Lahat ng kaba at takot ko ay nawala nang makita ko siyang tumawa habang lumuluha.Nakatingin siya sa limang PT na hawak at hindi nawaksi ang kanyang ngiti.Napatingin din ako doon at nakita kung nanginginig ang kamay niya.
"I-I am a f-father now.."mahinang usal niya.Namamangha pa din sa nalaman.Napalitan ng saya ang takot sa puso ko.Ang makita siyang wlang pagsidlan sa tuwa at saya ang siyabg nagpatunaw sa mga takot ko.
Nakangiting pinunasan ko ang mga luha ko habang nakatingin pa din sa bawat pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.Tinatandaan ko ang mga pagbabagong iyon dahil gusto kong ikwento sa magiging anak namin kung gaano kasaya ang kanyang ama sa pagdating niya sa buhay namin.
"I'm a father now!"ulit niya pa bago ako sinunggaban ng yakap.Pinugpog niya ng halik ang mukha ko kahit na tumutulo pa din ang kanyang mga luha.
"I'm so happy.I can't explain what I am feeking right now.Thank you,darling."bulong niya sa aking labi.
Wla ring pagsidlan ang saya ko.Magiging ina na ako at magkahalong sabik at kaba ang nararamdaman ko.
Pinunasan ko ang mga luha niya at dinampian siya ng halik sa labi.Pinagdugtong niya naman ang mga noo namin at halos mapunit na ang labi sa kakangiti.
"I'll be a good father.I will be,darling.Mamahalin ko siya gaya Ng pagmamahal ko sayo,kay mommy at kay lola.Ibibigay ko ang lahat-lahat sa kanya.Pangako yan."sabi niya at hinalikan ang tungki ng aking ilong.
"Alam ko.Magiging mabuting tatay ka.Mamahalin natin siya gaya ng pagmamahal natin sa isa't isa.Bubusugin natin siya sa pagmamahal."nakangiti ring sabi ko.
Binitiwan niya ako at pinaupo sa upuan.Natawa ako nang pati pagkakapwesto ng kinauupuan ko ay sinigurado niyang ligtas iyon.Pinagsilbihan niya ako na para bang reyna ako na pati pagsubo ko ay siya pa ang gumagawa.
"Buntis lng ako,darling.Hindi naman ako lumpo.Kayang kong sumubo,okay?"natatawa kong sabi.
Tumawa lng din siya at umupo sa tabi ko.Bago magsimulang kumain ay inutos niya sa secretary niya na tawagan ang isang OB para sa isang appointment ngayong umaga.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil mas preparado siya kumpara sa akin o maiinis ako dahil OA na siya.Natapos nlng ako sa pagkain pero nakaalalay pa rin siya sa akin.I am not complaining.I'm even grateful that he took so much care about my condition.Ang OA lang kasi talaga.
"Watch your steps.Baka madulas ka.Kung samahan kaya kita sa pagligo?"suhestiyon niya na lalong ikinainis ko.Gusto ko siyang batuhin ng shampoo kung hindi lng din ako nag-iingat.
"Lalabas ka o ako ang lalabas at lalayasan kita?"iritang-irita na singhal ko.
Natinag naman siya doon at iniwan ako ng tuluyan.Habang naliligo ay hindi ko rin maiwasang matawa lalo na kapag naiimagine ko kung paano kaya siya ka protective sa anak namin.Baka hindi niya na palakarin sa lupa.tss.
Suot ang robe ko ay lumabas ako ng banyo at halos atakehin ako sa gulat dahil aligaga siyang nakaabang sa harap ng pinto.Nakacrossa ng kanyang braso at talagang inaabangan ako.
Hindi ako mapapahamak sa dulas ng tiles ng banyo kundi sa niyerbiyos ko sa kanya.Gusto ko tuloy pagsisihan na sinabi ko sa kanya ng ganito kaaga."For pete's sake, Roque!Lubayan mo nga ako!!Naiinis ako sa pagmumukha mo!!"sigaw ko sa kanya bago siya tinulak at nagmartsa papasok sa walk in closet namin.Hindi ko na siya pinagsalita pa kahit nakasunod siya sa akin.Deretso kong sinara ang pinto at nagbihis.
I wore a dress that extends just below my knee.Kahit alam kong pwede namang magpantalon pa ay mas pinili kong magdress.Hindi ako papasok sa opisina ngayon dahil na cancel na ni Gino ang mga nasa schedule ko today bago ko pa naman magawa.He cleared his schedule too.
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...