CHAPTER 45:Galit

274 19 2
                                    

Gino's POV

"Pare,hindi pa namin siya nahahanap."imporma ni Argel sa kabilang linya.Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sinabi niya.Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.I'm a jerk!I know!I should have told her about my past with Tiara.Nauunahan lng ako ng takot na baka maisip niyang kaya hindi ko binanggit man lng sa kanya dahil may nararamdaman pa ako dito.Honestly speaking,I dont have any feelings for her.Ayaw ko lng na magulo kami ngayon ni Kiara.But I think,I was so wrong.I should have told her and trusted her.Alam ko namang hindi siya mababaw mag-isip at alam kong maiintindihan niya yet I chose to hide it from her.

Ibinaba ko agad ang tawag para hanapin ang nag-iisang numero na alam kong pinakahuling pag-asa ko.

I sighed heavily and dialed the number.Ginagapangan na din ng hindi ko mapangalanang kaba ang puso ko.Nakakatatlong ring na nang sagutin niya iyon.Parang umurong ang dila ko dahil hindi ko mahanap ang mga angkop na salita para sabihin dito.

"Hello?"malamig na usal sa kabilang linya.Nanlamig ako dahil doon at hindi ko maitatangging napanatag ako dahil sinagot niya ang tawag.

"Nan-nandiyan b-ba si Kiara?"utal na tanong ko.Bumuntong hininga naman ang nasa kabilang Linya.Natatakot akong nasira ko ang tiwala niya sa akin.Natatakot akong matapos nito ay siya na mismo ang aayaw sa akin para sa kapatid niya.

"Nagpapahinga na siya.Siya nga pala,bigyan mo ako ng account details mo.Huhulog-hulugan ko ang nabayad mo."usal niya pa.

Magkahalong dismaya at galit sa sarili ang naramdaman ko.Nadismaya akong mali ang pagkakaintindi niya sa ginawa ko at galit ako sa sarili ko dahil naging irasyunal ako at hindi ko naisip ang maiisip nila,maiisip niya.

Damn it,Gino!!

"Hindi na kai--"

"Dahil ba nakuha mo na ang kabayaran non?"galit na utas niya.

"No..w-what I mean is..."

"Ano?kulang pa ba ang kapatid ko?Kulang pa ba ang sakit na meron siya ngayon?Sagutin mo ako!!kulang pa ba?!!!"galit na galit na sigaw niya.

Napalunok ako at hindi nakapagsalita.Nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata.

"Takot ang kapatid ko na mahalin ka pero nilabanan niya iyon para sayo.Akala ko ikaw na ang taong magpapasaya sa kanya na kahit ako ay hindi napantayan ang sayang naibigay mo.Pero hindi lng siya ang binigo mo,pati ako,Gino."

Nanatili akong tulalang nakikinig sa kanya.Patuloy din ang pagtulo ng luha ko at nanginginig ang mga kamay habang nakikinig sa kanya.Gusto ko mang ibaba ang tawag ay hindi ko magawa dahil umaasa pa din akong sasabihin niyang kahit maliit ay may pag-asa pa ako.

"Sana ngayon ay huwag mo ng guluhin ang kapatid ko.Makakabangon din siya.Matapang ang kapatid ko kung hindi mo alam.Kaya niyang ibaon sa limot ang mga nangyari ngayon at magdasal kang hindi ka kasali doon,dahil sa panahong mangyayari iyon,hinding hindi ka niya lilingunin."

She ended the call and I remained unfaltering.Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nakalimutang nasa garahe ako ng bahay ko.Naging manhid ako sa sariling damdamin kahit na alam kong nagkapira-piraso ang puso ko sa pighati.Hindi ko alam kung bakit kakaibang pakiramdam ang pilit na pinapakiramdaman ko ngayon.Hindi ganitong namamanhid ako sa sakit noong namatay si mommy at nang iwan ako ni Tiara.Iba itong ngayon.Ibang-iba.

Natinag lamang ako nang tumunog ang cellphone ko.Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag.

"Pare,alam ko na kung ano talagang nangyari.Pumunta ka dito sa guard house ng subdivision mo."imporma ni Argel at agad nabuhay ang sistema ko.Mabilis akong tumalima at agad na tumakbo papunta doon.Hindi ko nga napansin pa ang bilis ko dahil agad akong nakarating doon.Padabog kong binuksan ang ang pintuan at nakita ko doon si Argel, Wealand at Akie.Nilingon nila ako pero pinagtuonan ko agad ng pansin ang footage kung saan nakita kong nandoon si Kiara.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon