KHAI's POV
PAK!!
nagulat ako ng bigla kong masampal si kieff. oo naiinis ako sa sitwasyon namin ngayon kasi biglaan ang lahat. di ko pa sya ganoon ka kilala. sinisimulan palang namin. kung bakit ba kasi di kami makapag pigil na dalawa.
" I... i'm sorry.. di ko sinasad-" pinutol nito ang sasabhin ko.
"i'ts okay. I understand." at tumahimik na lamang siya.
muli nitong binuhay ang makina ng sasakyan upang makarating kami sa bahay na sinasabi ni dad. tumingin ako sa kanya at kita ko ang sakit sa mga mata nito kahit pa hindi pa ito talagang naka tingin sa akin kundi sa daan.
nanahimik na lamang ako. alam kong mali itong gingawa at nararamdaman ko sa ngayon kasi sa pagkaka alam ko okay naman ako sa kanya. okay naman kami. dahil lang talaga sa sitwasyon.
agad kaming naka rating sa bahay na titirahan naming dalawa. wala padin syang imik. ipinark na nya ang kotse nya. medyo malaki ang bahay na ito kumpara sa bahay na tinitirhan ko. maayos na ang loob at kumpleto na ang lahat ng mga kagamitan.
"khai, akyat ka na at mamili ka na ng kwartong gusto mo. isusunod ko nalang itong mga gamit mo sayo iinom lang ako saglit." sabi nito ng hindi padin naka tingin sa akin at may himig ng lungkot sa kanyang boses.
"o-okay. salamat" agad akong unakyat sa itaas at napansin kong may limang kwarto ito. binuksan ko ang mga kwarto at namili na ng magiging kwarto ko.
naramdaman kong paakyat na din sya. mukang nahihirapan syang mag buhat ng mga gamit ko sa dami ba naman ng dala ko. parang dinala ko na talaga ang lahat ng gamit ko sa bahay. pansin ko namang isang duffle bag lang ang dala nya. napaka konti naman nito. ito labg ba ang gamit na meron sya?
"ah khai? saan ko ito ilalagay?" di ko namansin na nasa harapan ko na pala ito.
"ah dito nalang. salamat." sabi ko dito. inilapag nito ang mga gamit ko malapit sa kama ko. lalabas na sana ito ng hawakan ko ang kanyang kamay.
"uhm. kieff, sorry kanina na sam-" di ko naituloy ang sasabhin ko ng sumagot ito. bakit ba ang hilig nyang putulin ang sasabihin ko.
"wala yun khai. sige na mag pahinga ka na. dun nalang ako sa dulong kwarto. katukin mo lang ako pag may kailangan ka." sabi nito at tinanggal ang kamay ko sa pagkaka hawak sa kanya. tumalikod na ito at naglakad papunta sa kwarto nya. magkalayong magkalayo ang kwarto naming dalawa. ang sa akin ay nasa bungad lang samantalang ang kanya ay nasa pinaka dulong bahagi ng bahay.
di ko maiwasang pag masdan sya habang nag lalakad. ano ba talagang ikina iinis ko sa kanya? kahit ako ay naiinis na din sa sarili ko kung bakit sya ang sinisisi ng kalooban ko samantalang hindi mangyayari ito kung hindi rin naman sa akin. sabi nga it takes two to tango.
pumasok nalamang ako sa kwarto at inayos ang aking mga gamit. lumipas ang ilang oras at bigla itong kunatok sa pinto ko. paano ko nalamang sya yun? madali lang. dalawa lang naman kami sa bahay na ito kaya alam kong sya iyon.
"khai?" bungad nito ng buksan ko ang pinto.
"bakit?" tanong ko dito. pinag masdan ko sya. ang tangos ng ilong nya at ang ganda ng mga mata nya. tapos yung labi nyang mapula na pag humahaliknsa akin ay para akong humahalik sa bulak sa lambot.
"ahm khai? okay ka lang ba?" nag balik tanaw ako ng bugla nitong pitik pitikin ang daliri nya sa aking mukha. ano ba yan khai. kaya ka napapahamak ie dahil sa kalandian mo. mag pigil ka muna pwede. may sinasabi yung tao.
BINABASA MO ANG
love song love story versace on the floor
Romancekhailine ramirez, sikat na model nag-iisang anak ng isa sa pinaka mayamang pamilya sa bansa. sopistikada, matalino at higit sa lahat kilala bilang isang mahinhin na dalaga. tinuturing syang ideal girlfriend ng marami. kieff lazerna, isang babaeng ba...