Kiara's POV
"Ano-ano pa ba ang kulang?"dinig kong tanong ni ate hasna kay jamie mula sa aking likuran habang patuloy ako sa pag aayos ng mga mangkok..
"Tama na ba twenty kilos na karne para sa ngayong linggo?di ba parang kukulangin tayo?"balik tanong naman ni Jamie kay ate..
Nilingon ko sila ng matanto kong may punto si Jamie..
Dagsa dagsa ang turista ngayon...at halos kulangin kami nitong nagdaang linggo..
"Gawin mo kayang thirty ate.Baka nga kulangin tayo."sabad ko sa usapan.
Tumango siya at nagsulat..
Linggo ngayon at di kami magbubukas dahil day off namin ngayon atsaka araw rin para mamalengke.Mas marami sana ang mga turista ngayon pero mas inaalala din naman namin ni ate ang kalusugan ng mga empleyado ng restaurant.Kailangan din nilang magpahinga kahit alam kong okay lng din sa kanila na magtrabaho.Iilan lng rin namang empleyado ang nakabukod ang bahay sa amin.Sila yamyam,fumiya ata jamie ay nasa amin lng din naman nakatira."Teka,sasama ka ba ngayon kia?"tanong ni Yamyam na bigla bigla lng sumulpot sa tabi ko.
Napaisip naman agad ako dahil marami at ilang batches din ng mga turistang gustong magsurfing ang nakaschedule ngayong araw.Ngayon lang din ako nakaranas na ganito.Noon ay linggo-linggo akong nakatuka para mamalengke pero tingin ko ngayon ay aayaw muna ako.
"Marami kasing magpapasurfing lessons ngayon.Kayo nlng siguro muna nila ate."sabi ko na may himig ng pagpaumanhin kay yamyam bago nilingon si ate.
Tumango siya at ngumiti sa akin.
"Anong oras ba ang simula ng lessons ngayong araw?"tanong ulit ni yamyam.
Awtomatiko naman akong napatingala sa wall clock na nakasabit sa mismong dingding na kaharap ko...Mag aalas otso na,alas diyes ang umpisa namin.
"Alas diyes.Dadaanan ako ni Justin."sagot ko at nag umpisa namang magpunas ng lamesa
"Alis na siguro tayo,yam.Marami-rami rin siguro ang tao ngayon.Lalo na't linggo."ani ate hasna
Sumang-ayon naman si Yamyam kaya umalis na sila ni ate Hasna kasama si fumiya.Naiwan naman kami ni Jamie sa kusina at nagpatuloy sa paglilinis.Ginawa kong pampalipas oras ang paglilinis hanggang sa nagvibrate ang cellphone sa bulsa ko.
Kinapa ko ito at binuksan ang mensahe.
Gino:
Can't come later.
Agad naman akong nagtipa ng reply na "okay" at ibinalik ang cellphone bulsa ko sa pag aakalang di na ako makakatanggap ng reply galing sa kanya pero nagkamali ata ako ng magvibrate ulit ang cellphone ko at siya nga ang nagreply.Sino ba naman kasi ang mag aakalang magrereply siya,eh busy man daw siya.tss
Gino:
Let's do it now.
Napa ayos naman agad ako ng tayo sa nabasa ko.Seriously?ngayon na?
Napatingin naman agad ako kay jamie na tumingin lng din sa akin sa inasta ko.Nagvibrate ulit ang cellphone ko kasunod ng bago niyang mensahe.Gino:
I'm outside of your restaurant.Move faster woman!
Nataranta naman agad ako sa text niya.Sino ba naman kasia ng hindi matataranta eh parang naririnig ko ang boses niya sa tenga ko lalo na sa huling parte ng text niya.
Dali dali akong naghubad ng apron at lumabas sa back door ng kusina papunta sa bahay.
Habang nagbibihis ako naiimagine ko naa ang galit niya lalo na ang pagtagis ng bagang niya at ang malamig na titig niya.Kinabahan agad ako ng makumpleto ko ang imahe na iyon sa utak ko.
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...