Kiara's POV
Maaga nga kaming umalis kinabukasan.Nakumbinsi niya din ako sa huli lalo na at mismong si ate ang nagsabing okay lng na sila sila lng ang tatao sa restaurant.Kaya nang magpaalam si Gino sa akin na uuwi na ay ngiting tagumpay ito.Pinabayaan ko na lng siya dahil pagod na akong makipagtalo sa kanya.Natulala pa nga ako ng hinalikan niya ako sa noo bago umalis.Nalusaw naman ang puso ko dahil sa ginawa niya.Grabeng respeto ang naramdaman ko sa ginawa niya kaya nakatulog ako na may ngiti sa labi ng gabing iyon.
Halos isang oras na kaming bumabyahe at hindi ko siya magawang imikin.Nasa isip ko pa din kasi ang mga sinabi niya kagabi at paulit ulit ko yung naiisip.
"Are you hungry?"biglang tanong niya.
Umiling iling ako bilang sagot.Hindi naman na siya umimik pa.Pero pagkadaan ng ilang minuto ay nagsalita na namans siya.
"Can you talk please,kiara.It's making me insane thinking what's running inside that beautiful head of yours!"banayad na sabi niya.
Nakaramdam naman ako ng hiya kaya pinilit kong ngumiti at pagkatapos ay humarap sa kanya.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?"tanong ko.
"Anything.Basta tungkol sayo."sagot niya habang ang mata ay nakatingin pa din sa daan.Dala namin ang kotse niya kaya siya ang nagmamaneho.
"Hmmm.Dalawa ang natapos kong kurso."
"Really?what are those then?"
"Business Management and HRM.Sa Japan ko tinapos ang HRM course ko while sa Manila ang isa."dagdag ko pa.
"Sa Japan ka ba lumaki?"
"Oo while si ate dito.Nasa grandparents ko ako lumaki pero umuuwi naman ako dito kapag bakasyon."
"So you're fluent in Japanese language,then?"
"Yeah.I live almost half of my life there.Kaya naging bihasa din ako sa lenggwahe nila."sagot ko.
Tumitingin ako sa nadadaanan namin habang nag uusap kami habang nasa kalsada lang ang tingin niya.
"So what made you decide to take up your course?Dahil ba sa restaurant niyo?"bigla ay natanong niya.
"Kind of.Pinili ko ang courses na yon kasi iilang restaurant sana ng grandparents ko ang mamanahin ko.Pero talagang may mga sakim na gustong akuin lahat eh."hindi mapigilang kwento.Hindi naman siguro masamang idea na sabihin sa kanya tutal hindi naman siguro bago sa kanya ang ganitong estorya.Marami namang ganito lalo na sa mundong kinabibilangan niya.
"Bakit?"kuryosong tanong niya.
May mapait na ngiti akong napatingin sa kanya.
"Inako ng tito ko ang iba nang mamatay ang lola at lolo ko.Habang ang dapat ay kay daddy naman ay ibinenta niya rin kay tito nong magkasakit si mommy.Ewan ko pero nakuha niya iyon sa hindi na legal na paraan.Dahil anak siya ay dapat may mapunta sa kanya imbes na sa akin.Hindi nga namin nakita kung anong nakasulat sa last will ng grandparents ko.Namatay din kasi ang abogado nila ilang taon pagkatapos mamatay nila lola at lolo sa isang aksidente."mahabang paliwanag ko.
Kung noon ay hindi ako nanghinayang patungkol sa mga restaurant...ngayon ay nanghihinayang na ako...
"Kung ang nakasulat sa last will ng grandparents mo na sayo mapupunta ang mga restaurants ay mababawi mo iyon sa tito mo.All you have to do is trace back the last will.Siguro naman ay may pinagbilinan na ito.And bakit hindi niyo agad kinausap ang abogado kung ilang taon pa naman bago siya namatay?"
"Sa mga taon ding iyon kasi nagkasakit si mommy.At nang mamatay siya,grabe ang pagluksa ni daddy kaya nang magkita ulit sila ni tito ay nakapangalan na sa kanya ang mga iyon."
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...