CHAPTER 28:Kiss

333 24 3
                                    

Nagkakayayaan pa silang mag inuman nang mapansin kong malapit ng mag alas diyes.Nagdesisyon na akong umuwi dahil nangako ako kay ate na hindi ako gaanong magpapagabi.Habang inayos ko ang sarili ko ay doon ko lang napansin na basa pala ang dulo ng damit ko.Kunti lng naman at bahagyang tuyo na dahil narin siguro kanina pa ito.Isinukbit ko ang sling bag ko sa balikat ko at naunang lumapit kina Diana at Franki na nasa tabi ang kapatid ni Gino.Ito ang unang nakapansin sa akin at sinabihan sina Diana sa paglapit ko.

"Kailangan ko ng umuwi.Gabi na kasi.Baka hinahanap na ako ni ate."paalam ko sa kanila.Nagpout naman si Franki sa sinabi ko.

"Bukas ka nlng kaya umuwi kia?Sa kwarto ka an namin matulog."suhestiyon naman ni Diana.

"Maaga pa kasi ako bukas.Marami kasing turista ngayon.Kailangan ako kasi kulang kami sa tao eh."paliwanag ko naman dito.

"How about we'll help you tomorrow?"saad naman ni Franki.

Gusto ko man ng tulong ay alam kong libre naman iyon.Atsaka kahit pa kaibigan ko  sila ay hindi ko naman sasamantalahin ang kabaitan nila.Laki sila sa rangya kaya alam kong wla silang alam sa trabaho.

"It's okay,Franki.We can manage.Kailangan ko na talagang umuwi eh."tanggi ko pa sa kanila.

Nagkatinginan ang magkapatid at parehong naghahanap ng rason para makumbinsi ako.

"Huwag ka munang umuwi,Kia."sabi ni Wealand na biglang sumulpot sa likod ko.

Sa sinabi niya ay nakuha namin ang atensiyon ng iba pang kaibigan.

"Maaga pa kasi ako bukas eh.Pasensiya na."pilit ang ngiting sabi ko.

"Paano ka ba namin mapipilit kia?"singit na din ni Argel.

"Sorry."tangging na sabi ko.

Gusto ko mang manatili pero naiisip ko din kasi sila ate Hasna na mahihirapan bukas lalo na at kung dito ako magpapalipas ng gabi ay baka tanghali na ako magising.Ayaw ko naman na isipin nilang nagpapabaya na ako.Maiintindihan ako ni Ate pero ayaw ko talagang maging unfair sa kanila.

"Ihahatid na kita."sabi ng isang boses sa likod ko na may pinalidad ang pagkakasabi.Wla nang nagawa ang iba kundi ang magpaalam sa akin.Bumati ulit ako kay Wealand saka tuluyan nang lumabas ng resort.Sa labas nakaabang si Gino na nakahilig sa kotse niya.Nang makita ako ay nauna na niyang binuksan ang pintuan para sa akin.May kung anong humaplos sa puso ko.Pangatlong beses na niya akong pinagbuksan ngayong araw.At ang pagiging banayad ng pakikipag-usap niya sa akin mula kanina ay palaisipan sa akin.Dahil ba to sa mga kinain niya?Naging mabait siya sa akin simula ng lutuan ko siya ng japanese food.Dahil ba to doon?Araw-araw ko na ba siyang lulutuan para maging mabait siya?

Pinilig koa ang ulo ko kasabay ng pagsakay ko sa kotse niya.

Bakit ko naman siya lulutuan para lng maging mabait siya sa akin?tss.Ano naman kung magsungit ulit siya?Hindi ko naman na siya makikita ng ilang araw.Sa susunod na linggo pa naman.
Kaya wla na akong pakialam kung magsungit siya buong linggo.

Tahimik kami pareho hanggang sa nasa tapat na kami ng restaurant namin.Binaklas ko agad ang seatbelt ko at naunang lumabas.Lumabas dina siya pero nasa bukana lng ng kotse niya.

Nakatingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Salamat sa paghatid.Mag-iingat ka sa pag-uwi."paalam ko dito.

