CHAPTER 62:Safest place

496 27 10
                                    

Kiara's POV

"Kia."

Agad kong naiangat ang tingin ko mula sa mga papel na tinitingnan ko papunta sa taong kakapasok kng ng opisina ko.

"Argel!!"masayang bati ko dito.

Tumayo agad ako para salubungin siya ng yakap.

"Miss na miss ah."asar niya sa akin kaya hinampas ko siya.Tinawanan niya lng ako kaya umirap ako bago bumalik sa upuan ko.

Pinaupo ko naman siya para malaman agad ang sadya niya.

"Oh?anong sadya ng pambansang architect natin?"pang-aasar ko din sa kanya.Ngumiti ang loko bago pinagpagan pa ang kanyang longsleeves.

Ang hangin!

"Eto,inutusan ng magaling kong kaibigan.Anim na taon din akong inalipin nun!"maktol niya bago sumimangot.

Alam kong nagbibiro lng siya pero hindi ko maiwasang maapektuhan sa sinabi niya.Nang mapansing hindi ako natawa ay nakita ko king paano siya nataranta at agad na inilahad sa akin ang folder na dala niya.

"Y-Yan yung hiningi mong files tungkol sa kompanya."may utal na sabi niya.

Imbes na buklatin ang folder na dala ay mas pinili kong kunin ang cellphone ko para alamin kung anong oras na.

Pasado alas onse na ng tanghali.

Agad ay tinawagan ko si Shikinah para alamin kung kumusta na si Akira.

Sa pangalawang ring ay doon niya iyon sinagot.

"Konnichiwa oneesan!!Napatawag ka?"masiglang bati niya.

"Si Akira,kumusta?"tanong ko dito bago inumpisahang buklatin ang folder.Nakita ko ang  buong kinita ng kompanya sa loob ng isang taon.

"She's okay!katatapos niya lng kumain.Ayaw na ata nitong umuwi eh."may birong sabi niya.

Napangiti ako saka tiningnan kung ano ang nasa sunod na page ng folder.Si Argel naman ay nanatiling nakikinig at nakamasid sa mga ginagawa ko.

"Sayo na muna siya,Shi.Kung may gagawin kang importante,tawagan mo nlng ang kuya mo.Nagkausap na kami tungkol diyan."imporma ko.

"Yes,sure!"

"Bye,ingat."

"You too."

I ended the call before standing up.Iniligpit ko muna ang folder sa loob ng drawer ko bago ko kinuha ang bag ko.

I looked at Argel.Kita ko ang pagtataka sa inasal ko.

"Can you drive me to the company?"I asked.

Tumango tango naman siya at agad na naglahad ng kamay para paunahin ako.

"After you,madame."sabi niya at bahagya oang yumuko.

Pagkalabas namin ay binati kami ng mga empleyado.Ngiti lng iginanti ko sa kanila.

Nang nasa parking lot na kami ay pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya umikot at sumakay din.

Tahimik kaming umusad palabas ng kompanya.Panay naman ang tingin ko sa orasan  ng cellphone ko.

Kumain na kaya siya?

"Huminto tayo sa unang restaurant na madadanan natin.Bibili lng ako ng pagkain."sabi ko sa kanya.

"Sige."walang tanong na sagot niya.

Hindi na agad kami nag-imikan dahil siguro napansin niya ang pananahimik ko.Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon