalhin ko habang hinihintay siya.

"Nak?" May narinig akong katok galing sa pintuan kaya tumayo ako para buksan ito.

Bumalik ako sa pinanggagawa ko at isanara ang suitcase.

"Aalis na ako nak, text mo nalang ako kapag nakadating na kayo ng kaibigan mo."

Oh right. Sinabi ko palang kaibigan ko ang kasama ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na magbabakasyon kame ng boyfriend ko hindi ba?

Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi.

Di kalaunan ay dumating na rin si Drake. Natataranta akong bumaba sa hagdan dahil excited na ko ng sobra okay?

Pagkalabas ko ay agad niyang kinuha ang suitcase sa kamay ko at nilagay ito sa loob ng kotse.

Naglakad ako palapit sakanya at binati siya.

"Good morning."

Niyakap niya ako tapos hinalikan sa noo.

"Morning, love."

Pagkasara niya ng pinto sa likod ay naglakad siya papunta sa passenger's seat kasama ako.

Pinambukas niya muna ako ng pinto bago siya pumasok sa loob ng kanyang kotse.

"Are you ready?" Tanong niya habang nakatingin sakin.

Tumango ako at ngumiti ng malapad.

Hindi parin nawawala ang lungkot sakin pero I need to be positive. Kakalimutan ko muna ang napag-usapan namin ng papa niya. I wont let anything bother this trip.

Sinimulan niya na ang pagmaneho.

Buti nga di traffic kaya nakadating na rin kame sa airport.

Masyadong maraming tao dahil undas break nga. Yung ibang mga babae ay napapatingin pa nga sa kasama ko eh.

Iba talaga yung kamandag ng lalakeng to. Tsk.

Hindi naman sila pinapansin ni Drake kaya okay lang.

"Were too early, come let's buy something to eat first."

Tumango ako at tumayo na sa kinauupuan ko.

Medyo napaaga kame, may dalawang oras pa kase bago ng flight namin. Pano ba naman, masyadong excited tong kasama ko.

Naguluhan pa si Drake kung saan kami kakain, pero sa huli ay ako nalang ang pumuli. Jollibee nalang para mura.

"You want to eat here?" Nagtataka pa siya sakin.

"Oo, bakit?" Sabi ko.

Binalik balik pa niya ang tingin sakin at sa Jollibee na mahaba haba ang pila.

Tinakpan ko ang bibig ko sa gulat, "Wag mong sabihin hindi ka pa nakakakain ng Jollibee?!"

Napatingin siya sa paligid nung pinagtinginan kame ng mga tao dahil sa lakas ng boses ko.

"Shhh keep it down...." Nahihiya niya pang sabi sakin.

"Wait so first time nga?!" Mahina pero gulat ko paring sabi.

Sinuot niya ang hood ng hoodie niya at marahang tumango.

"Seryoso?"

"My mom never allowed us to eat those stuffs." Sagot pa niya.

"Buhay mayaman...." Natatawa ko pang sabi.

Nakakatawa lang kase. Simpleng Jollibee hindi pa natitikman?!

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now