Kiara's POV
"Kia,nagpareserve ako ng seat for you.Ngayong Saturday yun ha?"sabi ni Diana sa kabilang linya habang ako naman ay tinitingnan ang nga proposals na iaapprove ko.May fashion show sila ni Franki with Forza's clothing line.
"Okay.Sasabihin ko muna kay Gino."marahang sabi ko at hindi inaalis ang paningin sa binabasa.Pareho kasi kaming medyo naging abala sa kaniya-kaniya naming kompanya.He's busy with his construction firm though he has Banjo for it.It's getting big kasi dahil na rin sa pangalan ni Banjo na dala nito.While I am busy over some investors who want to be part of my chains of restaurants.Nagsimula na din kasi kaming magexpand through out Europe.I bet japanese food attract even European nowadays.
"Sige.Just tell me kung sasama siya so I can reserve a seat for him too though he should be there since he's the CEO but I know he's busy and I completely understand.Alright,bye!!See you."she said cheerfully.
Nang naputol ang tawag ay napahilig ako sa aking upuan.Nakaramdam na naman ako ng gutom.I don't know if it's because I had a lot of work these days or what and Gino spoiled me with my cravings too.Speaking of cravings,I immediately dialed his number.After three rings,he answered the call.Nainis ako sa tagal ng pagsagot niya.
[What is it,darling?I'm in the middle of a meeting with some investors.]
Dahil sa sinabi niya ay nawala ang inis ko.I even pouted on what he said.Napatingin din ako sa relo ko para malaman ang oras.It's three in the afternoon yet I feel hungry.
"Darling,I want vanilla cupcakes."sabi ko sa malambing na boses.Narinig kong bumuntong hinga siya at may kung anong sinabi sa kabilang linya bago ulit niya ako kinausap.
[Okay.I ordered for you.Anything else?]
I smiled and giggled.
"And banana smoothie,please!"I heard him chuckled.Nahiya tuloy ako dahil baka akalain niyang ganoon ako katakaw.I've been calling him for four times already today.Puro pagkain ang hinihingi ko and he didn't say no so I took advantage.
[On the way,darling.Can I hung up now?Nagpamerienda muna ako nang tumawag ka.We'll resume now.]
"Oh!okay!I love you.!"
[I love you,too.I'll pick you up later.]with that,he ended the call while I'm waiting for my cupcakes.Hindi na ako nagpatuloy sa pagbabasa at tumayo na lamang habang palakad-lakad sa loob ng opisina ko.After few minutes,I heard a knock and Tina walked inside.I smiled widely when I saw her holding a paper bag with my favorite logo.It was Gino's restaurant.
"Ma'am,ito na po ang pinadala ni Sir Gino."nakangiting imporma ni Tina na agad kong sinalubong at kinuha sa kanya iyon.Natawa siya sa sobrang pagkaatat ko.
As soon as nailapag ko ang pagkain sa center table ay binuksan ko agad iyon.Nanubig agad ang bagang ko nang manuot sa ilong ko ang amoy non.I giggled before taking a bite on one cupcake.I am enjoying it and forgot about Tina.Kung hindi pa siya nagsalita ay baka tuluyan ko na siyang nakalimutan.
"Ma'am,napapadalas na po ang pagkain niyo ng matatamis.Mabuti nlng po hindi kayo tumataba."may halong pagbibirong sabi niya.Napatigil tuloy ako sa pagnguya at nakangusong bumaling sa kanya.
"Sigurado kang hindi ako tumataba?"paniniguro ko.Baka iwan ako ni Gino pagtumaba at pumangit ako.Nawalan na tuloy ako ng gana kaya inilapag ko ang cupcake nga bago ko palang nakagatan.Pangalawa na iyon sa anim na ipinadala ni Gino.Napansin naman iyon ni Tina at nataranta siyang lumapit sa akin.
"H-hindi naman po, ma'am.Nakakainggit nga po kayo kasi hindi man lng po kayo tumataba."pag-aalo niya sa akin at pilit na ngumiti.Sumimangot nlng ako at tumayo.Aligaga siyang sumunod sa akin papunta sa lamesa ko.Umupo ulit ako sa swivel chair ko at pasimpleng tiningnan ang cupcake na nakagatan ko.Nanubig ulit ang bagang ko pero ayaw ko namang tumaba ako kaya ang ginawa ko nlng ay tawagan si Hiro.Kailangan kong malaman kung tumaba ba ako.

BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...