Tumango siya at akala ko ay aalis na siya pero lunapit siya akin kaya napatanga ako.Isang mabilis na halik sa pisngi ang igininawad niya sa akin.Parang sumabak naman ako sa karera nang parang tinambol sa lakas ng pagpintig ang puso ko.

"Bye.Thanks for today.See you tomorrow."paalam niya na din at tinalikuran ako para sumakay sa kotse niya.Bumusina siya kaya natinag ako at bahagyang kumaway sa kanya.Nang makaalis siya napahawaka ako sa pisngi kong hinalikan niya.

Malakas pa din ang tibok ng puso ko.Hindi ko din maipaliwanag ang kiliti na naramdaman ko sa tiyan ko.Godness!!ano to?

"Kia."

Agad akong lumingon at nakita ang humihikab na si Ate sa may pintuan ng restaurant namin.Inayos ko ang sarili ko bago lumapit sa kanya.

"Oh!bakit gising ka pa ate?"tanong ko.

"Inayos ko lng ang pinamili namin kanina nang makarinig ako nang tunog ng sasakyan kaya tiningnan ko na kung ikaw ba,ikaw nga."sagot niya at humikab ulit.Niyaya ko na si Ate para umuwi na.

Pagdating namin sa bahay ay agad akong naglinis ng katawan.Habang naglilinis ng katawan ay napapangiti ako nang maalala ang mga nangyari sa araw na to.Masyadong mahaba para sa akin ang araw na to.Una ay ang pagtatalo namin ni Gino,ang pagdating ng kapatid niya at ang hapunan namin para icelebrate ang birthday ni Wealand.Hindi rin nakaligtas sa isipan ko ang narinig ko na sagutan nila sa kusina kanina.

Alam kong may malalim na pinag uugatan ang galit niya sa kapatid niya.Siya lng ata ang may galit dito dahil maayos naman siya kung pakitunguhan ng kapatid niya.Nang kumain kami kanina ay nandoon din naman ito at maayos naman ang relasyon  niya sa iba pang kaibigan nila.Ano kaya ang ikinagagalit niya dito?

Napangiti ako ng maalala ko din ang saya ni Wealand ng kumpleto sila kanina dahil sa pagdating ni Akie.Alam kong mabait si Akie kahit na hindi naman siya kasing ingay nila Wealand at Argel.Mas tahimik siya kaysa sa mga ito.Huli kkng naalala ang sinabi ni Gino sa akin bagos siya umalis.

see you tomorrow?hindi naman kami magkikita bukas ah..sa mga susunod na araw pa.Baka mali lng ako ng narinig dala ng pagkakabigla sa paghalik niya.Nang maisip ko ang halik niya ay hindi ko mapigilan ang pag init ng pisngi ko.Nahalikan na ako ng ibang lalaki sa pisngi pero ba't iba ata ang epekto ng halik niya?

Nakatulugan ko ang pag-iisip noon at nakalimutan na iyon kinaumagahan dahil naging abala kami sa restaurant.Hindi na nga kami gaanong nag iimikan dahil lahat kami ay nakafocus sa mga ginagawa namin.

Marami na kaming naging customers kahit alas diyes palang ng umaga.Sunod sunod din ang pagtunog ng chimes na sinabit namin sa pintuan.May ibang lumalabas at may ibang papasok.Mas lalo akong ginaganahan dahil kompyansa akong mababayaran ko na sa wakas si Mr. Montano.

Kinahapunan ay tili ni Franki ang nagpatigil sa akin sa pagpunas ng lamesa.Sunod sunod din ang pagtunog ng chimes at pagpasok ng iilang tao.

Una kong nakita Si Franki at Diana na kumaway sa akin bago dumungaw si Wealand sa may balikat ni Franki.Kaway naman ang ibinati ni Argel sa akin habang may sinasabi kay Akie.Nagtama naman ang mga mata namin ni Akie at nginitian ang isa't isa bago dumako ang tingin ko sa huling taong pumasok.

Parang tinambol naman ang puso ko sa lakas ng pintig nito.Kasabay non ay ang pagtama ng mga mata namin at nanariwa sa alaala ko ang halik na iginawad niya sa akin kagabi.

"Diyos ko po.."mahinang naiusal ko.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon