chapter 35

5.4K 140 2
                                    

KIEFF's POV

natatawa kong pinag mamasdan si khai ngayon. parang di maka paniwala na ito si lulu. kanina alam kong nag seselos na sya kaya naman inaasar ko pa sya lalo. di ko naman akalaing hahantong ang pag iisip nya sa hiwalayan. kaya agad ko syang dila sa lugar kung saan namin matatagpuan si lulu.

"kieff!!!! ahhh!!!" napatalon ito sa gulat. buti na lamang at agad ko itong na salo.

"wooow... shhhh..."  hinimas ko ang buhok nito ng banayad para agad itong kumalma. naka yakap padin sa akin ang asawa ko. natatawa naman ako sa naging reaksyon nito.

nang mapansin nyang nag pipigil ako ng tawa aya agad itong humiwalay sa akin at tiningnan ako.

"aray- khai... tama na.. aray ko.. masakit na." sinasalag ko lang ang mga hampas nito sa akin habang natatawa dito.

"walang hiya ka tinatawanan mo pa ako. paano kung nasipa ako ng kabayo na yan ha!!!!" galit na turan nito.

"eh wife- aray... tama na please." hinawakan ko na ang kanyang kamay at iniakap sa akin.

"shhhh... alam mong hindi kita pababayaan diba? alam mong hindi ko hahayaang mangyari sa iyo yun. tama na please... sorry na mahal ko..." malambing kong sabi dito.

agad naman itong kumalma at yumakap sa akin. napansin kong gumagalaw ang balikat nito at nababasa ang aking balikat. ramdan ko ito dahil naka sando lang ako.

"akala ko babae mo na talaga yung sinasabi mo. akala ko niloloko mo ako at may iba ka na gusto mo pa talagang ipakilala sa akin." sabi nito ng hindi padin tumitigil sa pag iyak. rinig ko sa boses nito ang inis at takot.

"mahal ko, wala akong ibang babae at kahit kailan man ay hindi ko magagawang lokohin ka. mahal kita ng higit pa sa pagkaka alam mo. kaya please tahan na ha?"

agad namang tumigil ito sa pag iyak at tumingin kay lulu.

"halika, sakay tayo sa kanya at ililibot kita sa isla." inabot ko ang kanyang kamay at inilapit sa kabayo.

nauna ko itong isinampa kay lulu kasunod ako. mahina kong tinandyakan ang gilid na katawan nito para lumakad na ito.

inilibot ko si khai sa mga lugar na sa tingin ko ay maganda. hindi pa ako nakaka pag ikot ikot dito. kaya naman nag tanong na lamang ako kay nanay suring kung ano ang mga pwede kong pasyalan dito.

si nanay suring ay katiwala ko sa bahay ko. mas nauna ko lang syang pina punta dito para malibot ito. at si lulu naman ay kabayo ko na iniregalo sa akin noon ni lolo ng bata pa ako. pinadala ko din dito para naman may masakyan kami kapag mag lilibot.

"love ang ganda naman dito. sana dito nalang tayo naka tira. kaso hindi pwede dahil sa responsibilidad na naiwan natin." sabi ni khai habang naka sandig sa aking katawan. mababakas mo sa boses nito at pagka mangha sa lugar.

"pwede naman tayong bumalik dito wife kung kailan mo gusto." sabi ko dito habang hinahalikan ko ang kanyang balikat.

kahit ako khai gusto ko ditong tumira pero marami pa akong dapat ayusin na naiwan sa manila.

"talaga love? kahit kailan?" sabi nito na parang bata. kita ko sa kanyang mata ang pag ning ning nito.

"ahuh!" maikling sagot ko. hinalikan lamang ako nito sa aking pisngi at muling itinuon ang paningin sa magandang kapaligiran.

"thank you love." sabi nito. napag desisyonan naming bumalik na sa bahay dahil tanghali na din naman. para maka pag pahinga pa kami dahil madami pa kaming gagawin.

love song love story versace on the floorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon