CHAPTER 31:behind his coldness

336 17 3
                                    

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya kaya buong maghapon akong lutang at minsay tulala pa.Pumapalpak pa ako minsan dahil mali malia ang lamesa ang pinagdadalhan ko ng pagkain.Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa si Ate at inakala atang baka pagod lng ako.

Pagod naman talaga ako.Pagod kakaisip.Tss.Ewan ko ba pero hindi ko magawang pangaralan ang sarili dahil mismong ako ay masaya sa sinabi niya.Na kahit na galit ako sa kanya ay kaunting paawa lng ay nawala agad.Takot akong pangalanan ang nararamdaman kong ito.Takot ako na baka ako lng ang nakakaramdam nito.Takot ako na baka sa huli ay masaktan lng ako.

Ang sayang naramdaman ko ay unti unting napalitan ng lungkot.Samu't saring 'paano' ang nag-unahan sa utak ko.

Paano kung wla naman palang ibig sabihin to?paano kung ako lng ang nag-assume na may ibig sabihin to?at paano kung hindi niya ako gusto?

Sa huling 'paano' na iyon ay tila napangalanan ko na ang pakiramdam na takot akong pangalanan.Ngunit kasabay din non ay ang mas lalong pagbigat ng puso ko.

Bakit ba langit ang hinahangad mo,kiara?Alam mo namang lupa ka lng.Ni hindi mo nga kayang maging building man lng para kahit papaano'y makataas ka man lng.

Natinag ako sa pag iisip ng isang katok ang narinig ko.Agad akong bumangon at pinagbuksan ang taong kumatok.

Bahagyang ngumiti si Ate Hasna nang pagbuksan ko siya.Pinapasok ko siya at naupo kami sa kama ko.Tatanungin ko na sana siya kung anong sadya niya nang nauna niyang haplusin ang buhok ko.Napatingin ako sa kanya kaya bahagya siyang ngumiti.

"Nagugustuhan mo na,no?"bigla ay tanong niya.

Hindi agad ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya.Nang wlang sagot na nakuha saa akin ay bahagya siyang tumawa.

"Ako pa ba ang hindi makakapansin,kia?"nanunukso man nandoon pa din ang ngiti sa kanyang labi.

Alam ko man ang ibig niyang sabihin ay hindi na ako umimik pa.Panapaalam na ang katahimikan ko ang sagot ko.Napayuko nalng ako at nilaro ang daliri ko.
Patuloy pa din ang paghaplos niya sa buhok at hindi na pinakialam ang pananahimik ko pero ako na ang bumasag doon.

"Basta yun nlng ang naramdaman ko,ate."sabi ko na yun na ang paliwanag ko sa lahat.

Hindi siya nagsalita kaya napatingala ako sa kanya.Nakangiti siya sa akin na para bang hindi iyon problema.

"Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya,ate.Hindi pwede."utas ko

"Bakit naman hindi?"

"Kasi mayaman siya at hindi ako nababagay sa kanya.Masyado mang cliche pero yun ang katotohanan,ate."paliwanag ko sa kanya.

"Ano ang gagawin mo kung ganon?iiwasan mo yung tao?"sabi niya na nahuhulaan ata ang nasa isip ko.

Dahil nahihiya akong aminin mismo sa harap niya ay umiwas ako ng tingin.Nakalimutan kong maliban kay mommy ay isa si ate sa higit na nakakakilala sa akin.

"Bakit mo naman siya iiwasan,kia?wla namang ginagawang masama yung tao."sansala niya.

Umiling iling ako sa sinabi niya.

"Mas mabuting umiwas ako ate.Kaysa mas lumalim pa to tapos aasa lng ako."tugon ko na nanatiling hindi nakatingin sa kanya.

"Nasasabi mo yan kasi hindi mo nakikita kung paano ka niya tingnan,kiara.Hindi mo alam kung paano ka niya pagmasdan habang nag aasikaso ng mga customers.Higit sa lahat,hindi mo alam kung paano ka niya tratuhin.Nakita ko noong gabing hinatid ka niya kung gaano siya kaseryoso habang tinitingnan ka.Para kang isang napakalaking puzzle para sa kanya kiara."mahabang sabi ni ate.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon