CHAPTER 34:Heal

308 25 9
                                    

Kiara's POV

Hindi ko magawang mahtanong kay Gino kung anong nangyari sa mukha labi niya dahil natatakot ako sa ekspresyon niya.Magkasama nga kami ngayon ay magkasalubong ang mga kilay niya malamig ang nga mata.Panay naman ang pakikipag usap niya sa kakilala niya.Kahit na kadalasan ay ang mga tanong nito ay kung bakit umalis ng biglaan ang daddy nito.

Nakita ko siyang nakasunod sa daddy niya kanina kaya alam kong may nangyari sa kanila kanina sa opisina niya at dahil din sa sugat niya sa labi.

Nilibot ko ang tingin ko at nahagip nang mata ko ang mapanuring mata nung Tiara.Tinaasan niya ako ng kilay  kaya umiwas ako ng tingin.Naalala ko agad ang mga sinabi niya sa akin noong nagkaabot kami sa C.R kanina.


"So,you are Gino's toy,huh?"isang tinig sa likod ko ang nagsalita.Bahagya akong nakatungo kaya hindi ko nakita agad ang nagsalita.Pag angat ko ng tingin ay nakataas ang kilay niya akong tiningnan.Pupurihin ko na sana ang ganda niya pero dahil sa ugali niya ay hindi na.

"Anong kailangan mo?"kalmadong tanong ko habang tinatapos ang paghugas ng kamay.

Nang matapos ako ay hinarap ko siya.Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Tss.How cheap are you.Ano bang nakita ni Gino sayo?."pang iinsulto niya.

Umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil nanginit ang mukha ko sa sinabi niya.Bwesit!!

"Kung anong nakita din niya sayo.Cheap ako diba?so cheap ka rin?"utas ko at ibinalik ang pang iinsulto sa kanya.

Nagiba naman agad ang  mukha niya sa sinabi mo.Kung akala niyang hindi ko papatusin ang pangiinsulto niya ay nagkakamali siya.

"How dare you compare yourself to me!!"galit na utas niya.

Nginisihan ko lng siya at tinalikuran.


Napailing nalang ako sa mga sinabi niya.Kung nagustuhan siya ni Gino at kung inaakala niyang ganoon din ako ay pareho pala kaming cheap.Napaisip naman ako sa ideyang naisip ko kanina.Gusto?May parte sa aking humihiling na sana ay ganoon nga pero kumpara kay Tiara na hindi ko maikakailang maganda at may kaya sa buhay ay wla akong sinabi kumpara sa kanya.Bumigat ang puso ko matapos iyon matanto.Kanina ko pa sana gustong umuwi kaya hinanap ko siya kanina.Ang ibang kaibigan naman namin ay may mga kausap din.Alam kong nasa parehong mundo lang sila Diana kay Gino pero hindi ko inakalang pati pala si Akie na nag iimport pala ng iba't ibang klaseng wine.Si Argel naman ay isa palang arkitekto na nagtatrabaho kila Gino dahil sa real estates and hotels nila.Si Wealand naman na akala ko puro kalokohan lng ang alam ay engineer pala.Ito ang kanang kamay ni Argel kaya nasa iisang kompanya lng sila.Hindi ko man alam kung paano sila nagkakilala lahat noong college kahit na iba iba ang kurso nila ay palaisipan pa din sa akin.Nanliit tuloy ako kapag natatabi sa kanila kahit na dalawang kurso ang natapos ko.Business Management at HRM.Pero sa success na tinatamasa nila ngayon ay feeling ko ay wla nga akong binatbat sa kanila.Hindi sa kinakawawa ko ang sarili ko kundi yun ang totoo.Hindi talaga nasusukat ng kung ilang kurso ang natapos mo,kundi kung magiging matagumpay ka ba sa napili mo.

Sa bagot ay napatingin ako sa cellphone ko at pasa alas onse na pala kaya nakakaramdam na ako ng antok.
Unti unti ma ding umaalis ang mga tao dahil malalim na din ang gabi.

Isang haplos ang bumuhay sa patulog ko nang diwa.Nang tingnan ko ito ay si Gino na nakangiti ang sumalubong sa paningin ko.Umayos agad ako ng upo at tumingin sa kanya.

"Are you tired?"banayad na tanong niya.

Kahit na totoong pagod at masakit na ang paa ko ay umiling -iling ako.

Bahagya siyang napatawa bago hinaplos ang ulo ko.Napatulala naman ako sa ginawa niya.

"Silly.I know you're tired.Halika,ihahatid na kita."sabi niya habang nakangiti pa din at inalalayan akong tumayo.Senyas lang ang ginawa niya sa mga kaibigan niya at tumango naman ito bago ngumiti sa akin.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon