CHAPTER 24:

363 19 5
                                    

Kiara's POV

Natuod ako ng marinig ang sinabi niya..

A-ano daw??

Anata no utsukushī??

Tama baa ang narinig ko?For the first time ay pinagdudahan ko ang pagiging marunong sa salitang japanese.Mali ata ako ng pagkakarinig.Bakit naman niya ako sasabihan ng salitang iyon.

Natinag lamang kami pareho sa pagkakatitig sa isa't isa nang tatlong katok ang pareho naming narinig.Sasakupin ko na sana ang buhok ko galing sa mga kamay niya nang di niya ito binitawan.Sa halip ay nagpatuloy siya sa pag-aayos non habang ako ay lumipad ang tingin sa pintuang bumukas.

Di maipaliwanag na awkwardness ang naramdaman ko ng magtama ang mga mata namin noong babaeng sumundo sa kanya kanina.Dahil sa naramdaman ko ay agad akong nagbaba ng tingin.Eksakto namang natapos din si Gino sa pag aayos ng buhok ko.Hindi pa siya nakuntento ay bahagya niya pang inayos ang pagkakatali non na mas lalong nagparamdam sa akin ng pagkakailang habang nanatili akong nakatingin sa babae na mataman lng ring nakamasid sa amin.

Mygod!!!

Isang tikhim naman ang ginawa ng babae kaya napalingon sa kanya si Gino.

"Good afternoon,sir."nakangiti nang bati nito sa kanya.
Ako naman ay nagpatuloy sa naudlot naming pagkain at pilit na kinakalimutan ang nangyari kanina.

Kalimutan mo na yon,kiara!!wla lng yun..mali ka lng ng pagkakarinig.

"May iilang proposals na ipapadala sa opisina ko sa maynila.I want you to look after it.Decline those that don't hold good and send me those you think is good."sabi ni Gino at kagaya koy nagpatuloy na rin sa pagkain.

"Okay,sir.How about your meeting with Mr.Gomez,sir?Itutuloy ba?"tanong nito na panay tipa sa dala nitong tablet.

Nanatili akong nakikinig sa kanila at panay nguya sa aking kinakain.Nang makarinig ako ng buntong hininga ay nilingon ko si Gino.Napatitig ako sa kilay niyang salubong na.Isa sa nagpapasungit sa kanya.

"Kailangan uuwi si dad?"

"Wla pa pong sinasabi si Chairman,sir.Narinig ko mula sa Opisina niya na may titingnan pa raw itong sight sa Singapore."

"Okay.Schedule our meeting next week after kong buksan ukit itong resort."saad pa ni Gino.

Tumatango naman yung babae na ngayon ay nahuhulaan ko na kung kaano ano ni Gino.This girl must be his secretary.

"Uhm..by the way sir,nasa baba po si sir Sky."naiilang na sabi nito sa kanya.

Palihim naman akong nagtaka.Sino ba yon?bakit iba ata ang reaksiyon nitong babae.Sa taka ko ay napatingin rin ako kay Gino.Nagtagis na ang bagang niya at ibinaba ang platong pinagkakainan.Mas lalong akong nacurious kung sino ang Sky na iyon at bakit ganito nalang ang reaksiyon niya.

Nakikita ko ang galit sa ekspresyon niya.

"Thank you,Mae.Stay for tonight.May inihanda na akong kwarto para sayo."sabi nalang ni Gino na tinanguan ng kanayang sekretarya bago ito umalis.

Sunod sunod na bumuntong hininga siya at hinilot ang kanyang sentido.May mga sinasabi din siyang di ko naririnig.Nanatili akong nakatingin sa kanya at halos di na sinusubo ang pagkain ko.Nag uumapaw na ang kagustuhan kong malaman kung sino iyon.Ibang Ginoa ang nakikita ko ngayon matapos mabanggit ang pangalang iyon.

"Eat up.May gagawin pa tayo pagkatapos.Is it okay with you?"

Napatanga naman ako sa banayad na pagkakasabi niya noon.Wlang galit at mas lalong wlang lamig.

"O-oo..hindi naman yon illegal no?"

Bago ko pa man mapigilan ang sarili kong bibig ay nasabi ko na iyon.Palihim kong kinutusan ang sarili ko dahil doon pero pilit akong ngumiti ng bahagya siyang natawa.

Geez.First ko atang narinig to.Nananaginip ba ako?

"Silly.Do you think I do something illegal?"nakangiting tanong niya.

Napakagat labi naman akong umiling.Ba't ba kasi nasabi ko yon!mygod,Kiara!di ka nag iisip.

"Tss.Finish your food.Marami pa tayong gagawin for Wealand's birthday."

Namilog naman agad ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Birthday pala ngayon ni Wealand?sana pala ay binati ko na siya kanina."usal ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Yeah,I am planning to set a small dinner for him."

Tumango tango naman ako at nagpatuloy sa pagkain.Pareho na kaming tapos kumain ng may kumatok ulit.

Pumasok ang may katangkarang lalaki at una siyang tumingin sa akin bago tumingin kay Gino.Tumingin rin ako kay Gino at nakita ko ang pag igting ng kanyang panga at ang pangunguyom ng kanyang kamao.Pansin ko rina ang unti unting pagbigat  ng atmosphere sa buong silid.

"Gino."utas niya.

Mataman siyang tinitigan ni Gino.Hindi man lamang tinugunan ang pagbati nito.

Hindi ko alam kong napahiya ba ito sa  pagbalewala ni Gino nang tumingin siya sa akin at nginitian ako.He even extended his arms on me.

"Hi!I'm sky,you are?"nakangiting pakilala niya.Bago pa man ako makapagpakilala sa kanya ay isang kamay ang humila sa akin.

"Let's go,kiara."saad ni Gino.

Hi di pa man kami nakalabas ay nagsalita ulit si sky.

"Nice meeting you,Kiara.I'll see you later."sabi pa nito sa nanunuyang tinig.

Napatingin naman ako kay Gino nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.Doon ko lang  napansin ang kamay niya sa kamay ko.Sa laki ng kamay niya ay buo niyang sakop ang kamay ko and I must admit I can feel comfort by his touch.Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya.Ano pa kaya ang mararamdaman ko kung araw-araw kong mahahawakan ito.

Pinilig ko ang ulo sa ideyang pumasok sa isip ko.Bakit ba yan ang iniisip mo kiara?!tss.

Nang makalabas kami ay binitawan niya ang kamay at humarap sa akin.Para namang may bahagi sa puso na kumurot pero bago ko pa mapangalanan ang kirot na yon ay nagsalita na siya.

"Wait for me down stairs o puntahan mo sila Diana at Franki.They share one room.Yung alam mong Kwarto ni Franki."banayad na sabi niya.

Naguguluhan man ay tumango ako at hindi na nagtnong pa dahil alam kong may nangyayaring di ko dapat malaman pa.

Agad akong tumalikod sa reyalisasyong iyon.Dapat ay pigilan ko ang sarili kong makabigkas ng kahit isa lng tanong o kahit salita dahil sa huling beses na nagsalita ako ay masama ang idinulot non.Nakailang hakbang na ako ng nilingon ko ang direksiyon ng opisina niya.Wla na siya doon.

Napabuntong hininga ako at naglakad na ulit.Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang pagbigat non.Parang may pumigil sa akin na maglakad papunta sa kwarto ni Franki at bumalik sa opisina niya.May parte sa akin na nagtutulak na alamin kung bakit ganoon na lamang ang inasal niya.May parte sa akin na gustong alamin ang rason sa likod ng gakit niya at may parte sa aking gustong kilalanin ang totoong siya.

Ano ba itong nararamdaman ko.Tila ito'y banyaga sa aking sistema.Ang kagustuhang kilalanin ang isang taong ayaw naman buksan ang kanyang sarili sa iba ay isang banyagang pakiramdam sa akin.Hindi ako ganito,pero nang makita ang iba ibang emosyong nasa mata niya at nang  maramdaman ko ang banayad na pagsasalita niya ay may kung anong pakiramdam sa kaloob-looban ang gustong manghimasok.

"Anong nangyayari sayo,Kiara.?"




AUTHOR'S NOTE:

Hi!!!!good evening po!!!heto na po ang  next update.Sorry po kung may typo man.Hindi ko na po kasi binabasa ang mga pinapublished ko..hehee...
Anyways,enjoy reading po and please be safe.

Have a nice day and God bless!!

P.S

Baka po may maisusuggest kayong LT.Gagawan ko po ng story pagkatapos nito.Please comment kung meron man.Thanks!!!😊😊😊

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon