CHAPTER 63:Fight together

645 30 9
                                    

Sa bawat buklat ko sa folder na dinala ni Argel para sa akin ay hindi ko mapigilang mapanganga.

Akala ko ay clothing line at sports events lng ang hinahandle ng Forza pero sa gulat ko ay marami pa pala itong mga negosyong hindi pa sinasabi sa marami.

May real estates na ang naghahandle ay si Argel.Cosmetics na dala ni Franki while si Diana ang nahahandle ng Jewelries.Wealand manage some of the construction of their restaurants and Akie managed some of those too.May alam din nman kasi ito sa negosyo dahil sa wine business din nito.

Alam ko rin namang hindi basta-basta lng na maghahamon ng laban si Gino ng hindi handa.Siya ang klase ng tao na hindi susuong sa digmaan ng wlang dalang panlaban.He doesn't like risking with a only a jack in his cards.

Natigil ako sa pagbabasa nang makarinig ako ng tatlong magkasunod-sunod na katok mula sa pintuan ng akong opisina.

Hinilig ko ang aking likod sa swivel chair ko para iunat ang braso at ipahinga ng likod ko.Sumasakit kasi sa kakabasa ko.

Pumasok ang secretary ko na may ngiti sa labi.I smiled back at her.

"Ma'am,may gusto pong kumausap sa inyo."imporma niya.

Napataas naman ang kilay ko bago inayos ang suot kong yellow three piece pant suit.Kahit na nagtataka ay pinili kong tumango sa kanya.

Umalis naman agad siya para papasukin ang taong sinasabi niya.

Lihim naman akong nagulat nang makilala ko kung sino ang tinutukoy niya.Nagpanggap akong kalmado kahit na may kaunting kaba akong naramdaman.This feels not good.Base sa mga nalaman ko,naging kanang kamay siya ng matandang Roque.

Pinili kong ngumiti at tumayo para salubungin siya.

"Please take a seat."magalang na sabi ko at inwunestra ang couch sa loob ng opisina ko.

Umupo nman ako sa harap niya at bahagyang sinenyasan ang sekretarya ko para magpahatid ng inumin.

"What would you like sir? coffee,water or juice?or you have something in mind that you want to eat?"tipid ang ngiting tanong ko.

Doon ko lng din ulit siya napagmasdan ng malapitan.Kita na ang kulubot sa kanyang mukha na dala ng katandaan.May mga mapuputi na din siyang buhok.

"I'll have just coffee,please."seryoso man ay may may munting ngiti din sa kanyang labi.

Pareho naming sinundan ng tingin Si Tina hanggang sa makalabas ito.

Nilingon ko ulit siya para alamin kung ano ang sadya niya kahit may kutob na ako.

"So,I assume your not here for nothing,right?As much as I want to entertain you,I have tons of work to do.Please let me know why you are here so we can both share our thoughts about it."seryoso kong sabi at tumingin ng marahan sa kanya.

Tumikhim siya saka ako hinarap.

"We heard that you are planning to invest on Mr. Martinez's construction company.And for your knowledge,we are into construction too.I am here today to formally ask you if you can consider our company rather than the other one.Bago pa man lng sa industry ang firm namin but we already ranked second among those other in the same line not to mention that they already in this field longer than ours."panimula niya.

Hindi man makapaniwala sa narinig ko sa kanya ay hindi ko mapigilang mapangisi.For I know,pinsan ng mommy ni Gino si Mr. Martinez at hindi talaga sila nagdalawang isip na kalabanin ito.Kung pera nga naman nag pag-uusapan.

May inis mang naramdaman ay mas pinili kong kalmahin ang sarili at ngumisi ako sa kanya.It may look rude but I don't care.Sila naman ang nangangailangan dito.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon