"I'm so sorry... I'm so sorry Wealand..."humahagulhol na sabi ko.
Wla na akong pakialam sa sasabihin ng ibang nakakakita sa akin.Wala na.
"Hindi ka naman namin sinisisi.Tumahan ka na."pag-alo niya sa akin.Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko.Kung hindi ako nagpadala sa emosyon ko ay sana hindi siya nagkaganoon.Sana nagagawa pa din niyang ngumiti.Sana masaya pa din siya.
"Hindi,Wealand...ang tanga-tanga ko kasi at ang makasarili ko.Hindi ko man lng naisip ang posibilidad na iyon.Ang gaga ko."nakayukong sabi ko.
Wla na akong tapang na humarap pa sa kanila.Mas malala pa kay Tiara ang ginawa ko.Dapat ay magalit sila sa akin.
"Hindi ko mahihiling sayo na patawarin siya.Nasaktan ka din,alam ko yun.Pero sana huwag ka paring tumigil sa pagpapatawad.Mas sasaya ka doon,kia."sabi niya bago ako tinapik sa balikat.Hindi ko alam pero mas naiyak ako doon.Naiyak ako dahil kahit na kasalanan ko ang mga nangyari ay hindi ko man lng nakita sa kanilang galit sila sa akin.Nanatili pa din ang mainit na pagtrato nila sa akin.Na para bang wlang nangyari.Na para bang wla akong kasalanan.Mas naiinis tuloy ako sa sarili ko.
Tumunog ang cellphone ni Wealand habang umiiyak ako.Sinagot niya agad iyon na batid kong importante kung ano man ang sadya ng tumawag sa kanya.
"Boi"bati niya.
Napaangat agad ako ng tingin at pinahid ang luha ko.Alam kong si Argel iyon.Nararamdaman ko.
"Ano??Sige papunta na ako!!"aligagang sabi ni Wealand at pinatay ang tawag.Nag-aalangan naman siyang tumingin sa akin.Hindi alam kong sasabihin ba niya sa akin o hindi.O baka nag-aalanagan siya kung gusto kod din bang malaman.Hindi ko na siya hinintay pa at inunahan siya ng tanong.
"Anong nangyari?"kabado na ding tanong ko.
"Babalik na muna kami sa resort.Sorry kia.Masama akong bumalik ka na."paalam niya bago ako akmang tatalikuran pero hinigit ko siya agad.
"Please Wealand..anong nangyari sa kanya?"I pleaded.
"Nawalan siya ng malay dahil sa pagod.Hindi pa kasi siya gaanong nakakapagpahinga.Simula kasi ng mga nangyari ay pagod nalng ang nakakapagpatulog sa kanya.Huwag kang mag-alala,hindi namin siya pababayaan."usal niya bago ako tuluyang iwanan.Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko kung paano naging balisa sila Diana at Franki nang sinabi ni Wealand ang nangyari.Dali dali silang umalis at naiwan akong nakatulala doon.
Ano ba itong nagawa ko?Ano ba itong kagagahan nato?
"Kia.."
Nilingon k ang tumawag sa akin at nakita koa ang nag-aalalang mga mata ni Ate Hasna.Nagbadya na naman ang mga luha ko pero bago pa yun tumulo ay hinigit na niya ako palabas papunta sa bahay.Nang makapasok kami sa kwarto niya ay doon na ako tuluyang humagulhol ulit.
"Ate..ang tanga tanga ko..ang tanga tanga.."paulit ulit kong sabi habang nakatakip sa mukha ko ang palad ko.Maski kay ate ay nahihiya ako.Nagalit siya kay Gino dahil akin.Dahil sa kagagahan ko.
"Ssshhh...."pag-alo ni ate sa akin.Hindi siya nagtanong ni nagsalita.Niyakap niya lng ako at hinintay ang mga sasabihin ko.
"Nagpatingin siya sa maraming psychiatrist ate.Umiinom siya ng mga gamot.Nawawalan ng malay sa sobrang pagod at iyon lng ang nakakapagpatulog sa kanya."
"Ang babaw ko matapos isiping ako ang mas pinakanasaktan sa lahat.Ang babaw-babaw ko.Hindi ko man lng naisip ang epekto non sa kanya.Hindi ko man lng siya pinakinggan.He just want to be heard.He just want to be loved and accepted na hindi ko ginawa at mas pinanaig ang kakitidan ng utak ko."
"Ang tanga ko para mas paniwalaan ang iba kaysa sa kanya na mahal na mahal ko.Mas nakinig ako sa sinabi nila.Mas pinili kong maniwala sa kanila."
"Ano ang gagawin ko ate?ano?"pagsusumamo ko.Kulang nalang ay luhudan ko siya.
Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.Panay na din ang hagod niya sa likod ko at mas piniling pakinggan ako kaysa magsalita.
Ito.Ito ang pinagkait ko sa kanya.Pinagkait ko sa kanya na mapakinggan siya.Pinagkait ko ang tanging hiniling niya.
Sa patuloy na pag-iyak ko ay hindi ko man lng naramdaman ang pagpasok ni Hiro dala ang isang basong tubig.Ni hindi ko nga napansin ang paglapit niya.Patuloy lng ako sa pag-iyak hanggang sa maramdaman ko ang paghapdi ng mga mata ko at ang pagsakit din ng lalamunan ko.
Nakatulugan ko ang pag-iyak at nagising na namumugto ang mata.Hindi ko alam kung paano natapos ang party.Pagkagising ay agad akong lumabas sa kwarto ni Ate at dumeretso sa kwarto ko.Wlang tao kaya inakala kong nasa restaurant na sila.Pasado alas diyes na rin kasi ng umaga.
Mabilis akong naligo at nagbihis bago bumaba sa kusina.Nagulat ako ng madatnan ko doon si Ate na naghahanda ng agahan.Nang mapansin niya ako ay agad niya akong nginitian.
"Morning.Kumain ka na."nakangiting sabi niya bago inilapag sa harap ko ang sinangag,bacon,itlog at hotdog.
Tinitigan ko iyon bago tiningnan si ate.Nakatingin din siya sa akin.Puno ng pang-uunawa iyon at pagmamahal.
"Ate..."nagpipigil na iyak na sabi ko.
Agad niya naman akong dinaluhan at inalo.
"Iiyak ka na naman.Tama na.Hindi mo naman kasalanan lahat."pagpapagaan niya sa loob ko.
Pinigil ko ang paghikbi.Kahit panay na ang lunok ko para matanggal ang pagbabara sa lalamunan ko.
"Ano na ang gagawin mo ngayon?"maya maya ay tanong niya.Pinakawalan niya ako sa pagkakayakap niya at hinintay ang sagot ko.Nagbaba ako ng tingin para iwasan ang tanong niya.
Hindi ko kasi alam.Hindi ko alam kung ano ang gagawin.Naduduwag ako.Nahihiya ako.Wala akong mukhang ihaharap sa kanya.Ang kapal naman ng mukha ko para magpakita pa sa kanya.
"Hindi ko kayang humarap sa kanya,ate.Baka hindi ko kayanin ate at bumigay ako."naging bulong nlang ang huling sinabi ko.
Hindi siya nagsalita.Kaya tiningnan ko siya.
"Natatakot ako sa magagawa ko kapag nakita ko siya ate.Natatakot akong....natatakot akong.."
"Natatakot kang ungkatin ulit ang nararamdaman mo sa kanya, diba?Natatakot kang alisin ang galit diyan sa puso mo dahil alam mo bibigay ka ulit sa kanya."dugtong niya sa sasabihin ko.
Hindi ako nakapagsalita.Natahimik ako doon.Ayaw kong aminin na baka tama siya.Baka takot akong bumigay ulit.Takot akong ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa kanya na hindi ko naman itinigil.Natabunan man iyon ng galit pero alam kong hindi na mawawala sa sistema ko ang pagmamahal ko sa kanya.Nakaukit na yon sa puso ko na kahit na anong gawin ko para burahin iyon ay hindi ko magagawa.
"Walaa akong karapatan para pangunahan ka,Kia.Pero lagi mong isipin na nandito lng ako at laging susuporta sa kung ano man ang desisyon mo.Huwag mo ng sabihin na kasalanan mo lahat.Oo,may kasalanan ka pero may kasalanan din siya.Pareho kayong may kasalanan dito kaya sana pakinggan mo siya.Pinagkait mo na iyon sa kanya dahil pinangunahan ka ng galit mo.Maski ako ay nagalit dahil isinalba niya ang restaurant ng hindi nagsasabi sa atin.Pero Alam kong may rason siya at kahit na malaki o maliit iyon,karapat dapat pa din iyong pakinggan.Pakinggan mo siya bago mo pa pagsisihan ang pagiging bingi doon."may bahid ng lungkot na sabi niya.
Napapikit ako dahil ramdam na ramdam koa ang pagiging istupida ko.Bakit hindi ako nag-iisip?bakit nagpadala ako sa galit?
Yes,dahil nasaktan ako.Natakot ako at naduwag.Dahil sa pagpadalusdalos ko ay naging kapalit noon ang pagdurusa niya.Nagyon ko kng narealized na ni minsan ay hindi niya ako nagawang saktan.Siya yung klase ng tao na mas pipiliing masaktan siya kaysa ang iba.He was that selfless.He was that good and I took that advantage to hurt him,to crushed him.Napakawalang awa ko.
Napatayo ako kaya napatingala si ate sa akin.
I want to see him.I want to see how he struggled overcoming everything.Because starting from now on,I won't hold back.I won't just sit here and let him struggled alone.I won't let him experience the pain again.
I want to be with him.I want to be beside him and I want to be there during his struggles because I want him back.I want him so damn back!
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...