CHAPTER 2:Miss Surfer

1.1K 33 0
                                    

                 Kiara's POV

Agad na binalanse ko Ang sarili ko nang masabay ako sa malaking Alon...muntikan pa akong mahulog Kung di Lang agad ako nakabalanse dahil sa lakas ng hangin...sa aking kinababalansehan ay natatanaw ko Ang mga taong halos nakatingin sa akin...cheering my name for what I am doing....napapangiti ko Rin silang tiningnan nang mahagip ng dalawa Kong mata Ang isang pamilyar na lalaking mga nasa mid 50's na Ang edad..with his men around him...

Biglang sumibol Ang matinding kaba at takot sa puso ko nang pagtama ng mata namin ay napangisi ito...awtomatikong naparalisa ang katawan ko dahilan para mawala ako sa aking balanse at mahulog.....
Dali Dali akong lumagoy pabalik sa dalampasigan..
   Pag-ahon ko ay ibinigay ko Ang surf board ko sa katiwala ko bago agad akong nilapitan Ni ate Hasna na bakas Ang takot sa kanyang mukha...sa likuran niya ay Ang nakangising si Mr. Montano...
Si Mr. Montano Ang taong kunauutangan Ni Daddy noong buhay pa siya,Kaya nga Lang ay masama Ang ugali nito sa kabila ng karangyaan naman nito..

"Kia,maniningil na naman siya."may himig ng takot na sabi Ni ate Hasna...pansin ko agad Ang pagkabahala sa mukha niya...Ang pagkabahalang baka Kung ano na naman Ang gawin nito para magipit kami..

Inabutan niya ako ng tuwalya na agad kong kinuha at tinapis sa aking katawan...

"Good morning,kiara.Anong petsa na?at at nakuha mo pang magsaya ano?baka naman  nakakalimot kana sa mga utang ng tatay mo?."nakangising usal Niya...
Naramdaman ko Ang kamay Ni ate Hasna sa kamay ko na syang nagpakaba Lalo sa akin...namamawis man Ang kamay ko ay ramdam ko Ang higpit ng pagkakahawak Ni ate..

Sinalubong ko siya ng tingin para malaman niyang di ako natatakot sa asta niya..

"May dalawang buwan pa po akong palugit kagaya ng napagkasunduan."diretsang sabi ko,Hindi pinapahalata Ang takot sa aking boses..
Iba Kung maningil itong si Mr. Montano kasi halos linggo-linggo sya Kung bumabalik.. minsan nga'y nagdadala pa ito ng bisita..na lahat ng kakainin ay di man Lang binabayaran...

"Hahahaha.Alam mo talaga Kung ano Ang eksaktong sasabihin.Matalino ka nga at alam ang isang salita.Mabuti'y di ka kagaya ng iyong ama na di man Lang makapagbayad nang inutang niya."nanunuyang sabi Niya..

Napahigpit Ang hawak ko sa tuwalyang nkatapis sa katawan ko nang mabanggit Niya Ang aking ama..

Agad ay binalot ako ng lungkot..saka ko nahanap Ang aking dila

"Babayaran ko ang utang na sinasabi niyo kaya Sana lng po ay maghintay kayo."may pag uumanhing sabi ko..

Nag iba Ang timpla ng kanyang mukha na mas lalong nagpakaba sa akin...

"Matagal na akong naghihintay,Miss Takahashi.Ang tanong ay Kung may aantayin ako Mula sayo?meron ba ha?"nakataas na boses na asik niya..

"Kia..."mahinang usal Ni ate Hasna sa likuran ko..Hindi ko siya nilingon at pilit na nilalabanan Ang mga naninindak na mata Ni Mr.Montano..

Hindi ito Oras para magpadala ako sa takot ko..

"May mahihintay po kayo Kung Yun Ang gusto niyong marinig.Pangako po iyan.Sana naman ay matahimik na ho kayo.Nasa inyo po ang huling salita ko."sinserong dagdag ko na pilit nang tinatapos Ang pag uusap naming iyon..

Halos di ako makagalaw man Lang sa kinatatayuan ko...Kaya Sana ay matapos na to..

Biglang bumalik Ang kanyang natural na ekspresyon sa mukha at taas noong tumitig sa akin

"May pinag-aralan ka iha kaya't naniniwala ako.Pero di ako nadadala sa puro salita lng.Aasahan ko ang sinasabi mong bayad."sabi nito at wlang pasabing umalis sa harapan namin..

Nang mawala na siya sa akin paningin ay saka ko Lang Rin naramdaman Ang lamig na Hindi ko man Lang naramdaman kanina..agad akong hinapit sa aking katawan Ang tuwalya para maibsan kahit konti Ang lamig na nararamdaman ko..

"Kia..."usal Ni ate Hasna

Nilingon ko siya at pilit na nginitian..

"May magagawa pa tayo ate hangga't di pa natatapos Ang palugit.Makakaya pa natin tong hanapan ng solusyon.Tiwala lng,may awa Ang Diyos."pampawala ng takot na sabi ko..

"Saan naman tayo makakahanap ng ganoong pera,Kia.Malakas man Ang restaurant natin pero marami pa tayong gastusin."kabadong saad Ni ate

Bumuntong hininga ako saka ngumiti ulit..

"Hahanap ako ng paraan ate."sagot ko na parang nangungumbinsi.
Napabuntong hininga nlng din saka tumitig sa akin..

Nakikita ko man Ang takot at pangamba sa kanyang mga mata ay isang pilit na ngiti Ang kanyang ginanti sa akin...na ginantihan ko Rin isang mahigpit na yakap saka ako napapikit...

Agad akong humiwalay sa kanya ng di ko na matiis Ang lamig...

"Nilalamig na ako ate.Tara na sa bahay."anyaya ko sa kanya na agad namang tumango at umakbay sa akin..

Pagdating namin sa loob ay sinalubong kami ng dalawang Bata...isang babae at isang lalaki...

"Mama!!!."bati Ni Basha Kay ate..isang yakap naman Ang isinukli Ni ate bago Niya Rin niyakap si Baste na nakatingin lng Rin sa kanya..
  Napangiti ako ng mapait sa nakita ko ngayon lng..dala nito Ang takot na baka Hindi ko na maibigay din sa kanila Ang mga bagay na dapat ay nararanasan nila..Maisip pa Lang na di ko na iyon maibigay ay para ng dinurog Ang puso ko...

These kids deserve all the best thing a child should have... especially sa kondisyon nilang dalawa..

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko nang Makita ko Ang larawan namin Ni papa noon habang tinuturuan niya akong magsurfing..Biglang isang butil ng luha Ang pumatak galing sa mata ko saka Ang isang impit na hikbi na kumawala sa aking mga labi..at saka Rin sumagi Ang kanyang utang na iniwan sa amin...

'Diyos ko,saan po ba ako kukuha ng ganoon kalaking pera para maipambabayad.'

#kiano
#miss Surfer
#The Boss

Enjoy reading Lang po and don't forget to vote!!God bless!!

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon